As the music still continued to dominate the whole Gymnasium, bumalik na ako sa table ko hoping to relax a bit dahil nakakapagod naman sumayaw-sayaw at mag-enjoy doon sa gitna together with some of my classmates.
"Kaya pa?" tanong sa akin ni Austin habang naglalakad kami papalapit sa table namin. He's with me right now and sumama na siya sa akin kasi na-bore na raw siya dahil wala naman na raw iba naming friends doon.
I just answered with a nod and hooked my left arm on his right. There were still lots of people dancing, not showing any signs of tiredness and boredom na para bang kasisimula palang ng party.
"Wow naman, ang sweet." sabi ni Hazel nang makabalik na kami sa table. She's teasing us like Austin and I are a thing but we actually aren't. Disappointment unraveled in Hazel's eyes when both of us didn't even react.
"Yow," bati sa amin ni Matt. I saw that the rest of the squad were already there. Hazel, Kenneth, and Matt together with the rest of our classmates were just chatting with one another habang si Ella naman ay, living up to her character, is still eating.
Dumiretso na ako sa tabi ni Ella and asked for a bite although hindi ko alam kung saan niya nakuha 'yung pagkain na hawak-hawak niya. Hazel also scooted towards us para humingi rin kay Ella.
"Ba't pala 'to naka styro?" tanong ko sa kanya as I took a bite of the food. 'Yung mga pagkain kasi dito na inihanda ng faculty is buffet style so bale, walang styro-styro.
"Kung alam mo lang Clauds kung saan niya 'yan kinuha." sabat naman bigla ni Kenneth na bigla nalang din kumuha sa pagkain ni Ella. Sinampal naman ni Ella 'yung kamay ni Kenneth pero nakakuha pa rin ito ng kaunti.
"Saan mo ba 'to nakuha?" tanong ko kay Ella, looking at her curiously. "Hihihi," she just chuckled and answered with a smile na para bang nahihiya na medyo proud din at the same time.
"Galing 'yan sa Team Lorenzo, binigay nila sa lahat ng members." si Hazel na ang sumagot habang natatawa. Nakita ko na para bang gulat na napatingin sina Matt at Austin kay Ella dahil sa sinabi ni Hazel.
"So kaya pala todo sigaw ka kanina kay Lorenzo dahil may pa-libreng pagkain sila sa mga members!" natatawa ko namang sabi sa kaniya at napahampas sa likod nito. Tumuloy lang siya sa kaniyang pagkain at hindi na pinansin ang mga tawa namin.
She's really something. Kahit ano pa 'yan ay talaga nga namang gagawin ito ni Ella para sa pagkain. "Ang takaw mo talaga." panga-asar naman ni Kenneth at pinisil-pisil ang pisngi nito.
"Tigilan mo nga ako." galit na sabi ni Ella habang may laman pang pagkain ang bibig sabay hampas sa mga kamay ni Kenneth paalis. "Okay na ang matakaw na maganda kesa naman sa tulad mong pangit na walang kwenta." sagot nito pabalik habang proud na proud sa kaniyang sinabi.
Nag-ingay naman ang dalawang lalaki sa lamesa namin nang marinig ang mga binitawang salita ni Ella habang kami naman ni Hazel ay natawa nalang sa mga nangyayari. This is really natural between them. Palagi silang nag-aaway kahit wala namang dapat pag-awayan.
"Kailangan mo ba ng toothpaste? Parang sunog na sunog ka ata." sabi naman ni Matt kay Kenneth habang hinahaplos-haplos ang mukha nito.
"Maganda? Saan banda? Ang pangit kaya." singit naman bigla ng isang lalaki na papalapit sa amin at umakbay ito kay Kenneth. Hindi ko siya kilala pero feeling ko taga-kabilang section 'to.
Gulat naman kami dahil hindi naman namin ito in-expect na may sasabat nalang bigla sa aming usapan pero parang kakilala ata ito nitong mga lalaki. Nakita ko naman ang inis sa mata ni Ella at ni Hazel.
YOU ARE READING
Dating A Neat Freak
Teen FictionStandalone Novel | All Rights Reserved 2020 Lorenzo is a certified germaphobe and a total neat freak. He can kill even the remaining 0.01% of germs and bacteria that even soaps and disinfectants couldn't claim to do. Ganiyan kagaling ang skill niya...