Chapter 39

516 13 18
                                    


Crawl

"Hindi ko alam kung paano kita mapapasalamatan sa lahat Lus, kahit pa man nagdududa ako sa'yo dahil katawag mo lagi si Axon."

Mahinang tumawa si Lus. Tumingkayad ako para yakapin siya, it's been a month since his job offer. I can be Lus' accountant or his colleagues accountant, pero noong tumagal napagtanto kong magpapahinga muna ako bago magtrabaho.

Hindi ko tinanggap ang trabahong iyon pero tinanggap ko ang offer niya noong sinabi niyang puwede kaming tumira sa isa sa bahay niya sa Kansas. Lucifer name did not suit him. Really.

Niyakap rin niya ako nang mahigpit.

"I hope you can cope with everything you've been through." he whispered to my hair.

"I will," I muttered.

"You're a strong woman Astra... but you never deserve to be hurt like this. No one does."

No one deserves a rape. Kahit iyon lang.

Nang maghiwalay na kami ng yakap ay binantaan ko siya.

"Lus... sa maniwala ka o sa hindi. Malalaman ko rin ang sekreto mo."

He does. He admitted to me that his secret is only one but biggest. Noong una pa lang alam ko ng may malaking sekretong tinatago si Lus. I made it light for him, but I am really nervous. What if it involves Axon?

Tipid siyang ngumiti sa akin. Lumingon ako sa waiting area kung saan naghihintay si Jade at Mama. Our flight is nine but we're here at seven. Si Mama ang may dahilan non.

"Salamat sa lahat Lus. Malaki ang utang na loob ko sa'yo. Kung wala ka n'ong mga panahong.... wala siya, siguro sinaktan ko na ang sarili ko. I'm not suicidal, but I can be one when that... that happened. It's been a hard month for me. It's also time to breathe."

He smiled warmly. Nakakaselos ang babaeng magugustuhan ni Lus. Lus is also a full package, everything you wanted for a man, he can be more. But then I told you... Axon is irreplaceable.

"Everything is going to be okay." he assured. Tumango ako sa kanya. He kissed my left cheek and smiled, I waved before turning my back to him.

Time for my life.

Life is not all about the struggles. It's all about standing up after the struggle.

Umupo ako sa tabi ni Jade at hinawakan ang kamay niya. She smiled sweetly at me. Sila lang ang matitira sa akin. Ang pamilya ko lang. Kaya kailangan kong mapatibay ito para kung pagod na ako may masasandalan ako. You will never appreciate what's there until you badly need it. Reason why I fixed my relationship with the two most important people to me. Jade and my Mom. Dalawa lang 'yan... pero kontento na ako.

"Ate, marami raw museum doon, ang talino mo nanamang nag-isip." aniya. Jade is fan of vintages, poetry, music, art and philosophies. That's the reason why Jade, is an art itself. Isipin mong hindi siya nahawakan ng iba't-ibang klase ng kabataan na ka-edad niya at nilunod niya ang sarili niya sa pagpinta, sa musika, sa paggawa ng mga antigong gamit, sa mga libro at syempre sa tulog. This is Jade. This is my Jade.

"Hindi ko pinili ang Kansas Jade, isipin mong si Lus ang pumili n'on. Pumayag lang ako."

If you're wondering how we fixed our relationship. It turned out to be an art again. Dahil sa sining.

Kumatok ako sa kwarto ni Jade ng ala-una ng madaling araw. Dala ko ang libro na mythology, narinig ko kay Mama na gusto ito ni Jade kaso wala pa rito sa Pilipinas, that's why I ordered this book at amazon.

Binuksan niya ang kanyang pintuan at malalaki ang matang nakatingin sa akin. She's wearing her terno pajamas.

Hindi ako sigurado kung nagigising pa si Jade sa ganitong oras, pero noon, alam kong nagigising pa siya ng ganito. Ako ang nakahuli dati sa kanya dahil nakita ko siyang nagpipinta ng alas-tres ng madaling araw sa kusina. Kung nalaman ni Mama tiyak na papagalitan siya. That's why we keep it a secret.

Shackles of Melancholia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon