Italic means flashback
"Uwaaaaah! Ngaaaaaa!"
Sampung minuto na ang lumilipas mula nang umiyak ang bata sa kuna. Tumingin ako sa orasan na nasa tapat ng aking pwesto. 1:44 am. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. But I don't wanna carry him. I can't even look at him. The child reminds me of that devil. Gusto kong kunin ang unan at takpan na lang ang kanyang maliit na mukha.
Unti-unting bumukas ang pintuan ng kwarto at sumilip si Manang.
"Tsk! Kanina ko pa naririnig umiiiyak 'tong bata." Kinuha niya ang sanggol sa kuna at inumpisahang ihele. Ilang minuto na pero hindi pa rin ito tumatahan. Lumapit sa akin ang matanda at akmang ibibigay ang bata.
" Ilayo mo sakin 'yan!"
Lalong umiyak ang bata sa sigaw ko. Naririndi na ako! Gusto ko na lang iumpog ang ulo ko sa pader! Wala akong kwentang asawa, hindi kami magka-anak pero nagawa kong dalhin ang anak ng demonyong 'yun! Nagsimula na akong lumuha habang nakatingin kay Manang. "Please.. Manang, ilayo niyo sakin 'yang batang 'yan..."
"Subukan mo lang, Sha. Siguradong hinahanap na ng anak mo ang kalinga mo. Bigyan mo naman ng pagkakataon ang baby mo. Wala siyang kasalanan, anak." Patuloy pa rin sa pag-iyak ang batang hawak ni Manang . Lumapit ulit siya sa akin at dahan-dahang iniharap ito sa akin.
Mahina itong humihikbi at iminulat ang mata sabay hikab. Napansin ko agad kulay ng mata niya na kapareho ng akin. Inabot sakin ni Manang ang bata at inayos sa bisig ko.
Ibinuka niya ang kanyang bibig na tila ba'y may hinahanap. Umangat ang aking paningin kay Manang. "M-maybe he w-wants to dede?"
Manang helped me to lift up my shirt and removed my bra. The baby immediately latch on my nipple. He's barely one month and I know hindi niya pa ako masyadong nakikita. But when he opened his eyes, I knew right there, that I will do everything to protect him. Even from myself.
——;
Belated Merry Christmas / Happy Holidays, everyone! Hindi ko alam if may nagbabasa pa ba neto HAHAHAHAH
BINABASA MO ANG
Broken Series 1: The Broken Vow
Ficción GeneralKeen is a faithful and loving husband. Pero nagbago iyon nang malaman niya at ng kanyang asawa na si Sasha na hindi sila magkakaanak. Keen can't produce a child. Sa madaling salita, baog siya. At sa isang hindi inaasahang gabi, may nangyari kay Sash...