Simula

87 6 0
                                        

OCEAN'S POV

Natinag ako sa pagbabasa dahil sa dalwang magkasunod na katok mula sa pinto ng opisina ni Daddy, bumukas iyon at iniluwa ang isang nurse na ngayon ko lamang nakita dito sa ospital na pagmamay-ari namin.

"Ah, Miss Alegre, Dr. Alegre is finished with his procedure. He's looking for you. Come with me." Nakangiting sabi nya saakin kaya naman tumayo na ako at sumunod sakanya.

Pagkalabas namin ay madaming bumabati saakin, mapadoctor man, nurse, o pasyente. Ilang beses pa kaming napatigil dahil may mga pasyenteng tumatawag saakin at nangangamusta, hindi kasi ako nakabalik noong nakaraang linggo dahil naging busy ako sa school.

"Naku! Ocean namiss ka namin ng mga  Lolo mo, hala sige mukhang may nagaantay sayo."ani Lola Seli habang nakahawak sa mga kamay. Ngumiti naman ako sakanya at nagpaalam bago tumalikod.

"Uyy! Ocean?" Bati ni nurse Rick saakin nang magkasabay kami sa elevator. "Hello, Kuya Rick!" Sa bawat floor na tinitigilan namin ay may mga bagong sumasakay at bumababa.

"See around po." Magalang at nakangiting paalam ko sa mga nurse at doctor na kasabay ko,ngumiti lamang  sila saakin.

Napansin kong nakatitig at nakangiti yung Nurse na bago sa paningin ko.

"Bago lang po ba kayo rito?" Magalang na tanong ko sakanya. "Oo, kakalipat lang rin kasi namin rito. Napansin kong halos lahat ng tao rito sa ospital ay kakilala mo Miss Alegre?"

Nailang naman ako sa paraan ng pagtawag nya saakin. "Ah, Ocean nalang po." Nahihiyang tugon ko sakanya. Lumiko kami sa pedia ward 8 kung saan naroon daw si Daddy.

"Sa LCU ka pala napasok?" Biglang sabi ng Nurse na kasama ko. Hindi ko kasi alam ang pangalan nya kaya naman hindi ko alam ang itatawag sakanya.

"Ah, opo. Grade 12 student po ako."

"Really? Kaedad mo lang pala ang anak ko. Actually sa RU sya napasok. He's a STEM student." Kwento ni Nurse saakin.

Napatango naman ako sakanya.

"Daddy!" Tawag ko sakanya habang nakangiti, tinanguan lang nya ako ay sinenyasang lumapit. Naroon sya sa isang hospital bed at may sinusuri, nakita ko ang isang batang lalaki na kalbo.

"Hi there handsome!" Nakangiting kumaway kaway pa ako sakanya, hindi pa ako nakuntento at umupo pa ako sa kama nya.

"I'm not handsome. I'm ugly. Wala na akong buhok." Malungkot na sabi nya kaya naman nawala ang ngiti sa mukha ko. Hinawakan ko ang kamay nya at ngumiti. "No. You're handsome. Really, really, really, really, really, handsommmeeee!" Mahabang litanya ko. Mas lalong lumaki ang ngiti ko nang makitang ngumiti rin sya.

"Talaga po Ate?! Pogi pa rin ako kahit wala na akong buhok?"

"Oo naman! Look at that face! Mygod! You look like a model! So handsome" nanggigigil na sabi ko habang nakahawak sa dalwang pisngi nya.

"Ikaw rin Ate! Ang ganda ganda ganda mo po!" Masiglang sabi nya habang nakangiti. Napatawa naman ako sa sinabi nya.

"Ako si Ate Ocean, ikaw anong pangalan mo?" Pakilala ko sa sarili ko

"Ako po si Justin." Sagot nya saaki n. "Mmm, sige Justin babalik nalang ulit ako mamaya ha? Bye." Paalam ko sakanya at sumunod na kay Daddy.

Nagikot pa muna kami sa buong ward bago nagdiretso sa office ni Dad. Pabagsak na umupo ako sa sofa na naroon.

"Hello? Yes. Ocean's here. Just an hour. Why? Oh? Okay I'll tell her. Okay. Take care honey. Iloveyou." Ani Daddy halatang kausap si Mommy sa phone.

Photographs of HerMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon