CHAPTER 05: FINAL LIST

48 50 3
                                    

[ JAZ ]

Hindi maalis ang tingin ko sa imbitasyong natanggap namin.

Lahat ng high-ranked factions ay may invitation mula kay Empress. Nalaman namin sa ilang ispiya namin sa bawat streets na hindi lang kami ang binigyan nito. Yes, we have spies, dahil kailangan alam namin ang bawat galaw ng mga kalaban namin.

 Yes, we have spies, dahil kailangan alam namin ang bawat galaw ng mga kalaban namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"What is this bullshit all about?" sabi ni Clayton.

"We have a big deal coming up, how could they do this to us? Sayang yung deal bro!" sabi ng kambal ni Clayton na si Caleb.

6:00 PM namin natanggap ang invitation. Nagkibit balikat lang si Grey na parang di na nagulat sa imbitasyon, malamang ay may alam ito sa mangyayari mamaya.

"I had a bad feeling about this." hindi ko napigilang maisatinig iyon.

"Woah! Woah! Wait?! Boss Jaz? Nagka-feelings ka na ? HAHA!" G*gong pang-aasar ni Clayton sa akin, sabay sabay pa silang nagtawanan.

"Bago yan bro! May feelings na si Big Boss!" dagdag pang pang-aasar ng kambal niya.

"HAHA!" Patuloy ang panunudyo ng mga ugok. Tsk. Hindi ko na lang iyon pinansin dahil iba talaga ang nararamdaman ko sa imbitasyong ito, parang panganib ang nagbabadyang mangyari.

'Why would they call us for an urgent meeting with the Empress?'

"Grey, explain this." saka ko itinapon na parang baraha ang invitation sa kanya, nasalo naman niya iyon ng dalawang daliri lamang.

Natahimik ang kambal sa ginawa ko. Alam nila kung kailan ako seryoso at hindi.

"Uhm?" kibit balikat pa rin siya. He definitely knows something.

Tinaliman ko siya ng tingin and start to count, "One. Two. Thr-".

"Okay! Okay! Eto na! Geez! Nakakatakot ka Boss!"

"May alam ka dito Grey?!" "Anong ginawa mo?!" halos nagkasabay pa ang kambal sa pagtatanong kay Grey.

"Wala akong ginawa! Nagbigay lang ako ng impormasyon, yun lang!" Mas matalim na titig ang ginawa ng kambal kay Grey. Di ko na yata kailangan pang takutin ito para magsalita, sa kambal pa lang parang tino-torture na siya sa tingin eh. HAHA!

"At anong impormasyon naman iyon?" lumapit pa ang kambal kay Grey.

"Lumayo nga kayong dalawa! Kinikilabutan ako sa inyo! Boss tulong naman diyan-"

"Contact all the Clovers. We need to be prepared for that meeting." Di ko siya pinatapos, I don't want to waste time.

"Huh?" "What?" "Why?" Sunod sunod pa ang mga tanong nila, parang triplets na sila dahil sabay sabay din sila nang binanggit.

"Teka nga! Ako muna! Prepared for what Boss?" Si Clayton ang nagtanong pero hindi ko na iyon pinansin pa, umalis na lang ako at di na sinagot ang mga tanong nila.

TG2K19 [ R-18 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon