Chapter Five

74 2 0
                                    


Sabado ngayon at day-off ko, nagpasya akong ipasyal si Kion. Gusto ko lang siyang dalhin muna sa mall at kapag hindi na masyadong mainit, dadalhin ko siya park dito sa loob ng subdivision namin. I'm wearing a tight denim jeans and white shirt na medyo malaki ng konti kaysa sa original size ko. Nag-sneakers na lang din ako para mahabol ko si Kion if ever na magkulit siya sa mall.

Pinuntahan ko si Kion sa kwarto niya at naabutan kong kakalabas lang nila ni manang galing sa banyo. Pinasuyo ko kasing paliguan niya si Kion para mabilis.

"Manang, ako na po magbibihis kay Kion."

"Good morning, mommyyy!!" nakangiting bati sa akin ng baby ko. Pumwesto ako sa kama niya at lumapit naman siya. Pinunasan at pinulbuhan ko siya ng marami. Sinuotan ko rin siya ng pants and white shirt para terno kami. Also his sneakers. I sprayed his favorite cologne.

"And you're done! You're so cute, baby!" I pinched his cheeks and boop his nose. He giggled and hugged my waist. "We're going to the mall and I'll buy you the truck that you want and we'll go to the park later, how 'bout that?"

"Yeheeeeey! Thank you, mom! I love you, I love you!"

Nasa mall na kami at heto si Kion, madaling madali na pumunta sa toy's store. Makikita mo sa mukha niyang ang excitement. It's so priceless..

Sinabi ko na mag-meryenda muna kami and then tsaka kami mag-shopping. Nag-pout naman ang baby ko pero hindi nagreklamo.

Napapansin ko rin na panay ang tingin ng ibang tao sa amin. Nagbubulungan pa ang iba na naririnig ko naman.

"Hala ang cute nung bata, girl look!"

"Oh my! Oo nga, shet hintayin ko 'yan lumaki!"

Rinig kong sabi ng dalawang teenager na nakasalubong namin. Natawa naman ako doon sa sinabi ng isa. Bata pa lang ang anak ko pero ang dami na ring humahanga sa kanya.


Kalma girls, turning four pa lang ang anak ko.


Pinapili ko si Kion kung saan niya gustong kumain. At syempre ano pa bang aasahan mong sagot ng bata?

"Jollibee!!"

Halos lahat naman ata ng bata paborito ang bida-bidang bubuyog na 'yon. Aminin na din natin na kahit may edad ka na, wala pa ring tatalo sa chicken joy.

Umorder ako ng kakainin ni Kion at burger lang ang akin. Busog pa kasi ako. Habang kumakain kami ay kwento nang kwento ang anak ko tungkol sa laruan na gusto niyang ipabili. Nakikinig lang ako sa kanya at paminsang pinupunasan ang bibig niya dahil sa sauce ng spaghetti.

"Always po akong nagwa-watch sa youtube chanel ni Ryan, he have so many toys po. And sometimes, he's with his daddy."

Bigla namang tumahimik si Kion after niyang sabihin 'yon. Hanggang matapos kaming kumain ay hindi na siya nagdaldal.

Buti na lang ay bumalik na ang sigla niya nang matanaw namin ang toy store dito sa mall.

Kumuha kami ng cart at isinakay si Kion. Baka kasi sa sobrang gaslaw niya eh makasira pa ng laruan. Tinuturo niya kung saan niya gustong pumunta at kapag may nagustuhan ay itatanong muna sa akin kung pwede naming bilhin. Umu-oo lang ako dahil pambawi ko na rin sakanya 'to.

Nang mapansin kong medyo nakakarami na siya at hindi pa namin nabibili ang toy truck na gusto niya, sinaway ko na siya. Hindi naman nagmaktol si Kion.

Bigla siyang tumayo sa cart at niyakap ako.

"Thank you, mommy!" He said.

Tinuro naman niya kung saang aisle ang toy truck na sinasabi niya. Parehas kaming nagulat kung sino ang naabutan namin sa section na 'yon na puro toy truck.

"Daddy!"

-----;

A/N: Hi! If umabot ka sa part na 'to, Thank you! Thank you for reading the chapter five of this story. I hope na masuportahan mo ako habang sinusulat ang kwento ni Sasha at Keen kasama ang baby nating si Kion.

If hindi ako nakakaabala, please vote for this chapter and recommend it to your friends.

Thank you so much! Happy Reading! (^.^)

[Please, comment your thoughts po at the end of every chapter. I'll be happy reading your thoughts.]

Broken Series 1: The Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon