SystematicMaybe she just hyperventilate just like last time. Maybe my mother was exaggerating. Siguro'y hindi nainom ni Jade ang gamot niya. Siguro dehydrated lang siya. Pero paano kung mas malala pa doon? Paano kung may komplikasyon sa puso niya na karaniwang nangyayari, her doctor said that, doctors said that. It wasn't a serious problem whenever Jade hyperventilated but when she faint, she needs to see her doctor. Pero hindi iyon karaniwang nangyayari dahil sapat naman siya sa pahinga at binabantayan siya ni Mama.
Sumulyap ako kay Axon na diretso ang tingin sa kalsada. Nang maramdaman ng tingin ko ay bumaling siya sa akin.
He took a deep breath because he knew that I'm shooting daggers to him. I know he knew what I meant.
"Merong dalawa." sagot niya sa akin. I immediately knew it. Dalawang gwardya. Hell I'm aware that he has his own headquarter.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"
"Sasabihin ko sa'yo."
Buong biyahe ay naging tahimik kami hanggang sa nakarating kami sa Ospital. Axon didn't made me ask the front desk, he knew what room she is.
Gan'on na lamang ang pagkaguho ng mundo ko nang makita ang nakasulat sa silid kung nasaan si Jade.
Operating room.
Wala akong kamalay-malay na niyayakap na pala ako ni Mama at umiiyak siya sa balikat ko.
I'm still staring at the letters.
Siguro nagkabali-baliktad ko lang. Siguro dala lang ito ng nerbyos kaya ganito ang nakikita ko. Maybe it's not really an emergency room..
"A-astra, b-bigla na l-lang siyang s-sumigaw s-sa sakit, t-tapos.. tapos..."
Siguro isa nanaman sa kakaibang panaginip ko kung saan tutukan ako ni Axon ng baril. Na nasa tabing dagat kami at niyayaya akong magpakasal. Siguro... siguro..
"Ang ganda ng nakuha kong shell!"
"May kukunin lang ako Jade."
"Jade!!"
The time when she fainted in the sand and needed an immediate surgery.
"Magaling na siya at masigla, hindi ko inaasahan ang kahit na anong komplikasyon."
"The surgery was successful."
The surgery was successful.
No complications.
Jade Alzate is doing well.
No complications.
She's doing well.
"Astra!"
Napabalik ako sa realidad nang marinig ang boses ni Axon. Nakahilig siya sa akin at nakahawak siya sa magkabilang balikat ko.
Tumingin ako sa paligid. My mother is still sobbing in the waiting area. Katabi niya si Cru na sinusubukan siyang patahanin.
Operating room.
Nag-angat ako ng tingin kay Axon. He kissed my eyelids that I don't realized that's been streaming tears.
"It's alright. I've got you." he whispered.
Anong nangyari at bakit kinailangan niyang ma-operahan ng wala sa oras?
Umupo ako sa upuan malayo kay Mama. I don't want hearing her sobs as if Jade is dead.
Makalipas pa ang mga ilang sandali ay dumating ang mag-asawang Ferrano.
"Oh God!" Lumapit siya kay Mama at malumanay siyang kinausap. Tumayo ako nang lumapit sa amin si Mr. Ferrano. He moved with feline grace like he's used to it. He's manly.. handsome looking man with muscular body. Seryoso siyang tao, anak nga talaga niya si Cru.
BINABASA MO ANG
Shackles of Melancholia (Completed)
Romance"You're not the only one who was shackled to her own melancholia. I was trapped too... before." Astra and Axon Filipino Story Contains matured content. Not suitable for minor readers. Read at your own DISCRETION.