Chapter 1

2.1K 38 21
                                    


Same

"Ma ayoko na!!!" I yelled at my mom, tears are flowing like an endless river.

"Astra! Konting tiis na lang anak! Aalis na tayo pagkatapos nito."

"Ayoko na Ma! Ayoko na! Ayoko na! Ayoko na!" I repeated like mantra.

Magulo akong nag-empake at mabilisang ipinapasok lahat ng damit na makikita.

Ayoko na!

My Mom held my arm, stopping me at my movements. Still... crying.

"Astra! Anak! Sige na... please... parang awa mo na... huli na to." she begged almost feeling crumpled. Another tear fell in my eyes.

Itinigil ko ang pag-eempake at pabagsak na umupo sa sahig. Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang dalawang palad at humagulgol sa paki-usap ni Mama.

"Astra! Huli na 'to. Maniwala ka sa akin anak. Aalis na tayo..." she sobbed and continued. "Tapos ka naman na sa kolehiyo, anak napaaral ka nito..."

Marahas kong pinahid ang aking luha at tumingin sa kanya.

"Mama naman ayoko na..." I pleaded. This hurts me so much!

My own mother, pushing me into prostitution.

"Astra! Hindi ka nila hahawakan. Sige na huli na 'to. Malaking pera ang ibibigay nila kasya hanggang ilang taon sa atin kahit hindi ka na magtrabaho. Anak naman pagbigyan mo na si Mama. Lalayo na tayo pagkatapos nito... Astra."

Pumunta siya sa maleta at inilabas lahat ng damit ko.

"Huli na ito Astra, huh, malaking pera yun, alalahanin mo na lang si Jade."

Hinayaan ko siyang ibalik ang mga damit ko sa kabinet. Natuyo na ang mga luha ko at parang wala na akong mailuluha pa.

Pinunasan ni Mama ang luha niya at tumingin muli sa akin na parang masaya siya dahil mukhang nakumbinsi na niya ako.

"Ma..." paki-usap ko.

"Astra! Huli na to! Huli na! Para saatin rin lang ito!"

Noong akala ko wala ng luha. Uminit ang mata ko at tumulo ulit.

Shit this!!

"Ano? Oo na?" tanong niya sa akin ng medyo galit.

Tumango ako sa kanya at tumayo kahit pa tinatawag niya ako.

I want to feel numb. But I still can feel it. Sa paulit-ulit na ganito, gusto ko na lang maging manhid.

I wanted an anesthesia but the pain life gave me is proof. The feeling when you just want to die because you feel so filthy and disgusting. I just want to slit my wrist and just forget myself. Gusto kong ma-amnesia nalang para makalimutan ko ang sarili ko.

"Astra!" my mom called me.

Nagtuloy tuloy ako sa pagtakbo habang umaagos pa rin ang luha na akala ko'y ubos na.

When I heard the waves, I immediately relaxes.

Ang mapinong puting buhangin at ang paraisong nagpapakalma sa akin ay laging nandito at hindi ako iniiwan.

Mainit ang araw at napakasarap maligo. Ang mahinang alon na humahaplos sa aking paa ay agad na nagpakalma sa akin.

The eastern wind blew my white dress and my hair.

Tumingin ako sa aming bahay. Another pain attack my heart, realizing that I own that beautiful house. Realizing how I owned it.

I feel so digusted with myself.

Nang marinig ko ang bawat alon na humahampas sa malalaking bato ay parang ipinahiwatig nito na nandito lang ito.

Beach. Rest house. Me. Money.

Perfect right?

I've never seen my life as perfect. Complete? Not even close. I'm mess. And that's it.

Ang kagandahan ng panahon at ang tabing dagat ay isang turok sa akin kung saan nalilimutan ko kung ano ako.

Nababasa ang paa ko dahil sa mahinang alon. I slowly undo the zipper of my dress, letting it fall to the sand. Nang mahubad ko na ito ay ibinato ko sa pinakamalayo para hindi mabasa. Hindi ako nag-atubiling lumusong sa dagat kahit pa pagbawalan ako ni Mama na masusunog ang balat ko.

Lumangoy ako ng lumangoy hanggang sa nakalayo na ako at lumalamig na tubig dahil nasa malalim na ako na parte.

"Astra!!" I heard my mom shout.

I quickly sink to the water trying to hide from her.

Alam kong makikita niya ang damit ko ngunit wala akong pakealam.

Ilang sandali pa ay nagdesisyon kong i-ahon ang aking ulo. Agad akong nahanap ni Mama at nakahalukipkip na umiling sa akin, pagkatapos n'on ay naglakad siya pabalik ng bahay.

Lumutang ako sa tubig at pinagmasdan ang araw na natatakpan ng ulap.

Mom promised, this the last. Pero kahit huli pa ito ay ganoon pa rin ang magiging tingin ko sa sarili ko.

Pinagtulakan ako ni Mama na sumayaw sa mga nakakadiring banyaga. Pinagtulakan ako ni Mama ni na gamitin ang katawan at kagandahan para kumita ng pera. Pero ang masakit, ay pumayag ako at ginawa ito. I'm willing. I'm willing. My mother didn't force me at all. I'm not even sure if I force myself.

I just wanted an amnesia. If ever there's a drug that I could forget myself? I'll sell myself just to buy that.

Napaaral ako nito. Napayaman nito si Mama. At ang pinaka-importante, nagamot nito si Jade. At kung tatanungin ulit ako kung gagawin ko ang pagbebenta ng sarili. Gagawin ko kung kapalit nito ay buhay ng kapatid ko, kasiyahan ni Mama. I can forget myself when it comes to my family.

I don't know if I can forgive or accept myself. It's just that.. I feel dead everyday.

Umahon ako at isinuot ang damit kahit pa basang basa ako.

Ilang ulit ng nangako si Mama na huli na ito. Pero ilang ulit niya ring pinako ang pangakong iyon.

Dumidikit ang puting buhangin sa aking paa at tuhod. Nagdiretso ako ng bahay at nakita si Mama na nanonood sa T.V.

Nang makita ako ay pina alalahan niya ako.

"Gamitin mo yung lotion na nilagay ko sa kama mo. Diba sinabi ko sa'yong maglotion ka ng SPF bago lumusong sa init ng araw? Alagaan mo naman yang balat mo Astra!"

Funny, my mom cried begging me to sell myself again, and now, she's being remote control to condition myself. I guess this is for her client.

Hindi ko siya pinansin at nagtuloy tuloy papunta sa kwarto.

Tinignan ko ang mukha ko sa salamin.

Sabi ni Mama malaking pera ang alok ng kanyang kliyente. Kasya sa ilang taon namin. After that, maglalayas na ako at ibibigay lahat ng pera sa kanila.

I wanted to find myself. Though another war must take over. Another disgusting war. But same woman.

Shackles of Melancholia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon