Chapter 03: The Unique Player

41 11 3
                                    

"Mali ang stance niya." biglang sabi ng katabi kong si Matt at ibinalik ang tingin sa kaniyang hawak na cellphone.

It's already 10AM and the tryout is still on-going. However, little by little ay nababawasan ang mga estudyanteng nanonood ngayon. 'Yung unang display nila ng laro, maganda talaga but now, there were lots of players here na gustong mag tryout pero hindi man lang natapatan 'yung kaninang ginawa ni Austin.

So far, ang pinakamalayong base na natakbuhan palang is 'yung 2nd Base by a guy named Kim. Surprisingly, for a man of size, Kim showcased his skill in baseball.

By the way, nandito kami ngayon sa bleachers. Kasama ko si Matt, Kenneth and Austin. 'Yung dalawa kong kasama kanina ay umalis na kasi bored na raw sila.

Austin suddenly placed his phone in front of me and I felt him scoot over making the distance between us a bit closer. Linapit ko naman ang aking mukha sa mukha niya and smiled. He took several photos of us and each one of them had different poses. Hinila ko na rin si Matt upang makasama sa selfie namin while Kenneth stood up and went behind us and posed as if he was a greek model with his fingers on his forehead.

"And you're out." sabi ng Umpire sa current na nag-bat. Pumagitna naman na si Kenneth between Austin and I at doon umupo.

It's been like this since the beginning. 'Yung iba ay naa-out dahil natamaan sila nung bola, pero 'yung iba naman was dahil sa nakakakuha sila ng three strikes. See how boring it is? Ganito palagi 'yung mga nangyayari since kanina pa. It's different compared to what we witnessed earlier. Parang nawala 'yung hype na kanina lang ay parang dumadaloy sa dugo ng bawat estudyante.

"Ang pangit naman kasi ng pagkaka-pitch nung ball eh." Austin said, pertaining as to why some participants didn't even hit the ball.

Actually, kanina pa 'yang sina Austin and Matt na reklamo nang reklamo. Kesyo pangit daw 'yung stance nung batter, pangit 'yung pagkaka-pitch nung bola, at pangit daw 'yung player. Dahil sa sinabi niya, minsan tuloy ay napapatanong nalang ako sa sarili ko kung ano nga ba talaga ang connection ng facial features sa sports?

"Hey, ano nang nangyayari?" tanong ni Kenneth sa amin after he finished playing the game in his phone and placed it inside his pocket. Since napaka-busy ni Austin manood, ako nalang ang sumagot, "Ito, boring pa rin." sabi ko, leaning my head on Matt's shoulder. Sinubuan naman ako nito ng pagkain na binili niya kanina.

Kenneth suddenly placed his arm around my shoulder and acted all sweetly. Nagmumukha tuloy kaming tatlo na para bang naglalandian. "Doon ka nga sa bebe mong may ambag sa Pilipinas!" sabi ko sa kanya at tinulak siya palayo ngunit naiwan pa rin na nakapatong ang kamay niya sa balikat ko.

I still don't know how he managed to be in a relationship with our other friend. "Wala ka raw kasing ambag boy." dugtong naman ni Matt. Inalis ko 'yung kamay niya sa balikat ko. Linipat niya na lang 'yung isa niyang kamay sa likod ni Austin.

Isinanday ko naman ulit sa shoulders ni Matt yung ulo ko. "Ang boring nito, inaantok na ako." sabi ko sa kanya and yawned. I closed my eyes and I felt the guy sitting in my right na lumapit lalo sa akin and heard him speak.

"Well," pagsisimula ni Kenneth. "Try-outs nga diba? Malamang ang iba diyan ay hindi magaling. Kaya nga naghahanap kami ng potential players para i-train." dugtong niya. Minsan din talaga ay may lumalabas din naman sa bibig ni Kenneth na maganda at makabuluhan.

I opened my eyes and looked at him. "Recently ha, you're good with words. Ang daming lumalabas na magaganda sa bibig mo." sabi ko sa kaniya habang nakangiti nang malapad. Kenneth's ears seemed to twitch at the sudden compliment I gave him.

Dating A Neat FreakWhere stories live. Discover now