"Anong pangarap niyo?", biglang tanong ni Ether ng hindi inaalis ang mga mata sa screen.
Tumaas ang kilay ko.
Nanonood kami ng isang lumang pelikula dito sa sala ng bahay nila Ether. Hawak hawak ko ang bowl ng popcorn at wala sa sariling kumakain nito habang nakasalampak ang katawan sa isang mahabang sofa, katabi ko si Isaiah na kasunod si Ether at nasa dulong parte naman si Echo.
"I'm planning to take agriculture in college, bubuhayin ko ang negosyo ng pamilya namin," balewalang sagot ni Echo.
"Ikaw Isaiah? Are you going to help Echo with that?"
"No. Kaya niya na 'yon, I believe in him."
Nginiwian siya ni Ether. "Ulul mo. Ayaw mo lang ng kurso niya, eh."
Natawa si Echo. "Yeah, I can manage."
"I'm not into farming or such, dude. Gusto ko maging engineer," kibit balikat na tugon ni Isaiah.
"Wow, seryoso ka?", hinarap siya ni Ether.
"Oo nga, ipapatayo ko ang bahay namin ni Ventinna," humalakhak ito ng malakas at nilingon ako. Umirap si Ether at bumalik sa pagkakaupo.
Sinimangutan ko siya. "Sure, magbabayad naman ako."
"Babe, libre na iyon siyempre!"
"Basted ka tuleg 'to!", mas malakas na tumawa si Ether. Napangisi ako.
"Kanina ka pa ah! Crush mo 'ko ano?", singhal ni Isaiah.
"Asa ka pa, gurang," nandidiring baling sa kaniya ni Ether.
"Aba't! Eh ikaw ano bang pangarap mo bukod sa inisin ako ha?"
Natigilan si Ether at nagtama ang paningin namin. "Ano, 'di ko pa alam, buti pa nga mga magulang ko may pangarap na sa'kin eh..", mapait na pahayag niya.
"Puro ka kasi yabang," tinampal ni Isaiah ang noo niya.
"Aray! Si Ven nga walang pangarap, eh," itinuro pa ako nito.
Nilingon ako ni Isaiah. "Hindi ko pa rin alam. 'Di ko pa tuluyang nakilala sarili ko, kung ano bang gusto kong gawin sa buhay," nakamot ko ang sariling batok.
"Marami pa namang oras mag-isip, swertihan lang 'yan," dagdag ni Ether.
"Basta gusto ko lang maging masaya sa buhay," nakangusong wika ko.
Napailing si Isaiah. "Mga bata pa nga kayo. Hindi 'yan pwede sa totoong buhay, mga mangkukulam."
Kumunot ang noo namin ni Ether nang makitang sumeryoso si Isaiah.
"Walang swerte sa mundo, lahat iyon kilos..at hanggang kailan niyo hahanapin mga sarili niyo? If you can't find yourselves, create them," nakangiti ngunit seryosong saad niya.
Natahimik kaming lahat sa sinabi niya.
"Kailan mo pa naging kadugo si Plato, Isaiah? Hindi bagay, gago," binato siya ng popcorn ni Echo.
Natawa kami. "Well, pero kung gusto mo talagang sumaya Ven, tumabi ka lang sa'kin," bumalik ang nakakalokong ngisi niya kung kaya't umikot ang mga mata namin ni Ether.
"Bakit naman?", kunawaring tanong ko.
"Kasi ang katumbas ng salitang masaya ay ang pangalang Isaiah," kindat nito sa'kin.
"Gising na, Ven."
Magaan ang pakiramdam na iminulat ko ang aking mga mata.
"Are you fine, now?", bumungad sa'king harapan si Vinzon.
Umupo ako sa kama at inayos ang sarili. Sana nga, masaya na ngayon si Isaiah.
Bumaling ako kay Vinzon. "Kailangan kong maging maayos," sagot ko sa tanong niya.
Napabuntong hininga siya.
Nilingon ko ang labas ng bintana para lamang masilaw sa mataas na sikat ng araw, nilagyan ko ng tipid na ngiti ang aking labi.
Soundtrack: The Light Behind Your Eyes by My Chemical Romance
BINABASA MO ANG
A Little Piece of Heaven
Non-FictionIn this tragic world and chaotic mind, we all wish for a little piece of heaven, right?