"Kain ka nalang nang kain diyan, hindi mo ako dito tinutulungan!" pagrereklamo ni Kenneth dahil hindi tumutulong si Ella sa ginagawa nila ngayong paper.
I don't know what they did kahapon dahil hindi pa nila natatapos 'yung paper nila but right now, we have a vacant period and susunod na dito is si Sir Homer, not to teach Biology, but to teach Physical Education.
About my paper with Kyle, tinapos ko na siya kagabi when I got home. May sarili naman na akong format when writing papers kaya madali nalang siya para sa akin. I also informed Kyle about me finishing the paper and nag-sorry siya kasi wala siyang natulong but it's okay for me, it's not a big deal.
"Matt, lasahan mo." sabi ni Ella sa lalaking nakaupo sa likod ko. Sinubuan naman ito ni Ella ng pagkain na hawak niya at bumalik na sa kani-kanilang ginagawa.
Since I'm not doing anything, pinanood ko nalang ang mga kaibigan ko habang tinatapos 'yung paper nila. Hazel was working diligently with Austin. Si Kenneth naman at si Ella ay hanggang ngayon ay nag-aaway pa rin habang sina Matt at Lorenzo naman ay busy rin sa kanilang mga ginagawa.
From the edge of my eyes, I saw Lorenzo fidgeting over his phone and after a few moments, I felt my phone vibrate. I opened it just to see a text message from Lorenzo.
Stop checking us out, can't concentrate.
A smile formed after reading his message but I didn't bother to reply. Inayos ko nalang ang upo ko kasi anytime soon, darating na si Sir Homer. "Clauds, may sasalihan ka na ba na club?" tanong sa akin bigla ni Ella.
Hanggang ngayon wala pa rin akong maisip eh. I don't want to to go back to my old club kasi I want to try something new naman for a change. "Wala pa rin akong maisip eh." sabi ko naman kay Ella.
"Samahan mo nalang ako sa Drama Club. Maraming pogi doon." alok naman sa akin ni Ella. Natawa naman ako sa sinabi niya kasi I was expecting a 'maraming pagkain doon' instead of a 'maraming pogi doon' phrase.
"Ba't pala hindi ka sumali sa Cooking Club? Maraming pagkain doon ha?" curious kong tanong kay Ella. She loves food so much so why not join a club where food is the center of attention?
"Diba sabi ko sayo, I was born to be an actress." she confidently said and this time around, tumayo na naman siya and posed like a supermodel, still holding the bag of chips in her right hand.
"And besides, hindi siya doon tatanggapin kasi unang session palang, siya na agad ang uubos ng pagkain nila doon!" sigaw naman ni Kenneth in anger kasi kanina pa 'tong si Ella na hindi tumutulong sa paper nila.
Hindi nalang sumagot si Ella at bumalik nalang sa pag-upo kasi alam niyang hindi naman niya tinutulungan si Kenneth; iniirita niya lang 'to palagi.
Actually, I'm not against anyone na hindi tumutulong sa papers or anything basta alam kong marunong sila and they have an acceptable reason for not being able to help. I'm actually fine in taking all the responsibilities and doing it all kasi minsan, when you assign things to your members, mas mababa 'yung quality ng gawa nila compared kung ikaw mismo ang gagawa. Parang pag binigyan mo sila ng role, mas lalo ka pang mahihirapan. It's a bit harsh, I know, pero that's what I've experienced so far.
This time around though, to make sure my partner or my members take part in a project for example, I set extremely high standards that they need to attain para naman if hindi nila ma-achieve 'yung required standard ko, relatively high pa rin 'yung level ng gawa nila if that mindset makes sense to anyone because it is for me.
"Good Morning Sir!" biglang sabi ng mga estudyante sa harapan. Tumayo naman kami upang batiin ang aming guro.
I saw Ella and Hazel fix their things at inayos na rin ang kanilang mga upuan. The rest of the class remained silent.
YOU ARE READING
Dating A Neat Freak
Novela JuvenilStandalone Novel | All Rights Reserved 2020 Lorenzo is a certified germaphobe and a total neat freak. He can kill even the remaining 0.01% of germs and bacteria that even soaps and disinfectants couldn't claim to do. Ganiyan kagaling ang skill niya...