Photo: Cyrus.
Red's POV
Nakakunot noo kong tinititigan ang paper na hawak ko. I sighed. Bukas na deadline nito and I still haven't answered half of it.
"What are you up to, bunso?" Tanong sakin ni Kuya Winter at umupo sa tabi ko.
"May assignment kami sa Philosophy kuya." I answered.
"Let me see!" Hindi pa ako pumapayag eh kinuha niya na sa kamay ko.
After scanning the paper, tumawa siya ng malakas. "This is so easy naman bunso! Edi ako nalang ang tanungin mo! Kilalang kilala naman kita eh!"
I sighed. Kaya nga ayokong ipabasa sakanya eh. Nakalagay kasi dun, 'Find someone who knows you really well and ask them these questions about your philosophy in Life.'
I groaned. "No thanks, kuya. Mamaya nakakahiya lang sabihin mo."
He pouted. "Sige na, bunso!"
I rolled me eyes. "Hihintayin ko nalang si Kuya Storm."
"No!" He shouted. "Pumunta siya ng New York. Babalik siya the day after tomorrow. Tinawag siya ni dad."
Napaisip naman ako dun. Malayo kasi kami sa parents namin. Workaholics kasi sila pero we're close naman.
"Fine." I said and he did a victory dance. My brother is weird.
"How does Red think when she makes a decision?" I asked him.
"She doesn't think because she's incapable of thinking." He said so seriously.
"Kuya naman eh! Kainis!" Sabi ko at pinagpapapalo siya. "Makaalis na nga!"
"Hoy! Saan ka pupunta?!" Sigaw sakin ni Kuya Winter.
"Kila Cyrus! Siya na tatanungin ko!" And I opened the door and head to Cyrus' house next door.
"Cy!" Paulit-ulit kong kinakatok yung pintuan niya. Mag-isa lang kasi siya dito. Ayaw niya ng guards at katulong kahit na gusto ng parents niya. Buhay take-out nga yan eh. O kaya nakikikain sa bahay. Minsan niyayaya ko na saamin nalang yan kumain kasi lutong bahay naman magluto chef namin.
"HOY CYRUS BUKAS MO NGA TONG PINTO BAHALA KA HINDING HINDI NA KITA PAPAPUNTAHIN NG BAHAY!" Sigaw ko at tinodo na ang katok sa pinto niya.
Nagulat naman ako nang biglang bumukas yung pinto. Kaya ilong niya tuloy nakatok ko. Oops.
"Alam mo Red, malapit na kitang itapon sa Ilog Pasig. ISTORBO KA NG TULOG!" Sigaw niya sakin. Nakaboxers lang siya at gulo gulo ang buhok.
Napatakip ako ng ilong. "Nagmumog ka man lang sana! Ang baho!"
Binelatan niya ako. "Bakit? Presidente ka ba?"
Inisnaban ko siya at tinulak na sa loob. Umakyat kami sa kwarto niya at nagsabi na maliligo raw muna siya. Tignan mo to alas tres na tulog parin. Tss.
Humiga ako sa kama ni Cyrus at tinignan ang kwarto niya. Nakita ko naman na may mga picture frames siya sa isang shelf. Tumayo ako to better scrutinize it.
First photo ay picture nilang lima sa party ni Denver. MagkakaAkbay sila at lahat sila nakangiti. Nabulag nga ako kay Blue eh. Parang ang saya niya dun sa picture.
Second picture ay with his family sa beach.
Third photo ay kaming seven.
Fourth photo ay kaming dalawa- nung birthday ni Clyde. NakaAkbay siya sakin.
And the last photo ay silang dalawa ni Blue. Magkaakbay silang dalawa as if the other is their life support.
Nabanggit din sakin ni Clyde noon na before sila mabuong lima, si Blue at Cyrus daw talaga. Nameet lang ni Cyrus si Clyde tapos kababata raw ni Blue sina Denver at Blake.
"Hay nako. Wag na si Blue ang tignan mo diyan. Ako nalang. Mas pogi naman ako sakanya eh."
Nabitawan ko yung picture frame dahil sa gulat. Buti nalang may carpet tong mokong na to.
"Ano ba Cyrus! Bigla ka nalang nagsasalita diyan!" Suway ko sakanya.
"Masyado ka naman kasing seryoso eh." Binelatan niya ako. "Yang picture pa namin ni Blue ang nahulog mo. Selos ka?"
Sinapak ko nga. "Kapal mo rin! Ikaw? Pagseselosan ko? Asa."
He laughed. "Hay. Tandaan mo to Red ha. Sayo ko lang ipapabuya si Blue kaya ingatan mo yan. He might be tough on the outside but he's vulnerable on the inside."
I smiled. "Naks. Saang parte ng katawan mo hinugot yan?"
"Sa pwet ko."
"Ewan ko sayo. Tulungan moko sa Philosophy! Yun lang naman pinunta ko dito eh."
He glared at me. "Ganun lang pala friendship natin?"
I rolled my eyes. "Tigilan moko sa pagdradrama mo diyan Cyrus baka kay Denver nalang ako magpatulong."
He laughed and grabbed the paper from my hand. "Leche. Akin na nga! Nagpatulong din sakin si Blue kagabi eh."
Pumintig naman tenga ko dun. "Talaga? Kwento mo naman!"
Binelatan niya ulit ako. "Utot mo."
"Mabango."
-
Step 8 guys! Promise hahabaan ko na talaga next chapters hahaha. 😚
BINABASA MO ANG
Voice of my heart (ON-HOLD)
Teen FictionFire and Ice. Red and Blue. Hot and cold. Yes, we're different but I fell for him. When will you hear the voice of my heart, Blue Marco Salvatore?