Step 10

530 20 1
                                    


Red's POV

"Hoy. Nag-away ba kayo ni Blue?" Tanong sakin ni Verena nang makaupo na kami sa usual table naming pito sa Garden.

"Hindi. Bakit?"

"Para kasing iniiwasan ka niya."

I shrugged. "Baka kinikilig lang yun."

Binatukan niyan naman ako. "Baliw ka talaga Red."

"Siyempre maganda ako." At binatukan niya nanaman ako ulit.

Umupo naman sina Blake, Denver at Clyde sa harap namin at binaba ang gamit nila.

"Alam niyo, may weird kay Blue." Panimula ni Denver.

Nakisangayon naman si Clyde. "Oo nga bro eh! Lutang siya tapos ang bilis niyang mamula."

Natawa naman ako. "Ha? Pano naman?"

"Kahapon kasi, kinakausap ko siya tapos hindi pala siya nakikinig." Inis na sabi ni Clyde. "Tapos tinanong ko kung nakipaghalikan ba siya at ganun siya makaReact eh bigla nalang namula."

Tumawa ako nang malakas. Sorry. Di ko napigilan eh.

"Hoy! Anong tinatawa-tawa mo diyan?!" Sita sakin ni Clyde na naiinis pa. "Teka-"

"NAGHALIKAN KAYO NI BLUE?!" Sigaw ni Blake na napatayo pa.

"Oo." At napanganga silang lahat. "Hindi! I mean hinalikan ko siya."

"WHAT?!" This time si Verena naman ang sumigaw.

"SA ILONG!" I sighed. "Sa ilong ko siya hinalikan."

Hay nako. Nakakastress naamn tong mga kaibigan ko! Parati akong nawawalan ng energy pag kasama ko sila eh. Nauubos kasi sa kanila. Minsan kay Blue kasi ang gwapo niya. Joke. Parati naman siyang gwapo eh. Hahaha.

"Tae." Bulong ni Blake. "Kaya pala madalas niyang hawakan yung ilong niya kagabi. Akala ko nangangati lang."

"Malay mo nangati nga siya dahil dun." Sinipa ko si Clyde. Tignan mo to. Kailangan talagang manira ng moment eh.

"At kaya pala hindi sila sumama ni Cyrus." Singit ni Denver. "Kasi iniiwasan ka niya."

I narrowed my eyes. "At bat niya naman ako iniiwasan?"

Denver shrugged. "Malay. Baka nahihiya."

"O baka naman ayaw ka na niyang makita." Akbay sakin ni Blake with a mocking smile.

Inalis ko yung kamay niya sa shoulder ko. "Tumahimik ka Blake kung ayaw mong tumilapon sa kabilang table."

Blake laughed. "Joke lang. Ewan ko. Basta kanina kasi nung papunta kami dito eh bigla nalang niyang hinila si Cyrus tapos tumakbo sila."

I laughed. "Alam mo ba kung nasaan sila ngayon?"

Blake sighed. "Oo. Nasa library ata sila. Bakit? Pupuntahan mo?"

"Oo naman. Si Blue yun eh. Tsaka anong klase akong manliligaw kung hahayaan ko yun kay Cyrus?" Tumayo nalo at naglakad papunta sa direction ng Library.

*Sa Library

"Bro. Ang arte mo. Daig mo pa ang babae eh." Rinig kong sabi ni Cyrus kay Blue habang naglalaro siya ng game sa phone niya.

Pareho silang nakatalikod saakin ngayon. Nakaupo kasi sila sa isang secluded na part ng library, sa may pinakadulo kung saan hindi talaga sila maririnig ng librarian. Ang laki kaya nitong library ng SolaceU.

"At ako pa ngayon ang maarte?" Blue scoffed, crossing his arms.

"Kung hindi man pag-iinarte yan eh hindi ko na alam kung ano yan." Tumawa si Cyrus at pinat ang ulo ni Blue ng paulit-ulit.

Nairita naman si Blue dun kaya mabilis niyang nilayo ang kamay ni Cyrus sakanya at sinamaan ito ng tingin. If looks could kill, Cyrus would be triple dead by now.

"I'm not maarte!" Sinigawan siya ni Blue. Binelatan lang siya ni Cyrus at binato ng pillow cushion.

Lumapit naman ako sa kanila at umupo rin sa sofa na kinauupuan nila. Siyempre, tumabi ako kay Blue. Mahal ko eh. ANO RAW? Hahaha.

"Oo na Blue. Hindi ka na Maarte." Sabi ko.

Napatalon naman si Blue sa gulat at tawa nang tawa si Cyrus. Tinignan ako ni Blue ng masama tapos namula siya ng sobra.

"Blue, bat ka namumula?" I asked him. Siyempre concerned naman ako sa well being niya noh. Kaso bigla niya akong sinamaan ng tingin at nagwalk-out.

Tawa parin nang tawa si Cyrus. "Hayaan mo lang yan. Kinikilig lang yun."

Tumawa nalang din ako at iniwan na si Cyrus dun. Naglakad-lakad nalang muna ako kasi vacant naman ako ng two hours. Napadpad ako sa field at naisipang magStay nalang dun.

Mabilis akong tumakbo papunta sa may bleachers kaso kung mamalasin ka nga naman, ngayon pa naisipang sumulpot ni bato at tinapilok ako. Kaya ayun, malamang nadapa ako.

"Aray naman." Tinignan ko ang tuhod kong nagalusan at dumudugo. Shet. Ayoko pa naman ng dugo. Tatawagan ko na sana si Clyde para puntahan ako dito kasi feeling ko I also sprained my ankle kasi hindi ako makabangon. Pero bago ko pa naman matawagan si Clyde eh may lumuhod na sa harap ko.

"Sabi na eh." Blue muttered. "You're so lampa talaga."

Hindi ako umimik at tinitigan lang siyang ineexamine yung tuhod kong may galos at ang paa kong naSprain. Nagulat nalang ako nang binuhat niya na ako ng bridal style ang naglakad na.

"H-hoy Blue! San moko dadalhin?!" I stuttered.

He laughed. "Sa bahay ko."

"WHAT?!"

He snickered at my reaction. "Relax. I won't rape you. Ikaw kaya ang rapist saatin. Gagamutin lang natin yang sugat mo. The clinic is closed today."

"Ah. Okay." I nodded.

Tumawa nanaman siya. Aba tawa ata nang tawa tong asul na to ngayon? "Why do you seem disappointed?"

Namula naman ako dun. Teka! Dati ako lang ang nang-aasar saamin eh bat ngayon parang ako pa ang biktima?!

Lumunok ako. "Kapal mo ha! Asa!"

He laughed again. "Whatever you say, babylove."

At dun na ako tuluyang nangamatis.

Posible kayang may gusto na rin saakin si Blue? Two weeks nakong nanliligaw!

-

STEP 10. 👌

Voice of my heart (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon