15. Her Acts

13 2 0
                                    

KENDRICK'S POV

Halos ibaliktad ko na ang bag ko para lang hanapin ang phone ko, kanina andito lang yun e. "What are you looking for?" Irina asked me but I continued looking for my phone.

"Is it your phone?" Aniya dahilan para marahas akong humarap sakanya. "Bakit nasayo?" Marahas kong kinuha yon sakanya at tiningnan syang mabuti, iniwas naman nya ang mata nya at akmang lalapit sakin, pero agad kong niligpit ang mga gamit ko at mabilis na umalis.

My classes went on, I was planning to have a date with Ocean since wala syang pasok ngayon, pero kanina pa nya hindi sinasagot ang mga tawag, baka naman tulog or nagbabantay kay Ella. 4PM na pero hindi pa rin sumasagot si Ocean, I scrolled through my texts pero wala ni isang reply. I sighed and started walking to the waiting shed.

Pagkauwi ko nagsimula na akong maggawa ng plates habang nagaantay ng tawag ni Ocean, I'm starting to have a weird feeling about her sudden actions, she's not like this, hindi nga yon nagpapatay ng phone.

Inabot na ako ng alas dose paghihintay pero hindi pa rin sya nasagot. I just message her 'I miss you and I love you' before wandering off to sleep.

The next morning ganon parin, she's not picking her phone up, and it got me worried so I called her Kuya Lake instead, mabuti nalang sumagot agad. [Bro?] Agad na sabi nya pagkasagot. [Lake si Ocean? Hindi kasi sinasagot ang tawag ko, busy ba sya?] He told me to wait so I did.

[Busy daw sya, may exams daw e, pumunta ka nalang dito, if you have time rin.] After the small talk binaba na nya ang tawag dahil din nagiiyak na si Ella.

Same routine everyday, pasok sa klase, bigay ng deadlines, pasa ng deadlines. Napabuntong hininga nalang ako dahil wala paring Ocean na nagpaparamdam, malapit na nga pala ang anniversary namin, wala pa kaming plano pero ako meron.

OCEAN'S POV

Sobrang daming naglalaro sa utak ko, hindi ko namalayang medyo naging off din pala ang pakikisama ko sa mga nakapaligid sakin, I'm trying my best not to talk to Kendrick even though my emotions are killing me to do so. Parang sobrang nagulo yung utak ko dahil kay Irina, ganito ba talaga dapat?

"Princess? Princess?!" Napatalon ako mula sa pagkakaupo dahil sa sigaw ni Kuya Lake sa mismong mukha ko, I awkwardly smiled at him and continued eating my pasta, we're currently eating dinner and Ate Ade cooked carbonara.

"Can you be honest with me?" Kuya Lake then said seriously while looking at me in the eyes. Hirap kong nilunok ang kinakain ko at tumingin sakanya.

"What is it?" Tanong ko bago sumubo ulit ng pasta. "Aquie I know you're not okay, tell me why, you seem off since Friday, and Kendrick is always asking about you, nagaway ba kayo?"

Para namang trigger yung pangalan nya dahil biglaang nangilid ang luha ko. "W-we're o-okay... akyat na ako Kuya, Ate Ade nice pasta. Thank you for the dinner." Utal na sabi ko at dali daling umakyat sa kwarto, I stopped halfway when I felt my tears flowing down my cheeks. I continued walking fast when I heard footsteps coming.

Then again, my doubt is eating me all up. Are you having an affair, Kendrick James?

KENDRICK'S POV

"Kendrick babe!" Tawag ni Irina sakin dahilan para matigil ako pagiisip. "Don't call me that, will you?"

"Ano ba kasing meron don sa babaeng yon?! Mas maganda naman ako dun ah!" Rinig kong bulong nya dahilan para marahas ko syang lingunin, bigla naman siyang ngumiti.

"Wala pang ginagawa si Ocean, lamang na sya sayo, kahit anong gawin mong pang aakit sakin hinding hindi kita tatapunan ng tingin Irina, si Ocean lang ang babaeng nakakakuha ng atensyon ko, kaya nagmamakaawa na ako sayo, habang may respeto pa ako sayo dahil kay Jenis tigilan mo na." Mariin kong sinabi bago maglakad. Pero ang sinabi nya ang nakakuha ng pandinig ko.

Photographs of HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon