Not yet"She just palpitated. Mabuting bantayan po natin lahat ng iniinom niya since na-operahan na po siya dati. Magdoble ingat na lang po tayo. For now, the patient is okay."
Umalis ang doktor sa harapan namin. Pinaypayan ni Mama ang mukha niya gamit ang kanyang kamay.
"Akala ko kung ano na! Nagpanick ako Astra! Hindi siya makahinga! Ni hindi ko pa mabuksan ang kwarto niya!"
"Ano bang nangyari Ma?"
"Hindi ko alam. Uminom raw siya ng energy drink. Alam mo namang nakakulong lang yun sa kwarto niya---" Suminghap si Mama ng pagkalakas-lakas. "Ayoko itong iniisip ko ngayon Astra!"
Napasinghap rin ako sa sinabi niya! Shit how could she think about that?!! Uminit ang pisngi ko at ginaya si Mama, pinaypayan ang mukha gamit ang palad.
Tumikhim si Axon sa likod ko dahilan ng pagtalon ko sa gulat. Oh! I almost forgot!
Nakita ko si Mama na pinagmasdan ulit siya nang matagal. Actually, kararating ko palang ay hindi sinagot ni Mama ang mga tanong ko. Her eyes affixed to Axon, jaws hanging open!
Bumulong siya sa akin ng...
"Jackpot Astra. Jackpot!"
Oo Mama. Jackpot.
"H-hintayin mo na lang ako sa sasakyan."
Humarap sa akin si Axon.
"Hindi. Kakausapin ko pa ang Mama mo."
Tumango ako sa kanya at pumasok sa kwarto ni Jade. She's sleeping peacefully in the bed.
Simula nang malaman namin ni Mama na may sakit siya sa puso ay roon na rin ako nagsimulang maging escort. Trabaho na ito ni Mama bago pa man kami maipanganak. Both Jade and I didn't know about our fathers. Well magka-iba kami ng tatay. But we don't mind. We don't know them anyway.
I accepted my Mom, when finding her about her work. Noong bata ako, nagtataka ako kung bakit iba-iba ang lalaking dala ni Mama sa bahay. She's flirting with them in our living room. Wala siyang pakialam kung nakikita ko.
Noong una, malupit sa akin si Mama. She's harsh on me. Kung ano-anong iniuutos. Ako lahat sa gawaing bahay. Hindi ko alam kung bakit galit siya sa akin noong bata pa ako. But then, when I turned to high school she told me everything.
"Putanginang bata ka!! Ikaw ang dahilan kung bakit lumiit ang kita ko eh! Kung hindi lang pinutok ng putanginang tatay mo sa loob! Edi sana wala ka ngayon!"
Bumulong na lang ako dati ng... "Putangina." I didn't mean that it's literal.
Iba-iba lagi ang lalaki sa bahay. And then there's a time. That... they would want me. Pero pinagtatanggol ako ni Mama. Dahilan kaya naglalaho ang galit ko sa kanya.
She always make out with them. And I know she's making a money. Masasabi ko kasing marangya ang pamumuhay ko. Hindi ako mauubusan ng mga damit o kahit na anong gamit. Our house is huge too. Endless fruits were served to our table. Hindi ako pinabayaan ni Mama. And as for my education, hindi ko na lang pinapansin ang mga nambubully sa akin. Why? We have a lot of money.
Minsan ko na ring narinig si Mama sa kwarto niya. Umuungol. But I just walk away like nothing happened.
At dumating na iyong araw na minahal na nga ako ni Mama. I know that it's sincere and genuine. Sa murang edad ay tinuruan niya ako kung paano alagaan ang balat ko. Kung anong dapat kainin. Kung ano ang routine sa gabi. She always says I'm beautiful. That... that I can be her asset.
And then years pass. Dumating si Jade. Tinigil na ni Mama ang trabaho niya. She did saved a lot though. Pero hindi ko inakalang ako ang susunod sa kanya.
BINABASA MO ANG
Shackles of Melancholia (Completed)
Romance"You're not the only one who was shackled to her own melancholia. I was trapped too... before." Astra and Axon Filipino Story Contains matured content. Not suitable for minor readers. Read at your own DISCRETION.