[ Italic words means throwback ]
"Let's try some bar here in baguio, girls." Sabi ni Jill paglabas namin ng hall. Lima kaming magkakasama na pumunta dito sa baguio. Katatapos lang ng one week seminar namin. Para 'yon sa mga may-ari ng small businesses at tungkol rin sa pagsuporta sa mga local products.
Ngayon naman meron kaming 3 days para i-enjoy ang baguio. Nagpasya kaming huwag na magpaabot ng another one week. Okay naman 'yon sa akin dahil namimiss ko na si Keen.
Gabi gabi naman kaming magka-chat or minsan ay video call.
[A/N: Sana all.]
Busy rin siya sa office at may bagong project daw na inaasikaso. Buti na lang may time pa rin kami para isa't-isa.
[A/N: Sana all ulit.]
Nagpahinga muna kami pagkauwi namin sa kanya-kanyang hotel room. Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Keen. Sana ay wala siyang masyadong ginagawa ngayon.
[Hello, love.] Narinig ko ang baritonong boses ng asawa ko. Hay, boses pa lang ang gwapo na.
[I miss you, babe. I wanna tell you something, if you're not that busy.] Humiga muna ako sa kama at hinintay ko ang sagot niya.
[What is it? C'mon, tell me.]
[Nagyaya kasi si Jill na mag-bar kami mamaya. Okay lang ba?] I asked him na may konting pabebeng boses. Para syempre payagan ako, alam ko namang hindi niya ako matitiis.
[Okay, love. Mag-iingat kayo ha? Maging cautious kayo sa paligid niyo and behave. Okay?] Paalala niya na parang tatay. He's my daddy tho. Daddy Keen.
[Yes, babe! Thank you. I'll be home in three days. I love you.] I gleefully said.
[I love you. Take care.]
Pinatay ko na ang call at tumayo para ayusin ang isusuot ko mamaya. It's only four in the afternoon. Mga quarter to nine na daw kami magkita kita sa lobby ng hotel. Medyo puyat din ako dahil nga sa seminar so I decided to take a sleep.
Mga pass six na ako nagising and kuntento naman ako sa tinulog ko. Nagpa-room service lang ako ng dinner and agad ding naligo.
Eight thirty na ako natapos and I'm wearing a black velvet strap dress na umaabot hanggang sa mid-thigh ko. Gold chain ang strap nito at maaaninag ang cleavage ko. Nag-light make up lang and nude lipstick.
And also partnered it with black strappy heels and gold clutch bag. Inalis ko rin sa daliri ko ang wedding ring ko at ginawang pendant sa kwintas.Almost one hour din ang byahe namin at agad kaming pumasok sa bar. As usual, may usok at amoy na amoy ang alak. Agad kaming kumuha ng pwesto at nag-order ng drinks.
Nagkukwentuhan kami about sa mga recents events na mga buhay namin. Hindi ko na lang sinama 'yung part na nagpa-check up kami ni Keen pati rin 'yung results non. Hindi sa ikinahihiya ko pero problema na naming mag-asawa 'yon.
"Let's dance." Aya ni Ella sa amin at agad naman kaming pumunta sa dance floor.
We're dancing like there's no tomorrow. May ilan ding lumalapit sa amin para makisayaw. After some minutes ay bumalik kami sa table at nag-inom ulit.
May kasamang driver naman si Iya at mataas naman ang alcohol tolerance ni Hana. Kahit malasing kaming apat kaya naman niya kaming i-handle. And she's been doing that since our college days.
Nakailang shots pa ako and ramdam kong umiikot na ang paligid. Nagpaalam ako magccr lang at tumango lang sila.
Medyo natatawa pa ako dahil magdadalawa ang paningin ko. Dahan dahan lang ang lakad ko dahil pagewang gewang na rin dala ng kalasingan. Bago pa man ako matumba ay naramdaman ko na ang bisig na sumali sa akin.
"Hey careful!" Inalalayan niya ako at dinala sa bar counter. "Water please." Sabi niya siguro sa bartender. Inalalayan niya ako sa pag-inom at hinayaan munang mahimasmasan.
"Thank you ha." Sabi ko sakanya. I stared at him and I really think that he is cute? I don't know. Nasa dark place kami so baka gwapo siya sa maliwanag.
"I'm Andre Lucas, you are?" He offered his hand for a handshake. Wow ha, ang gwapo ng name. Pero mas gwapo pa rin ang sa asawa ko. Keen Phoenix.
"Sasha Lei." I accepted his hand and nagkwentuhan na kami. Nawala na sa isip ko na kasama ko ang mga kaibigan ko at tinatanggap ko rin ang bawat baso ng alak ng inaabot niya.
"Gusto mo ba sumayaw?" He asked then smiled at me. He's so charming.
Tumango naman ako at inalalayan niya ako papuntang dance floor.I turned my back on him as I swayed my hips. He held my waist at sinabayan niya ako sa paggiling. I can feel his growing bulge so I stopped and faced him.
"Uhm, can I go back to my friends? Paniguradong hinahanap na nila ako eh." My eyes roamed around.
"Sure."
Bumalik ako sa pwesto namin at nadatnan kong nakasandal na ang ulo nina Iya, Jill, at Ella. Umiinom naman ng juice si Hana.
"Can we go back to the hotel? I'm tired na." I asked Hana.
"Sure. I'll call my driver."
When we arrived at the hotel, medyo nahimasmasan na ang tatlo. We bid goodnights to each other and entered on our hotel rooms.
I did my night routine and before I swept away by drowsiness, I found myself thinking the man I've met few hours ago.
-----;
A/N: Hi! If umabot ka sa part na 'to, Thank you! Thank you for reading the chapter two of this story. I hope na masuportahan mo ako habang sinusulat ang kwento ni Sasha at Keen kasama ang baby nating si Kion.
If hindi ako nakakaabala, please vote for this chapter and recommend it to your friends.
Thank you so much! Happy Reading! (^.^)
BINABASA MO ANG
Broken Series 1: The Broken Vow
Fiction généraleKeen is a faithful and loving husband. Pero nagbago iyon nang malaman niya at ng kanyang asawa na si Sasha na hindi sila magkakaanak. Keen can't produce a child. Sa madaling salita, baog siya. At sa isang hindi inaasahang gabi, may nangyari kay Sash...