Chapter Four (Part One)

80 4 3
                                    

[Italic words means throwback.]

Nang makarating ako sa bou​tique, binati ako ng mga empleyado ko. Tinanguan ko na lang sila dahil nababadtrip pa rin ako sa ginawa ni Keen. Nakakabastos na siya. Hanggang ngayon ba hindi niya pa rin ako napapatawad? Sinusubukan ko pa rin naman maging mabuting asawa sakanya. Oo mali 'yung nagawa ko, pero humingi naman na ako ng tawad sa kanya...

Last day na nang pag-stay namin dito sa Baguio. We went to Diplomat Hotel yesterday and the ambiance was so creepy. Ngayon naman ay nililibot namin ang Camp John Hay, walang sawa ang pagkuha ng pictures nina Ella at Iya. Habang tahimik naman na naglilibot si Hana. Humiwalay kami ni Jill and we took each other's pictures. Nagkita-kita kami sa Le Chef for lunch.

We really did enjoy our last day sa Baguio. Almost five pm ay nakabalik na kami sa hotel and kanya-kanya na ring kulong sa mga hotel room. Maaga pa ang balik namin sa Manila bukas. Hindi pa ako nakakaramdam ng pagod so I decided to stroam around the hotel.

I was taking a picture of the beautiful sky when someone tapped my shoulder. It's the guy on the bar. Andre Lucas. "Hi Sasha! We met again." He said as I turned to face him. May meeting daw siyang dinaluhan dito sa hotel at pabalik na daw siya sa office nila nang makita niya ako.

Niyaya niya akong kumain sa restaurant sa loob ng hotel. Treat niya raw. At dahil hindi ako tumatanggi sa grasya, sumama ako sakanya. The restaurant's ambiance was nice so I took a picture. Pumwesto kami sa sulok at agad kaming pinuntahan ng waiter. Nag-order lang ako ng pasta and juice at ganon na rin daw ang sa kanya.

"Kamusta naman? Last night na namin dito sa Baguio. Uuwi na kami sa Manila bukas." I said.

"I'm good tho medyo busy sa company. And ginagawa ko 'yung best ko para ma-promote. Kahit tito ko ang may-ari ng pinagtatrabahuhan ko, dapat paghirapan ko pa rin." I can see comptitiveness in his eyes. "So it's your last night na pala dito sa Baguio. Kailan mo naman balak bumalik?" Tanong niya sakin.

"I don't know yet. Pero sana makabalik din ako soon." Dumating na 'yung pagkain namin and pinagpatuloy ang kwentuhan. Infairness, ang sarap ng pasta nila. Sana may branch sila sa Manila so whenever I crave for this pasta, madali lang akong makakabili.

Nagpaalam lang ako saglit para mag-restroom. I retouched my lipstick and powder. I washed my hands at bumalik na sa pwesto namin. Naabutan kong may kausap si Andre sa phone niya kaya hindi muna ako nagsalita. Inubos ko ang laman ng baso ko at saktong baba niya ng phone. "Do you want to go outside?" Yaya niya.

"Sure." Saktong pagkatayo ko ay nakaramdam na ako ng hilo. Agad niya naman akong dinaluhan at inalalayan hanggang sa mawalan na ako ng malay.

Nag-design lang ako ng mga panibagong dress at itinuon dito ang aking pansin. Paminsan minsan ay tumatawag si manang pero si Kion naman ang nagsasalita. Miss na daw niya ako at gusto niyang pumunta dito. Tinapos ko na lang agad ang mga ginagawa ko para makauwi na sa bahay.

"Mommy! Miss po kitaaa!" Salubong ni Kion sakin habang nakataas ang dalawang kamay. Gusto atang magpabuhat. My boy never fails to take my tiredness away, no matter how drained I am. I kissed both of his cheeks then carry him. "Medyo mabigat na ang baby boy ko ah. Big boy ka na." Umupo ako sa sofa habang nakakalong naman siya sakin. Sinapo niya ang mukha ako at pinaulanan ng halik. "Mom.. Pwede po ba dito ka lang? Huwag na lang po ikaw mag-work. Araw-araw po kitang miss eh." He said while pouting.

Naawa naman ako sa anak ko. Tama nga naman na sa ganitong edad niya, dapat ako ang kasa-kasama niya. Na mas higit niya akong kailangan sa kahit sino. I hugged him and caressed his back. "Kapag okay na ang lahat, promise, baby. Hindi na aalis si mommy. Lagi na lang ako sa tabi mo."

"Magpplay tayo lagi?" Biglang lumiwanag ang mukha ni Kion at masayang pumalakpak. I nod my head. "Yeheeey!" Tinadtad niya ako ng halik sa aking mukha. My sweet boy. Kung pwede lang na habang buhay na lang siyang ganto, pero alam kong hindi pwede 'yon. Darating ang araw na makakahanap siya ng babaeng pakakasalan at maiiwan ako dahil bubuo siya ng sarili niyang pamilya. Ngayon pa lang ay sumisikip ng ang dibdib ko. Niyakap ko siya ng mahigpit at hindi ko namalayang parehas na kaming nakatulog.

to be continued.

Broken Series 1: The Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon