Chapter Nine

60 2 0
                                    


Nag-iimpake na ako ng mga gamit na dadalhin namin sa hacienda ng mga in-laws ko. Dinamihan ko ang damit ni Kion dahil alam kong mag-eenjoy siya roon. Hilig non ang makisali sa mga ginagawa ng mga trabahante roon. Pati na rin ang pagpapaligo sa mga kabayo.

Mami and Papa loves my Kion so much. Actually, mas mahal pa nga raw nila ito kaysa kay Keen. I laughed as I remembered our conversation.

"Mommy? Why are you laughing? Are you crazy?" Muntik na akong mapamura sa gulat dahil biglang nagsalita si Kion. Kinukusot pa nito ang mga mata dahil galing ito sa afternoon nap niya.

"No, baby. May naalala lang si mommy. How was your sleep?" Lumapit ito sa akin at inangat ang dalawang kamay. Kinarga ko siya at iniyakap niya naman ang kanyang cute na mga braso sa aking leeg. Ang bango talaga ng anak ko. Amoy baby...

"Akala ko nandoon na tayo kina Mamu and Papu. Kasi sa dream ko po may mga horses and si Mang Juan at si Aling Lolit. And meron din pong mga pigs and ducks, nihahabol po nila ako." Maganang kwento nito na may kasama pang hagikgik. Nakatitig lang ako sa kanya habang tuloy pa rin siya sa pag-kwento ng panaginip daw niya. Paminsan pang nabubulol at napagiiba ang mga words.

Bukas din kami tutungo sa hacienda at baka doon na rin mag-celebrate ng birthday si Kion. Medyo nalungkot siya dahil hindi niya raw makakasama ang kaibigan niyang si Carlos sa kanyang birthday. Pinangakuan ko na lang na kakain kami sa labas kasama si Carlos pag-uwi namin.

HIndi rin siya matigil sa pagkwento sa bagong panganak na kapatid ni Carlos. Ilang beses niya rin akong tinanong kung bakit wala siyang kapatid. Iniiba ko na lang ang usapan at kahit papaano nadadala ko sa pang-uuto.

"Mommy, I heard Daddy's car! He's home!" Agad siyang bumaba sa bisig ko at lumabas sa kwarto.

Tinapos lang ni Keen ang mga trabaho niya sa office para wala na siyang poproblemahin kapag nandoon na kami.

Sinundan ko agad si Kion at nakita kong sinalubong niya ang daddy niya. Umupo si Keen sa sofa at agad namang tumabi ang anak ko sa kanya. Kung tititigan mo sila nang matagal, mapapansin agad ang malaking pagkakaiba ng kanilang itsura.

"Daddy, can we go to mamu and papu? Like right now? gusto ko na po mag-play with horses!" Kion patted our son's head. "Tomorrow, kid. Have you pack your things?"

"Mommy did! I just woke up from my afternoon nap and I saw mommy laughing alone. Is she crazy?" inosenteng tanong niya kay Keen.

Muntik ko na mabatukan ang sariling kong anak. Jusmiyo, daldal talaga. Narinig kong natawa si Keen and he said 'no'.

Tuluyan na akong bumaba at tumulong kay Manang sa kusina. Nagluto ako ng tocino at gumawa ng itlog na pula na may kamatis. Nagpatulong din ako kanina kay Manang gumawa ng fruit salad para sa dessert ngayong gabi. Nung isang araw pa kasi ako nagccrave sa fruit salad.

Pinatawag ko na ang mag-ama na nagkukwentuhan pa rin sa sala para kumain. Agad kong itinabi sa akin si Kion at nilagyan ng napkin towel sa lap niya.

"Wow! Tonino! My favoriiite!! Thank you, Mommy and thank you po Lola manang! Yuuuumyy!" Pumalakpak pa sa tuwa ang bata at agad nilantakan ang 'tonino' niya.

Nang matapos kumain ay pinaasikaso ko na kay Manang ang anak ko at lumabas muna ako sa garden para kausapin ang secretary ko at ibilin muna sa kanila ang shop. Hindi ako pwedeng mag-close dahil may mga empleyado akong umaasa sa akin. Buti na lang talaga maaasahan ang secretary ko.

---

"The wheels on the bus go round and round, round and round, round and round..."

Nasa byahe na kami papuntang hacienda at simula pa kanina, hindi na tumigil sa pagkanta ng nursery rhymes si Kion. Nakakandong lang siya sa akin ngunit hindi naman naglilikot.

"Alam na ba nila na ngayon ang dating natin doon?" Tanong ko kay Keen.

"Yeah, and excited na sila Mommy na makasama si Kion. Paniguradong bumili na naman sila ng maraming laruan." He chuckled after answering my question. He held my hand using his free hand and intertwined our fingers.

"Really, daddy? Yey! I will give Mamu and Papu a big big huuuug!" Kion said while hugging his self. I kissed his head and saw him yawning.

"Take a nap muna anak, medyo malayo pa tayo." Sumandal naman siya sa akin at ipinikit ang mata. Hindi ko namalayang nakatulog na rin ako.

---;

Author's Note

A/N: Hi! If umabot ka sa part na 'to, Thank you! Thank you for reading the chapter nine of this story. I hope na masuportahan mo ako habang sinusulat ang kwento ni Sasha at Keen kasama ang baby nating si Kion.

If hindi ako nakakaabala, please vote for this chapter and recommend it to your friends.

Thank you so much! Happy Reading! (^.^)

Broken Series 1: The Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon