Chapter Six

71 2 0
                                    

"Daddy!"

Agad naman napalingon sa amin si Keen at ibinaba ang laruang hawak. Lumapit kami sa kanya at agad namang tinuro ni Kion ang toy truck na hawak ng daddy niya.

"Mommy, 'yung hawak po ni daddy 'yung gusto ko po."

Binitawan naman niya ang laruan at nilagay sa cart na dala namin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ako. Kahit ilang beses niyang pagalitan at pagsalitaan ang anak ko, meron pa rin siyang soft spot para dito.

"Tapos na ba kayo mamili?" He asked while looking at his wrist watch. I asked Kion kung may gusto pa siya. "This is enough, mommy."

Pumila na kami sa counter and waited for our turn. Kinarga niya naman si Kion paalis sa cart at tuluyan ka nang kinarga. Humilig lang si Kion sa balikat niya.

Inabot niya agad ang card niya sa counter bago ko pa man din kunin ang akin. Agad ko naman siyang tinignan.

"Hindi mo kailangan gawin 'yon." Ayokong may masumbat siya sa akin pagdating ng araw.

"Gusto ko." Hindi na kami nag-usap pagkatapos. Nagpababa na si Kion sa kanya at kumapit sa akin nang mai-pack na ang mga laruang pinili ng anak ko. Binitbit iyon ni Keen sa kanang kamay niya at hawak niya ako sa kaliwang kamay niya.

"Mom, I'm kinda hungry. Can we eat again?" Mahinang sabi ng anak ko.

"Nagugutom si Kion, kung may lakad ka, pwede mo na kaming iwan. Kami na lang ang kakain." Baka kasi nakakaistorbo na kami sa schedule niya at may importante pa siyang gagawin.

"Gutom na rin ako. Sabay-sabay na tayong kumain. Wala na rin naman akong gagawin..." Lumingon siya nang bahagya sa bata. "Where do you wanna eat, champ?" tanong niya kay Kion.

"Uhm, Miku's po? I missed their ramen. Can we eat there, mom?" Kion asked while giving me his puppy eye look. Alam niyang cute siya at hindi ako makaka-hindi sa kanya. Kilala ang Miku's sa masasarap na ramen nila. And batchmate ko ang owner 'non. "Alright."

Nakailang tasa rin si Kion ng ramen. Halatang na-miss ang pagkain at kung hindi ko pa awatin ay baka abutin pa kami ng magdamag. At baka mahirapan din siyang makatulog sa sobrang kabusugan. Tahimik lang ang asawa ko at paminsan-minsang tumatawa sa kwento ni Kion.

Sinusulit ng anak ko ang oras na binibigay ng ama niya sa kanya. Dahil alam niyang sa susunod na mga araw, hindi na naman siya nito mapapansin. Magaapat na taon pa lang siya ngunit matindi na ang pang-unawa niya.

Pagdating namin sa bahay ay agad kaming sinalubong ni Manang para tulungan sa mga pinamili namin. Pinalagay ko na lang sa kwarto namin ni Keen ang mga 'yon. Sinabihan din namin si Manang na huwag na kaming tawagin para sa hapunan at bahala na sila sa kung ano ang kakainin nila.

Sabay-sabay kaming pumunta sa kusina para maghugas ng kamay. Inuna kong hugasan ang kamay ni Kion dahil alam kong magtatagal kung hahayaan ko siyang mag-isa. Sinunod ko ang akin pinatuyo. Maraming nagkalat na sakit sa labas at mabuti na rin ang sigurado.

Nauna kaming umakyat sa kwarto at agad namang dinaluhan ni Kion ang mga laruang binili namin. Una niyang nilabas ang toy truck na gustong-gusto niya. Hindi mapawi ang ngiti sa kanyang mga labi. Gagawin ko lahat para lang mapasaya ang anak ko.

Lumapit siya sakin habang bitbit ang laruan. "Thank you, mom. Kasi po lagi mo akong pinapasaya. And inaasikaso po. Sorry po kapag nasa work ka tapos I'm makulit." I hugged his little body and kissed his forehead.

"Happy si mommy basta happy at healthy ka. Nagtatrabaho si mommy para sayo kaya sana lagi mo akong iintindihin ha? Anak, mag-thank you ka rin kay daddy, okay?" He nodded his head. Kumuha ako ng damit niya sa closet at inaya ko siyang maligo. Tinimpla ko ang temperature sa bathtub at naglagay ng bath bomb. Naghubad na rin ako at sumampa rito. Sumunod naman sa akin ang anak ko at nilaro ang mga rubber toys niya.

Ilang minuto lang kaming nagbabad dahil baka sipunin na siya. Nakita ko ring naghihikab na ang anak ko. Lumabas kami sa banyo at naabutan naming inaayos ni Keen ang mga kalat sa lapag. "Patutulugin ko lang si Kion.".

"Goodnight, daddy" He yawned again and inangat niya ang mga kamay tanda na gusto niyang magpabuhat. Agad ko namang pinagbigyan at lumabas sa kwarto. Nasalubong pa namin si Manang na palabas ng kwarto ni Kion na may bitbit na bedsheet.

"Pinalitan ko na ang bed sheet at mga pillow case ni Kion, Sasha. Utos ng asawa mo." Tumango na lang ako kay Manang at pumasok sa kwarto ng anak ko. Inihiga ko na siya sa kama niya at binalutan ng comforter. "Goodnight, mommy. I love you, I love you."

"Goodnight, baby. I love you." I kissed his forehead at hinintay kong malalim na ang tulog niya bago bumalik sa kwarto namin. Pagpasok ko sa kwarto ay nabungaran kong nakadapa na si Keen sa kama. Ewan lang kung tulog na siya.

I did my night time routine at tumabi na sa asawa ko. I checked my phone and run through my emails, naramdaman kong bumigat ang ibabaw ng tiyan ko. Niyakap niya ako at sumiksik sa bewang ko. "I'm sorry, love." I run my fingers through his hair.

-----; 
A/N: Hi! If umabot ka sa part na 'to, Thank you! Thank you for reading the chapter six of this story. I hope na masuportahan mo ako habang sinusulat ang kwento ni Sasha at Keen kasama ang baby nating si Kion.

If hindi ako nakakaabala, please vote for this chapter and recommend it to your friends.

Thank you so much! Happy Reading! (^.^)

Broken Series 1: The Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon