Chapter 07: Traffic at Exeter

21 9 0
                                    

Wala ang teacher namin ngayon for our last two periods kaya maaga kaming makakauwi. I placed my notebook inside my bag and grabbed my phone. I looked at the time and it's just 3PM.

"Tara library tayo," Kenneth invited us. May schedule pala kami ngayon ng friends ko na pumunta ng library to write our papers.

Lahat naman sa amin ay nag-agree at inayos na ang aming mga gamit. "Tara Lorenzo." sambit naman ni Matt na ngayon ay kasama na si Lorenzo papalabas ng pintuan. Ka-pair ni Matt si Lorenzo habang si Austin naman ay ka-pair si Hazel.

Kenneth was right. Bumalik na ngayon si Lorenzo sa school and everything is as normal as it could ever be. Pumunta naman ako sa harapan ng aming classroom para puntahan 'yung ka-pair ko.

"Tara Kyle," pagyaya ko sa kaniya. Right now, he has his school bag with him and meron pa siyang isang dalang bag na sa tingin ko ay ang laman ay mga damit.

Sabay naman kaming lumabas at nakita kong nauna na 'yung iba naming mga kasama. Tinawag ko naman sila para hintayin kami at tumigil naman sila sa paglalakad.

"Ba't pala sumali ka sa baseball tryouts?" tanong ni Ella nang makalapit na kami sa kanila. Ito namang si Ella, wala talagang pinalagpas na kahit segundo kung si Kyle ang kausap.

Tumawa naman bahagya si Kyle. "Nakakahiya nga kasi hindi naman ako marunong talaga mag-baseball." sabi nito habang napatakip sa mukha.

Nakita kong inakbay naman ni Austin 'yung kamay niya sa balikat ni Kyle. "So bakit nga?" tanong nito sa lalaki.

"Sinamahan ko lang kaibigan ko kasi gusto niyang sumali." sagot nito sa tanong. Kyle's the example of a usual friend, 'yung tipong kahit ayaw niya, sasamahan ka niya kasi kaibigan ka niya.

"Dito na tayo daan," sabi naman ni Ella pagkababa namin sa floor namin. Malaki din itong building namin at may sarili ding library pero mas malaki kasi ang library namin sa Exeter Hall at doon mas konti ang tao.

Bumungad agad sa amin ang mukha ni Jayson kasama ang ibang mga estudyante dito sa Exeter. "Welcome to Exeter, Lorenzo!" sigaw nila at parang may binigay sila na gift kay Lorenzo.

Gulat naman kaming pito ngunit si Lorenzo ay parang tuwang-tuwa sa nakita. I looked at what Jayson was holding and nakita kong box of alcohols and cleaners ang binigay nila. That explains the smile on Lorenzo's face.

Hindi ko alam ang gagawin namin kaya tinignan nalang namin ang kasalukuyang nangyayari. "Ang weird naman ni Jayson. Dapat kasi pagkain nalang 'yung binigay." parang pagalit na sambit ni Ella.

"Ayan ba 'yung pinag-meeting'an niyo kahapon?" tanong ko naman na parang hindi makapaniwala na involved pala si Ella doon. Tumingin naman 'yung iba naming mga kasama kay Ella habang sila Jayson at Lorenzo ay patuloy lang sa seremonya nila.

"Sabi ko kasi dapat pagkain nalang ibigay nila as welcome gift kay Lorenzo para man lang makahingi tayo 'diba? Pero ayaw naman sumunod ni Jayson." pagmamaktol nito. Dahil sa sinabi ni Ella, nalaman ko agad kung ano ba ang gusto niya talagang mangyari.

"Gusto mo lang naman makakuha ng libreng pagkain eh." sabi ko sa kanya habang sinusundot-sundot siya sa katawan. Hindi na sumagot pa si Ella at nagtawanan nalang kami dahil hanggang doon ba naman, pagkain pa rin ang inaatupag nitong babaeng 'to.

Nang matapos na ang maikling seremonya nila Jayson ay bumalik na kami sa paglalakad patungong Exeter Hall. I saw that there were students playing soccer sa Quadrangle habang 'yung iba naman ay nakatambay lang sa Exeter field.

I saw Kyle looking at his phone habang may binabasa at parang hindi siya mapakali. "Okay ka lang ba?" I asked. Tumango lang naman siya at ibinalik na ang hawak na cellphone sa kaniyang bulsa.

Dating A Neat FreakWhere stories live. Discover now