1. Quizbee

60 5 0
                                    

OCEAN'S POV

I woke up exactly at 6:30 AM, bumangon agad ako at nagdiretso sa CR para makapaligo. Maaga ang pasok ko ngayon kasi may isusubmit akong take home activities na binigay ng mga teachers, excused kasi ako kahapon maghapon kaya hindi ako nakaattend ng classes.

Mabilis akong nagbihis at nagayos, para bumaba at kumain. Habang pababa ako ay sinusuklay ko ang mahaba kong buhok. Nadatnan ko sa kusina ang maingay na si Kuya Lake kasama sila Mommy at Shore.

"Goodmorning,Mom,Shore,Kuya Lake." Bati ko sakanila isa isa habang humahalik sa mga pisngi nila. Umupo na ako at nagsimulang kumain.

"Fix your hair Aquie, before you go to RU. Okay?" Sabi ni Mommy habang nakain at nakatingin saakin at sa magulo kong buhok. Tinanguan ko lamang sya at nagpatuloy pagkain.

"Goodluck Princess. Paguwi mo may tarpaulin ka HAHAHAHA." Biro ni Kuya Lake bago tumayo sa hapag para maligo.

"Congrats ate!" Masayang sabi ni Shore kaya naman napakunot ang noo. "Why congrats and not goodluck Shore?" Takang tanong ko sakanya habang nakain ng hotdog.

"Because I know you'll win. You never lose." Simpleng sabi nya habang nakangiti pa kaya naman napangiti rin ako.

Pagkatapos kumain ay umakyat na ako sa kwarto para magayos ng sarili, sinugurado ko na maayos ang itsura ko sa uniform ko, pati narin ang mukha ko,naglagay lang ako ng konting lip and cheek tint para naman hindi ako sobrang putla.

I gathered all my stuffs and put them on my brown leather bag pack. I was about to out when I received a call from Nadine my bestfriend.

"Gooooooodluuuuuuuuckkkkkkkkkk babeeee!!!!" Malakas tili nya sa kabilang linya kaya naman kinailangan ko pang ilayo ang cellphone sa tenga ko dahil nakakabingi.

"Thank you Nads! Manood ka mamaya ah?"

"Oo manonood ako! Dadalhin ko ang buong LCU sa RU. HAHAHAHAHA" tawa nya sa kabilang linya kaya naman napatawa na rin ako.

"Pasok na ako, by the way fix my hair. Mommy said so."

"Osige. Pumasok ka na Aquie, papasok na rin ako. Ingat. I'll braid you're hair there." Ani Nads bago ibaba ang tawag.

Mabilis kong sinukbit ang bag ko at madaling bumaba, nakita ko pa ang pupungas pungas na si Kuya Wave habang kausap si Kuya Reef. Kuya Reef is our eldest he's already married and has a daughter, Coral Jaden.

"Goodmorning Kuya Wave, Hi Kuya Reef." Bati ko sakanila ng makalapit ako. Tumayo naman silang dalawa at humalik sa pisngi ko. "You're leaving?" Kuya Reef asked. I just nodded. He gave me a pat on my head before saying goodluck. "We'll watch you. 10AM right? I'll bring your Ate Jade and Coral." Ani Kuya Reef.

Kuya Wave interjected too."Manonood din kami nila Lake at Shore same with Dad and Mom. Kaya maaga umalis si Daddy"

"I'll wait for you guys then." Nakangiting sagot ko sakanila. Humalik muna sila sa noo ko bago bumalik sa paguusap nila. Nakita kong wala na ang sasakyan ni Mommy. Probably because she already went to work.

Nagpunta na ako sa garahe para sumakay sa sasakyan ko, while driving on the way to school I received a call from Ate Jade, Kuya Reef's wife. I answered it immediately on the screen since my phone is connected to my car.

"Hello Ate?" Sagot ko sa tawag. "Hi Tita Oshi!" Masiglang bati ni Coral, Kuya Reef's daughter. She calls me Tita Oshi, because it's too hard for her to pronounce my name.

"Yes baby?"

"Goodluck Tita Oshi! I'll cheer for you!" Cute na sabi nya kaya naman napatawa ako. "Okay Coral, I'll wait for your cheer then." Marami pa syang sinabi tungkol sa panonood nila mamaya saakin. She's so cute.

Photographs of HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon