OCEAN'S POV
"Ocean! Bilisan mo na kasi! Baka malate tayo!" Sigaw ni Kuya Lake sa labas ng pinto ko. Nagmamadali na rin ako! Hindi ako prepared sa pagalis namin ngayon. Pagkalabas ni Ate Ade kagabi nagdiretso na ako sa pagtulog dahil sa pagod, ni hindi na ako nakasali sa plano nilang lumabas ng bansa para magpakasal ang dalawa ni Kuya Lake.
"Ocean Aquiesha!!" Sigaw nanaman ni Kuya Lake. "Oo na Kuya hamet na hamet?! Baka hindi ako nagmamadali ngayon no?!" Iritang sigaw ko at tumahimik na sya. It's 2am in the morning and it's friday may pasok ako pero magaabsent ako. After kong maayos ang mga damit a maliit na luggage na dala ko mabilis akong naligo at nagbihis. Nagsuot lang ako ng black high waisted jeans at white cropped sweater, and then black and white sneakers. Kinuha ko na rin ang small black back pack na naglalaman ng makeup at ilang essentials ko.
Pagbukas ko ng pinto naroon parin si Kuya Lake. Sya na ang nagdala pababa ng maleta ko while I'm combing my wet hair. "Mommy! Yan si Ocean ang taray! Sya na nga mabagal" sumbong ni Kuya Lake kaya naman inambahan ko sya ng sapok. Arte arte
"Kuya kakasalin ka na para ka paring bata! Sumbong ka ng sumbong kala mo naman talaga." I said as I put my lip and cheek tint on. "Okay. We're all set. Let's go."Ani Daddy kaya naman tumayo na kaming lahat.
Coral was sleeping at Kuya Reef's shoulder. Shore was just half asleep on Daddy's arms.
Sumakay na kaming lahat sa van ni Kuya Wave dahil masyado kaming marami kung sa sasakyan lang nila Mommy ang gagamitin.
"Picture!!" Sigaw ni Kuya Wave habang nakataas sa ere ang phone at handa ng kumuha ng litrato. Nakailang shots rin kami bago nakuntento si Kuya Wave. Maya maya pa ay tumunog ang selpon ko sa notification na tinag ni Kuya Wave saamin nila Kuya Lake. He put our pictures in his IG story.
Nang makarating kami sa Airport kanya-kanyang baba ang ginawa namin. Ako ang huling bumaba dahil ako ang nasa may dulong seat. Tulog si Shore ngayon habang buhat ni Daddy.
"Wear this." Ani Kuya Wave saka isinusuot pabaliktad ang puting baseball cap nya sa ulo ko. Walang paparazzi na nakaabang saamin,siguro dahil lihim na aalis kami ngayon at hindi rin nila alam na umuwi si Kuya Wave.
After boarding kumain muna kami sa isang Cafe dahil masyado pang maaga at balak naming matulog sa byahe.
"Kuya Wave tabi tayo, guguluhin lang ako ni Kuya Lake pagtulog"
"Hala. Grabe ka Princess. Ako ang kasama mo palagi! Hindi si Alon kaya dapat tayo ang katabi." Ani Kuya Lake habang nakanguso. Inirapan ko nalang ang pagrarant nya. Sinaway rin naman sya ni Ate Ade kaya tumigil.
Sinuot ko ang earphones ko para mabilis akong makatulog. Naramdaman ko pang bumagsak ang ulo ni Kuya Wave sa balikat ko pero masyado akong inaantok para pansinin pa at ayusin iyon.
Ginising kami ni Mommy 30 minutes before the plane lands, kaya naman dumiretso kaagad ako sa CR para magayos ng sarili.
"Hoy Lawa gumising ka! Ang bigat ng ulo mo" inis na gising ni Kuya Wave kay Kuya Lake pagbalik ko.
"Shhh. Shore is still sleeping." Saway ko sa dalawa kaya naman tumigil na agad sila.
Wearing my big black aviators, I stalked my self out of the plane. Pinagtitinginan agad kami ng ilan dahil nakikila si Kuya Wave, he's now wearing his black aviators and baseball cap. Si Daddy rin ay nakaaviators, same with Kuya Reef para maitago ang asul naming mata. The reason why the four of us must always wear aviators wherever we go, lalo na kapag kasama si Kuya Wave, dahil 'yun ang ginagawang palatandaan ng mga tao ay ang kulay asul naming mga mata.
"Ate? Kuya Kendrick's calling"ani Shore sabay abot ng phone ko saakin. Nilalaro nya kasi iyon and I just turned on the roaming mode. Isa isa na ngang nagdatingan ang mga texts mula kay Nads, pero mas marami kay Kendrick from chats, to calls. And now he's calling through videocall.

BINABASA MO ANG
Photographs of Her
RomansaShe's precious. She's complex. She's a gem. She's Ocean Aquiesha Marcos Alegre, the only woman who made my heart thump hard when she's around, whom I promised to always put a smile on her precious face, whom I hurt big-time. And now that she's gone...