I heard the clink of glasses despite the loud music engulfing the air. Right now, nandito kami sa Gymnasium ng Exeter, having fun. Although it's already late, tuloy pa rin ang happiness.
Ngayon kasi, nagkaroon kami ng celebration para sa new athletes na nakapasok sa baseball team, and of course, ang highlight nito ay si Lorenzo. This also serves a welcome party to all the Exeter students as they dive into a new year at school.
As of the moment, nagpapatugtog ang DJ namin dito ng songs na made talaga for dancing and partying. Fake lang talaga 'yung inuman na nagaganap ngayon kasi there are teachers on stand by. In actuality, 'yung DJ is si Coach John. Hindi ko alam pero parang passion niya na rin 'yan eh, ang pagdi-DJ.
Besides, tomorrow na magsisimula ang formal classes kaya sulitin na dapat, 'diba? See how different our school is from others? "Wooohh!" rinig kong sigaw ng mga students na nagsasaya sa gitna ng gymnasium.
Bilang born chismosa, naki-osyoso rin ako sa mga ganap ngayong gabi. Nakita kong parang may tinitignan silang lahat. Habang papalapit ako ay mas lalong lumalakas 'yung sigawan.
"Ano ba 'to? May paligsahan ba sa pag-inom ng soft drinks?" tanong ko sa sarili habang napakamot sa ulo.
It seems like ang daming nanonood ngayon, especially girls. Kapag nandito sila, alam na agad ng karamihan kung ano ang meron. Sa tingin ko, may nageeksena na namang mga gwapo dito - papansin, ganon.
"Ang cute niya talaga. He's so ineffably handsome." rinig kong sigaw ng isang babae. Naiintriga na talaga ako diyan sa tinitignan nila kaya ayun, nakipag-siksikan ako hanggang sa makarating ako sa unahan.
"Excuse me po, excus-" hindi ko na natapos dahil sa may biglang sumigaw na nakaagaw ng atensyon ko - atensyon naming lahat na naroroon, pati na rin ng mga kaguruan.
"Clean, Clean, Lorenzo! Clean, Clean, Lorenzo!" ayan ang isinisigaw ng mga taong nakapalibot sa akin ngayon. They were raising their hands formed into a fist in a rhythmic fashion. Parang mga rallyista ang dating nilang lahat dito.
Hindi ko alam pero para yatang gumawa na agad ng grupo itong mga students dito. May dala-dala silang banner at may mga tshirt pa sila ha and take note, it's just been a day pero parang umuusbong agad ang powers ng isang Lorenzo.
Suddenly, a familiar voice caught my attention. "Hoy! Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Ella na may hawak na balloons habang napapasabay sa sigaw ng mga estudyante. "Aaah!" sinigawan niya lang ako habang natatawa at bumalik ulit sa pagsigaw sa lalaking nasa harap namin.
Tinignan ko si Lorenzo, nandoon siya sa isang table at - pinupunasan niya ito using a light blue cloth? Pati na rin yung chairs, linilinis niya rin 'yon. Nakasuot siya ng apron, naka gloves and face mask din.
"Clean, Clean, Lorenzo! Clean, Clean, Lorenzo!" patuloy na sigaw ng grupo ng mga estudyante at maging si Ella.
Since, nasa unahan ako, I can see clearly na those group of students are holding banners made of pinagtagpi-tagping paper na may mukha ni Lorenzo na may nakalagay din doon na 'Team Lorenzo' na kung saan ay natawa ako ng slight. I can't believe that they even alloted a spare of their time just to print out Lorenzo's picture.
"Clauds, iniwan mo naman ako bigla. Grabe ka sakin." sambit ng katabi ko na ngayong si Hazel na para bang hinanap ako sa bundok ng tralala dahil sa matindi niyang paghinga.
Kasama ko pala siya sa table namin since kanina pa tapos iniwan ko siya dahil nakipagsiksikan ako dito sa gitna ng gymnasium. Samantalang si Ella naman, sabi niya may pupuntahan raw siya pero 'yun pala ay nakisali lang sa mga admirers ni Lorenzo.
YOU ARE READING
Dating A Neat Freak
Teen FictionStandalone Novel | All Rights Reserved 2020 Lorenzo is a certified germaphobe and a total neat freak. He can kill even the remaining 0.01% of germs and bacteria that even soaps and disinfectants couldn't claim to do. Ganiyan kagaling ang skill niya...