[ JAZ ]
At the 13th Conference Room
Kanya-kanya kaming pwesto at hinihintay ang pagdating ni Empress. Siguradong nasa kabilang kwarto pa ito kausap si Boss Hari at ang Lolo niya.
"Are they watching us?"
"Probably."
Lahat kami nakatitig sa glass wall na siguradong kinaroroonan nila. Tinted ito kaya alam namin na nakikita nila kami, kabisado rin namin ang buong pasilidad ng building na ito.
"Tsk." tanging nabanggit ko habang nagsisindi ng sigarilyo, maski ako ay naiinip na maghintay.
"Impatient? Jaz, relax lang. HAHA!" napailing-iling pa si Sean habang tinatawanan ako. Alam niyang ayaw kong pinaghihintay.
Nagkukulitan naman sila Clayton at Caleb. Parang wala lang sa kanila ang pagtitipong ito.
"Ang tagal naman. Bakit di pa natin simulan ang Mikado's Battle?" Naglabas ng patalim si Brix. Ganun din ang ginawa nila Xai, Kaye at Steven. Tsk. Magkakaibigan nga sila, mga sabik sa dahas at laban.
Hindi naman natinag ang iba pang gangster sa loob ng conference.
Ang Queens nga nache-check pa ng mga kuko nila. Ang weird ng mga babae. Kanina takot na takot sila, ngayon okay na agad sila?
"Take it easy, Demonic Gang. Dadating din tayo diyan." Dumating na si Empress kasunod si Ms. Alexandria at isang body guard.
"Maupo kayo. Gamitin niyo ang silya, hindi yan pang-display."
Agad na sumunod ang mga nakatayo. Hindi rin talaga mapakali ang iba sa amin kaya kanya-kanya kami ng pwesto kanina.
"Take all of your weapons to the center." dagdag na utos pa ni Empress. Sinunod naman ng lahat ang utos niya maliban sa akin.
"Mr. Jaz?" Nakipagtitigan ako sa kanya.
Bakit ako susunod sa sayo Empress?
I think she knew what was on my mind.
Tumayo siya at nilapitan ako.
"Too slow." Nakuha niya ang patalim ko sa tagiliran ko. Hinawakan niya ko balikat para di makatayo sa kinauupuan ko. Hindi ako naka-react sa ginawa niya. Halos pigil ang hininga ko dahil ang lapit niya sa akin. Pati ang baril ko nakuha niya. Inihagis niya iyon sa gitna ng mesa.
Hawak niya pa rin ako. Hindi man ako nakaharap sa kanya pero ramdam ko na nakangisi siya.
"If you can't follow the simple instructions, you'll end up in your grave." She whispered it into my ears as if she were going to kill me. Imbis na matakot ay parang huminto ang mundo ko, kumakabog ang dibdib ko.
Why did her threats have a different effect on me?
"Uyy, Boss Jaz huminga ka na HAHA." Nagawa pang magbiro ni Clayton sa akin. Nakatulala na pala kasi ako, nakalayo na rin sa akin si Empress. "Tss..." I flash him the fuck you sign.
"As you all know, you were gathered for Mikado's Battle." naglakad paikot si Empress at May nangahas na magtaas ng kamay.
"Empress..."
"Yes, Ms. Canra?"
"Didn't you say a while ago that you'd marry a chosen Mikado? Bakit kasama pa kami dito? Babae kami, di kami pumapatol sa kapwa namin babae for your information." ang arte ng tono nito na parang nandidiri pa sa ideyang magpapakasal siya kay Empress.
"HAHAHAHA!" malakas na tawa ni Empress ang umalingawngaw sa buong silid.
"I warned you, Sis. HAHA!" nakitawa na rin si Ms. Alexandria.
BINABASA MO ANG
TG2K19 [ R-18 ]
ActionThere was a rivalry between numerous high-ranking gang factions on 13th Street, and when the new boss arrived, the uproar increased.