Prologue

89 6 10
                                    

"Mommy!"

Nakangiting salubong sa akin ng anak ko pag-uwi galing sa trabaho. Makita ko lang ang ganyang ngiti ng anak ko, wala na ang pagod ko. Sobrang nakaka-stress pa naman nitong mga nakaraang araw.

"Hi baby ko. How's your day? Have you eaten your dinner? Are you a good boy?"

I kissed his cheeks and gave him a not so tight hug. Hindi ko alam pero lagi kong namimiss ang anak ko kahit kasama ko na siya. Gosh, I'm so inlove.

"Nitulong ko po si manang mag-cook ng dinner natin. And we waited for you so we can eat sinigang together. And yes, mommy! Good boy si Kion!" He cheerfully said. I lightly pinched his chin and pat his head.

"Go to manang na, baby. I'll just change so we can eat na." Agad naman siyang tumakbo papunta sa kusina. Hay. Ang bilis lumaki ng anak ko. Parang kailan lang...

Umakyat na ako sa kwarto at nadatnan ko ang asawa kong nasa kama at kaharap ang laptop niya. Saglit niya lang akong tinapunan ng tingin at ibinalik ang atensyon sa laptop niya.

Kumuha ako ng nighties sa closet at pumasok sa banyo para mag-shower. Nanlalagkit na ako dahil sa dami ng customer ngayon.

Natapos na ako't lahat pero hindi pa rin natitinag si Keen sa harap ng laptop niya. Ang dami sigurong gawain sa opisina ngayon.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Kion. "Mom! You're so tagal po. I'm hungry." And pouted his cute lips after saying that. Napunta naman ang paningin niya kay Keen. Umakyat siya sa kama at sumilip sa ginagawa ni Keen.

"Daddy, let's eat po. I helped manang cooked our dinner. Let's go po!" He said in so much glee while pulling Keen's shirt. Tinanggal ni Keen ang kamay ni Kion at hindi man lang pinansin ang bata. Nakita kong nawala ang saya sa mukha ng anak ko.

Lumapit ako sa kama at binuhat si Kion. "C'mon, baby. Tayo na lang muna ang kumain. Busy pa si daddy eh." Yumukyok ang anak ko sa leeg ko. Bago kami tuluyang makalabas ng kwarto, nagsalita ang anak ko.

"Hindi po ba ako love ni daddy?"

Para akong tinusok ng ilang milyong karayom sa sinabi ng anak ko. At alam kong narinig ni Keen 'yon dahil nakita ko pa siyang nag-angat ng tingin sa amin bago ko isara ang pinto.

-----;

A/N: Hi! If umabot ka sa part na 'to, Thank you! Thank you for reading the Prologue of this story. I hope na masuportahan mo ako habang sinusulat ang kwento ni Sasha at Keen kasama ang baby nating si Kion.

If hindi ako nakakaabala, please vote for this chapter and recommend it to your friends.

Thank you so much! Happy Reading! (^.^)

Broken Series 1: The Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon