CHAPTER 08: BEHIND THE MASK

31 49 1
                                    

[ EMPRESS ]


"May motor ba tayong dala?" Empress asked Mr. Aki. Kalalabas lang nito sa hideout ng Queens. Agad namang naka-abang ang mga bodyguards ng Montereal sa kanya. Gaya ng una, lahat sila ay nakahilera para bigyang daan ang Empress sa kanyang sasakyan.

"Wala po Empress." mahinahong sagot ni Mr. Aki kay Empress habang nakasunod ito sa kanya.

"Tsk. Next time magdala ka." nasa tapat nito agad ang Mercedes-Benz na minamaneho niya kanina. Hindi na niya hinintay na pagbuksan pa ni Mr. Aki, agad siyang sumakay at pabagsak na isinara ang pinto. Binuksan niya ng kaunti ang side mirror nito.

"Huwag niyo na kong sundan, may pupuntahan lang ako." may awtoridad ang tono nito.

"Hindi po pwede Empress. Mahigpit pong ipinagbilin ng Lolo niyo na kailangan niyong bumalik agad sa Mansion at..." hindi nito pinatapos ang sasabihin ni Mr. Aki. "Do you want me to take off this mask?" hamon nito kay Mr. Aki. Napayuko na lang ito bilang sagot.

Hindi ko kailangan sumunod lagi sa kanila. Tsk.This is my life now. Nobody has any power over me anymore.

Agad na pinaharurot nito ang sasakyan.

Wala akong pakialam sa kanila. Kung susuway ako at magrerebelde, ito na ang tamang panahon.

It took me a long time to attain full authority as Empress.

Walong taon na pagpapanggap.

Walong taon na sunud-sunuran.

At dagdag na apat na taon naman na pagsasanay.

Tss, I'm sick of just listening and obeying them.

Napangisi ako ng mapansin kong may isang naka-motor ang nakasunod sa akin.

I know it's him.

'Jaz Ramirez'

Mas lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo sa sasakyan ko na parang nakikipagkarera sa kanya.

I'm sure he has a lot of questions in his mind.

Naalala ko na naman ang reaksyon nilang lahat kanina, lalung-lalo na si Jaz at ang kambal na sina Clayton at Caleb.

Nagtataka siguro sila, hindi lang dahil ako ang Empress. Kundi dahil sa babaeng nabanggit nila kanina.

'Ellaine' I heard Clayton when I was in the other room, which is linked to the audio in the conference room. Tinanggal ko ang maskara habang nagmamaneho.

Itong maskara ang naging kapalit ng mga buhay nila.

Dahil sa maskarang ito nagbago ang buhay ko pati ang buhay nila.

Napangiti pa ko ng maabutan na ko ni Jaz, kaya mas tinapakan ko pa ang accelerator dahilan ng muntik niyang pag-out balance.

"Tsk, hindi ako hihinto kahit ikamatay mo pa. I'm not that weak 'Ellaine' anymore. I am not that woman." Tanging nasambit ko kahit di niya ko naririnig.

*BANG!

*BANG!

G*gong toh! Binabaril niya ang gulong ng sasakyan ko.

"SH*T!"

*BANG!

After that shot, all I heard was the screeching sound of my car.

Agad kong tinapakan ang preno at inikot ang manibela para bawasan ang bilis ng sasakyan ko. Hindi pa man tuluyang humihinto ang sasakyan ko ay bumangga na ang likuran nito sa isang malaking puno. "P*T*NGINA!" di ko mapigilang mapamura, ayos din tong si Jaz, binuhay pa ko. Tiniyempo niyang hindi sa bangin ako pagbabarilin eh.

TG2K19 [ R-18 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon