Nakakakaba. Okay na kaya 'tong prenepare ko?
Nandito ako ngayon sa isang malaking balsa sa gitna ng dagat. Malapit sa dalampasigan. Dito ko hinanda yung dinner namin ni Ales. Sana magustuhan nya. Pinaghandaan ko talaga 'to kasi eto yung first dinner date namin. May kalakihan yung balsa. Tapos walang bubong, kaya makikita namin ang langit. Nakahanda sa lapag yung mga pagkain. Tapos maraming throw pillows ang nakapaligid samin. Syempre patu bulaklak at petals. May mga nakalutang na candle lights sa tubig. Tinali ko yung mga candle lights sa balsa para hindi tangayin. Transparent naman yung tali so hindi mapapansin.
7pm ang usapan namin ni Ales. 6:30 na. Kinakabahan na ako. Pa'no kung di nya magustuhan. Tsk. Parang kulang pa yung ginawa ko ah. Tsk. Ayoko kasi na sa resto kami kakain. Sobrang typical.
Pinagpapawisan ako ng malamig. Maya't maya ang tingin ko sa orasan. Ang tagal naman. Nakakaasar.
Ready na ang lahat. Si Ales na lang ang kulang. Tumingin ako sa langit. Sana maging maayos ang lahat. Sana magustuhan ni Ales. Masaya na ako dun.
6:45 na. Nagpalinga linga ako. Shet.
Ayan na nakikita ko ng paparating yung boat na sinasakyan ni Ales.
"ARISTEOOO!"
NArining ko siga ni Ales. Napangiti ako. Tapos kinawayan ko sya. Ayan. Sana magustuhan nya. Palapit ng palapit yung boat na sinasakyan nya. Palakas ng palakas na din yung kabog ng dibdib ko.
"Oh my god..." NArinig kong sabi ni Ales.
Nakatingin lang ako sa kanya. Kinakabahan. Semay baka hindi nya nagustuhan. Pinahidan ko ng panyo yung nuo ko. Pinagpapawisan na ako.
"Uhm.." Tanging nasabi ko tapos yumuko na ako. Nakita kong tumalikod mula sa'kin si Ales.
Hay. Napailing ako. Di nga nagustuhan ni Ales. Tsk...
"This is...." Narinig kong sabi ni Ales.
Napatingin ako sa kanya. Tapos nakatingin din sya sa'kin.
Nagsmile sya.
"Perfect."
Unti unti napangiti ako. Gusto kong magtatalon sa tuwa. HAHAHA. Shet. Akala ko di nya nagustuhan.
"Salamat." Sabi ko then hinawakan ko yung kamay nya.
"Ba't namumula ka?" Tanung ni Ales.
Pinansin pa eh. -_-
"Wala. Masaya lang ako." Sagot ko.
Nagulat ako kasi bigla nya ako niyakap. Mga ilang segundo din akong nakatulala nun.
"Salamat ha." Bulong nya sa'kin.
Tapos niyakap ko sya ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit.
"No. Salamat. Salamat dahil nagustuhan mo."
Tapos umupo na kami. Hinanda ko na yung mga kakainin namin. Masaya ako. Kasi nagustuhan nya. Para sa kanya tong lahat ng to.
Pagkatapos, nilagay ko sa harap namin yung mga pagkain at uupo na din ako sa harap nya.
Napatingin ako sa kanya. Nakatingin sya sa malayo.
Naka-smile sya. Pero may lungkot sa mga mata nya. Sobrang lalim, sobrang lungkot. Di ko maipaliwanag yung emosyong nakikita ko sa mukha nya.
"Ales..." Tawag ko sa kanya.
Nagulat sya tapos Lumingon sya sakin.
Nakatitig lang ako sa kanya tapos nakatingin lang din sya sakin. Kahit di sya magsalita alam kong nahihirapan sya. At nasasaktan ako dahil dun.
Then she smiled. "Sorry.." Sabi lang nya.
Ngumiti na din ako. Kailangan ko syang damayan. I feel very protective over her.
"Kain na tayo." Aya ko sa kanya.
Tapos nagsimula na kaming kumuha ng mga pagkain. Tahimik lang sya all along. di ko naman alam kung anong paguusapan namin. Kelangan ko syang mapasaya, huling gabi na namin dito.
"Ikaw nagluto lahat nito?" Tanung sakin bigla ni Ales.
Tumango lang ako saka nagsmile.
Tapos nakita ko syang tumikim nung isang putaheng niluto ko.
"How was it?" Tanung ko.
"Sarap!" Sigaw nya sakin then she smiles.
"Ang galing galing mo talagang magluto."
I blushed. I know. Nagiinit ang mukha ko. HAHA.
"Salamat. Kain lang ng kain ha." Sabi ko.
Tapos tinuloy na namin ang pagkain. Nakikita kong nageenjoy naman si Ales. O yun ang pinapakita nya. Ngumingiti sya, tumatawa sya. Pero yung mga mata nya...
"Hay! Nabusog ako." biglang sabi ni Ales sabay himas sa tyan nya.
"Ang ganda ng ginawa mo Aristeo." Sabi nya tapos tumingin tingin sya sa paligid.
"It's nothing." Sabi ko lang. I'm glad nagustuhan nya.
"I have a surprise for you." Sabi ko.
Tapos napatingin sya sakin. Nagtatanung ang mukha.
"Ano yun?"
"Up in the sky." Sabi ko lang.
Confused, she looked at the sky.
Tapos yung nagsimula na. Nakita ko ang ngiti sa mukha nya. Amazed. Tumayo sya sa balsa habang nakatingin pa din sa langit.
"Oh my god..." Tanging nasabi nya habang nakatingala pa din.
Nakatingin lang ako sa kanya. Her face is even more beautiful than those fireworks in the sky. Masaya ako dahil sa kahit sa iilang segundo napasaya ko sya. Alam kong pag balik namin bukas, balik nanaman sa totoong mundo.
Ilang sandali pa, natapos na ang fireworks display.
"That was amazing!" Sigaw ni Ales.
"Salamat Aristeo." Lumapit sya sakin at hinawakan nya ang kamay ko.
"For all of the things you've done, salamat."
"I will do anything for you." bulong ko na lang sa kanya then niyakap ko sya. At niyakap din naman nya ako.
Tapos bumulong sya. "Starting tomorrow.. my world will be full of heartaches."
BINABASA MO ANG
Dreaming of You
Teen FictionWhat if the guy in your dreams appeared in front of you; would you hug him and never let him go? Or let him go because you're scared that all these things can never be real?