[ Italic words means throwback ]
Nasa kama na ako ng magising ako. Katabi ko si Kion at yakap niya ang simba plush toy na niregalo ko sakanya 'nung second birthday niya. Nakita ko si Keen na naka-pwesto sa sulok kung nasaan ang kanyang personal computer. Alas nueve na ng gabi at nanlalagkit na ang pakiramdam ko. "Kumain ka na?" tanong ko sakanya. Tumango lang ito.
Hinalikan ko sa noo ang anak ko at dumiretso na sa banyo. Naisip kong magbabad muna sa bath tub at mag-isip isip, sumagi sa isip ko ng malapit nang mag-tatlong taon si Kion. Gusto ko siyang bigyan ng maliit na party lang since konti lang naman ang mga bata dito sa subdivision na kalaro niya. Tsaka ko na siguro paplanuhin.
Hindi na rin ako nagtagal at agad na nagbanlaw. Sinuot ko na ang pantulog ko at nag-skin care na rin. Paglabas ko ng kwarto ay nakahiga na si Keen at wala si Kion. Pumunta ako sa katabing kwarto at nakita kong himbing na himbing ang tulog niya. Hinalikan ko ito sa noo at inayos ang kumot hanggang dibdib niya. Bumalik ako sa kwarto namin ng asawa ko at nahiga na rin.
Naramdaman ko ang lamig na dumadampi sa katawan ko. Minulat ko ang aking mata at napadpad ang paningin ko sa lalaking nakatayo sa may bintana. Labis ang gulat ko nang makita kong wala akong saplot ni isa.
"Anong ginawa mo sakin, Andre!" sigaw ko dito. Wala akong maalala sa mga nakalipas na oras. Ang huling natatandaan ko ay iyong nasa restaurant kami.
"Nagustuhan mo naman. Ano pang inaarte mo diyan?" naka-ngising saad nito. Lumapit siya sakin at hinawakan ang pisngi ko. Hindi na ako nakapagtimpi at sinampal siya. "Ang kapal ng mukha mo! Wala akong maalala na pumayag ako! Wala akong maalala na sumama ako sayo dito!" tumutulo na ang luha ko at pinaghahampas siya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at tinulak pahiga sa kama sabay pumaibabaw sa akin. "Bitawan mo ako!"
Ramdam ko ang sakit sa sikmura ko nang sikmuraan niya ako. Napaubo ako at halos mawalan ng ulirat. "Kung maririnig mo lang ang mga ungol mo kanina, halatang sarap na sarap ka. Why don't we do it again? This time, maaalala mo na." Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya sa akin.
"Huwag! Huwag! Ayoko, please... pakawalan mo na ako... Huwag..."
"Huwag!"
"Sasha!" Napamulat ako at agad na yumakap kay Keen. Patuloy lang ako sa paghagulgol at ramdam pa rin ang takot dala ng nangyari nung gabing 'yon. "Shh.." Hinahaplos niya ang ulo at likod na parang sa paraang iyon ay kakalma ako. Maraming beses rin akong nakakaranas ng ganito. May mga panahon ring nasusugatan ko pa siya.
"Huwag mo akong iiwan, Keen. Please, huwag. Huwag mo kaming iwan, promise me." mahinang sabi ko habang nakasubsob sa dibdib niya. "I won't."
End of Chapter Four
-----;
A/N: Hi! If umabot ka sa part na 'to, Thank you! Thank you for reading the Chapter Four (Part 1&2) of this story. I hope na masuportahan mo ako habang sinusulat ang kwento ni Sasha at Keen kasama ang baby nating si Kion.
If hindi ako nakakaabala, please vote for this chapter and recommend it to your friends.
Thank you so much! Happy Reading! (^.^)
BINABASA MO ANG
Broken Series 1: The Broken Vow
Fiksi UmumKeen is a faithful and loving husband. Pero nagbago iyon nang malaman niya at ng kanyang asawa na si Sasha na hindi sila magkakaanak. Keen can't produce a child. Sa madaling salita, baog siya. At sa isang hindi inaasahang gabi, may nangyari kay Sash...