Trapped"H-hi.. uhm.. nagpapakuha pala si Ax-- si Mr. Roosevelt ng cold compress. Meron... ba kayo non?"
Tinagilid ng babae ang kanyang ulo para suriin ako. Siguro'y matagal na rin siyang empleyado dito dahil may edad na rin siya, base rin sa mga empleyadong kumaka-usap sa kanya ay matagal na siya rito.
"Aba't! Bakit ang pula ng kaliwang pisngi mo?!" her wrinkled face shows worry.
Kabadong ngumiti ako at umiling.
"A-ayos lang po."
"Jason! Kumuha ka nga ng cold compress diyan." Lumapit siya sa akin para hawakan ang pisngi ko. Napatigil ako sa gulat ngunit hinayaan rin lang siya.
"Diyos ko, anong nangyari sayo hija?"
And for the first time in my life, someone shows affection to me, like she's hurt that I'm hurt. Hindi naman sa ganito si Mama at mga kaibigan ko. But seeing a stranger, worry etched on her face, gently caressing my burned cheeks almost pains my chest.
"Sandali umupo ka nga rito,"
Pinaupo niya ako sa isang upuan. Ni hindi niya alintana ang sinabi kong pinapakuha iyon ng boss namin. Mukhang alam niyang para sa akin nga ang cold compress na iyon.
May isang lalaking lumapit sa amin dala ang mga bilin ng matanda. I think we're at the same age.
Kinuha niya ang cold compress at marahang idinikit ito sa aking kaliwang pisngi, napa-iwas ako nang madikit ito sa aking balat.
"A-ako na po."
Ibinigay niya ito sa akin at ako na ang nagdikit nito.
"Sinampal ka ba o nadapa ka at tumama iyang pisngi mo?"
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto ko mang sabihing sinampal ako pero baka tanungin niya kung sino.
"Uhm... ah, n-nadapa po."
"Ikaw yung bagong sekretarya ni Mr. Roosevelt diba? Nagritiro na kasi si Susan."
She called him Mr. Roosevelt it does mean, Axon isn't close to his employees.
Tumango ako at tumayo na. Baka pagalitan niya pa akong nagtagal ako rito.
"Mauuna na po ako, salamat po."
"Sige."
Hawak ang cold compress ay hindi ko pa ito idinidikit sa pisngi ko hanggang sa nakarating ako sa desk.
It seems like I need to get ready for all the glares and beats for all of Axon's girl. Well not Axon's girl.
Tumunog ang intercom at agad kong pinindot.
"Sir?"
He didn't respond for a second.
"Astra..."
"Yes... S-Sir?"
"Pagod na ako."
Huh!?
What the?!
"I-c-cancel ko na po ba lahat ng a-appointment niyo?"
Hindi ko alam kung ito ba ang ibig sabihin niya, to tell your Secretary that you're tired means you need to cancel all the appointments right? Right?!
He's a bipolar I affirmed!!
Nang hindi siya sumagot ay nagdesisyon akong pumunta sa kanyang opisina.
"Come in."
Ni hindi ko pa nga kinakatok.
Pumasok ako para makita siyang nagpu-push up sa sahig.
BINABASA MO ANG
Shackles of Melancholia (Completed)
Romantizm"You're not the only one who was shackled to her own melancholia. I was trapped too... before." Astra and Axon Filipino Story Contains matured content. Not suitable for minor readers. Read at your own DISCRETION.