Red's POV
Cyrus knows Blue. I mean oo kilala niya naman talaga si Blue kasi nga magkabarkada sila diba? Pero may Amnesia kasi si Cyrus. Wala siyang maalala kahit na ano. Kaming mga kaibigan niya nakalimutan niya. Na maski family niya hindi niya maalala. So why is Blue an exemption to that?
"Do you remember him because he's your first best friend?" Clyde asked Cyrus.
Oo nga, before kasi nabuo ang barkada sina Blue at Cyrus talaga ang magkaibigan. May epekto ba iyon kung bakit naaalala ni Cyrus si Blue?
Cyrus raised his eyebrow. Hindi ako sanay sa Cyrus na ito. Yung Cyrus na masungit na akala mo araw-araw may dalaw. Hay. "Nope."
"How do you know him then?" Blake further asked.
Cyrus shrugged. "He's the last person I saw before I became unconscious. He was yelling my name."
Ano yun? Naaalala niya yung bago siya matuluyan? I mean you know. Anong klaseng amnesia 'yan? Hindi ba dapat wala talaga siyang maalala? Eh bakit yung taong last na nakita niya naaalala niya? Ang gulo naman ng amnesia ni Cyrus!
"Nakakaselos ka naman, bro." Singit ni Blake. "Alam ko na super best friend mo si Blue pero hindi mo man lang ba ako maalala? Pfft."
At nag-pout pa si Blake. Tinignan namin si Cyrus na mukhang tigre na sa inis. Bakit ba inis na inis 'to kay Blake? E kung tutuusin mas makulit pa nga siya kay Blake e. Sumasakay pa siya sa mga trip nitong si Blake. Pag nagka-Amnesia ba, pati ugali magbabago? Tss.
"Will you please shut your damn mouth?" Cyrus whisper yelled. Hindi ko matansiya 'tong isang 'to! Ang sungit!
"Gusto mo ba lambingin kita?" Blake prompted. May death wish ata 'tong taong 'to.
Patayo na sana si Cyrus para sugurin si Blake kaso napigilan siya ni Seth. "Kuya! Relax. He's still your friend."
"I told you!" Cyrus shouted. "Wala akong kaibigang ganyan!"
"Anong ganyan?" Blake asked. "Gwapo ba?" At ngumiti-ngiti pa siya kay Cyrus. Alam niyo yung nagpapacute? Yun.
Cyrus groaned in annoyance. "You're hopeless."
Tinalikuran na ni Cyrus si Blake pero nagsalita aprin ang huli. "Ang sarap mo kantahan ng Amnesia. Yung kanta ng 5SOS?"
Hindi na inimik ni Cyrus si Blake. Nafrustrate na ata ng sobra. Nagulat nalang kami nang biglang lumapit si Blue kay Cyrus. Pumunta siya dun sa kabilang side ng bed kung saan nakaharap si Cyrus kay Seth.
Nakita naming nagtitigan lang sila ng ga ilang minuto, as if inaalala nila ang isa't isa kahit wala namang amnesia itong si asul, bago siya magsalita. "Hi Cyrus. I'm Blue." He even extended his hand to him.
Anong plano ni Blue? Lahat ata kaming nasa room ni Cyrus nakanganga sa ginawa niya. At ang mas lalo pang ikinalaglag ng mga panga namin is ang pagtanggap ni Cyrus ng kamay ni Blue at shinake ito. Cyrus even smiled at him! WHAT? "I know. I'm Cyrus."
What is he doing?
Blue smiled too and turned to us. "Guys, meet Cyrus."
Wala atang umimik saamin ng ilang minuto. I decided to break the ice. Lumapit ako kay Cyrus. "Hi. I'm Red." Ngumiti naman siya saakin. "Uh- Cy, C-can I hug you?"
Nanlaki ang mata ni Cyrus. He hesitated for a moment before nodding his head. Agad ko naman siyang niyakap ng mahigpit. Hay. Namiss ko tong lokong 'to. "I missed you. I'm glad you're okay."
Natahimik lang siya saglit. hindi siya nagsalita. Nung bumitaw na ako sa yakap, saka siya nagsalita. "So Red and Blue huh? What? Are you twins?"
Haaaaaaa? Oo nga pala may amnesia siya. I shook my head. "No we're actually-"
Blue cut me off. "She's my girlfriend."
tenegene. Feeling ko namula ako. Nangamatis ata yung mukha. Narinig ko naman ang kantiyawan nina Clyde at Blake. Napangiti si Seth saamin habang si Cyrus naman parang nagtataka. "Oh. That's ironic though. When you have a kid, you'll probably name her violet. You know, the mixture of Red and Blue?"
Tae. Mas namula ata ako dun. May ikapupula pa pala ako. "Cyrus!" I scolded him.
Binelatan niya lang ako. Wow. At least nagwawarm up na siya saakin. Naks.
"Hi, Cyrus." Clyde patted him on the back. "I'm Clyde."
"I guess you're the most normal here, then." Cyrus concluded na ikinatawa naming lahat.
Clyde shook his head. "No. Si Denver ang pinaka normal saatin."
Natigilan naman si Cyrus dun sa word na saatin. Parang nagulat siya kasi binilang siya ni Clyde saamin. Malamang. Barkada namin siya. Hindi naman porket nagkaAmnesia siya eh kakalimutan narin namin siya? Hindi pwede iyon.
Si Blake naman ang lumapit kay Cyrus. Magsasalita na sana siya pero pinigilan na siya agad ni Cyrus. " 'Wag ka na magsalita. I already have a nickname for you. Bwisit."
At tumawa na nanaman kami dahil doon. well, except kay Blake na mukhang pinagsakluban ng langit ang lupa ang mukha dahil sa inis. Hay.
Tinignan ko sialng nagtatawanan. Hindi ako nawawalan ng pag-asa na maayos din ang lahat. Na makakaalala rin si Cyrus. Mahal nami iyan eh. at alam ko rin na mahal niya rin kami.
Napangiti nalang ako nang may naramdaman akong mga brasong pumulupot sa bewang ko. "I love you." Sambit niya.
I looked at him in the eyes. "I love you too, asul."
Naistorbo namamn kami nang umubo ubo si Blake. "Ops, 'wag masyadong keso. May mga bata dito mga iho't iha."
Tumawa ako. Inisnaban lang siya ni Blue at binato ng unan. "Ang ingay mo masyado."
"Pfft! Ganyan naman kayo eh!" At nag-pout nanaman si Blake. Kahit kaialn talaga, isip bata 'tong si Blake. Hahahha.
"Cyrus, we're your friends. Barkada mo kami." Clyde introduce to Cyrus. "And, well you already know that Seth is your brother."
Cyrus smiled. "I can't believe that I belong to such a happy barkada."
Ako naman ang napatango. "Siyempre, happy ka rin kasi."
Cyrus looked stunned. "Really? Can you tell me how am I like? The normal Cyrus? The one who doesn't seem to hate the world and its inhabitants?"
Aba buti naman alam niya ang ugali niya ngayon. Joke. Si Blue naman ang sumagot sakanya. "It's not to offend you, but you're kind of like Blake."
Napawi naman sa mukha ni Cyrus ang ngiti sa mukha niya. "What?! You're joking right?!"
Seth laughed. "No kuya, he's not. Kayo nga ni Kuya Blake ang parating naghaharutan at nagbabangayan eh. May pagkapareha kasi kayo ng ugali."
Cyrus looked totally out of his mind. "Ikinakahiya ko ang sarili ko."
Clyde shook his head. "No Cyrus. Don't. Hindi nga kami sanay na ganito ka eh. We miss the old you. Really."
Cyrus looked at us individually, as if contemplating on what Clyde said. Last na tinititigan niya is si Blake. Inismiran naman siya ng huli. Nainis ata. "Oh ano? Manlalait ka nanaman?" Sabi ni Blake.
"Sorry." Cyrus said and he looked down.
Blake looked out of his mind. Hindi lang siya, kami rin.
Nga-nga.
-------------
BINABASA MO ANG
Voice of my heart (ON-HOLD)
Fiksi RemajaFire and Ice. Red and Blue. Hot and cold. Yes, we're different but I fell for him. When will you hear the voice of my heart, Blue Marco Salvatore?