Kinuha na namin ni Austin 'yung microscopes and nagmadaling pumunta sa classroom namin. We're not yet late kasi medyo maaga naman kaming pumunta ng school pero malapit na kaming maabutan ng time if hindi kami makaka-abot sa room within a span of minutes.
I suddenly heard the sound of footsteps coming towards us and it seems that it's the sound of someone running, real fast. Lumingon ako to see Matt and Kenneth running, hawak-hawak na ang mga backpacks nila instead of wearing it on their backs.
"Nag-text sa akin si Ella, nandoon na raw siya." sabi naman ni Matt na ngayon ay sinuot na nang maayos ang bag niya. Kinuha niya 'yung isang box na hawak ko and pulled my hand with his left hand at tumakbo na kami papuntang classroom.
Ito namang si Kenneth ay, bagama't kinuha 'yung natitirang box sa kamay ko ay nauna nang tumakbo at iniwan kaming tatlo dahil sa excitement nitong makita ang girlfriend niya.
Together with Matt and Austin, us three ran as fast as the wind, not because we're late, but because of the girl who came back from Switzerland.
After a few minutes, we arrived at our classroom and halatang iniwan o naiwan na bukas ni Kenneth ang pinto. Austin and Matt placed the box of microscopes they were holding at the teacher's desk.
There were some students na halatang curious sa kung ano ang dinala namin at bakit namin 'yon dinala but nobody bothered to ask. Buti naman kasi I want to see her na.
"Zcyrel!" sigaw ko nang makita ko ang isang babae na katabi ngayon ni Kenneth. She ran towards me and we met midway, hugging each other tightly.
I noticed that she's already wearing her school uniform while the rest of us were still wearing our casual outfits.
"Kamusta na?" I asked after we broke off from our hug. "It's been so long." I added as I suddenly averted my gaze towards my friends. Feeling tourist lang 'no? Akala mo kung ang tagal-tagal niya na talagang nawala.
"Hindi naman." she replied, softly laughing, and we proceeded to sit on our respective chairs. I saw everyone was there except Lorenzo. As I was thinking of reasons kung bakit wala pa si Lorenzo, Zcy called out to me.
"Kain ka na muna nitong mga dala ko oh." sabi ni Zcyrel. She handed me a pack of chocolates na sa itsura palang ay alam mo nang Toblerone 'yon.
"Kita mo 'tong si Ella? Mas excited pang makita 'yung pasalubong niya kesa kay Zcy." bigla namang sabi ni Kenneth na ngayon ay turo-turo ng kaniyang kaliwang kamay ang lumalamon na si Ella. I saw na parang nawalan ng gana si Ella sa pagkain and looked at Kenneth intently.
"Ano bang pake mo ha? Sinisira mo ang sweet morning ko." sabi niya habang hawak-hawak pa ang box ng Toblerone at itinuro ito sa direction na Kenneth.
Medyo napa-atras naman si Kenneth dahil parang anytime soon, kayang-kayang gawin ni Ella na espada ang karton. I saw Hazel and Austin laughing habang nakangiti ngunit pailing-iling naman na nakatingin si Matt sa kaniyang nasaksihan.
Kinalabit ko bigla si Hazel sa bewang at nang lumapit siya sa akin ay bumulong ako. "Magkakilala na kayo?" I asked, hoping na sana ay nagkaroon na sila ng somewhat lowkey 'introduce yourself' kanina when we were still not here.
"Oo na," she replied at ipinakita sa akin ang hawak-hawak na box ng Toblerone at natawa. Ibinalik nalang namin ang atensyon sa dalawang nagaasaran sa harap namin.
"Magka-tonsillitis ka sana." sabi naman ni Kenneth kay Ella na ngayon ay medyo malapit na ang distansya sa isa't-isa kumpara kanina.
"Mag break sana kayo para sa akin nalang si Zcy." sagot naman pabalik ni Ella at hinila bigla si Zcyrel at yinakap patalikod. Nilabasan nalang naman ni Ella ng dila si Kenneth.
YOU ARE READING
Dating A Neat Freak
Teen FictionStandalone Novel | All Rights Reserved 2020 Lorenzo is a certified germaphobe and a total neat freak. He can kill even the remaining 0.01% of germs and bacteria that even soaps and disinfectants couldn't claim to do. Ganiyan kagaling ang skill niya...