"Ventinna?"
Masiglang yumakap sa'kin si Tita Geneva, nanay ni Jethro. Malaki ang ngisi niya habang niyayakap ako, amoy ko naman ang alcohol sa bibig niya.
"Mabuti naman dumalaw ka?", maganda ang ngiti nito ngayon kahit nangingitim ang ilalim ng mga mata dahil sa kukulangan sa tulog.
Nginitian ko ang babae. The woman in her 40's is still stunning, no trace of aging. Just like mine, she has those intimidating deep-set eyes. Her classic nordic nose is always on point and those full lips will never fail to astound you too. But you should be careful about her.
Madalas ko itong nakikitaaang may hawak na alak tuwing bibisita ako rito, panay rin ang paninigarilyo. Tila wala rin itong pakialam sa magiging itsura niya, palaging magulo ang ayos ng buhok at ang palagi nitong suot ay ang kaniyang mga sleeveless top at maong shorts.
"Uh, si Jethro?", alangang tanong ko.
Tulad ng inaasahan ay mabilis na naglaho ang ngisi nito sa labi. Mabilis nitong tinungga ang hawak na bote ng alak at nag-iwas ng tingin.
"Ano namang pake ko 'don?", lumamig ang tingin niya sa'kin.
Napabunting hininga ako.
"Totoo ba na titigil siya sa pag-aaral?", malungkot kong wika.
"Wala na kaming pera. Hindi naman itinuturo sa paaralan kung paano mabuhay kaya ayos lang na hindi siya mag-aral," kibit bakilat nitong saad.
Isa si Jethro sa mga nangunguna sa kanilang klase ngayong unang taon niya sa kolehiyo, sa kursong Architecture. Kung kaya't ganon na lang ang panghihinayang ko nang malaman ang balita.
"Gusto mo tulungan mo, mayaman ka naman," nagsindi ito ng sigarilyo at binugahan ako.
"Wala ba siya diyan sa loob?"
"Wala. Mag-isa lang ako dito," nabigla ako ng bigla siyang lumungkot pagkatapos ay tumawa ng malakas.
"Wala kasing kwenta si Jethro. Ang mga demonyo ay hindi nagtatagumpay," humalakhak ito na para bang iyon ang pinakanakakatawang bagay sa mundo.
Pinigilan ko ang sariling mainis. Tumigil din ang babae sa pagtawa, tinignan ako ng masama, pagkatapos ay padabog na pumasok sa loob ng bahay.
Napailing ako.
"Jethro," mahinang pagtawag ko nang sa wakas ay matagpuan siyang nakatayo sa isang lumang tulay sa highway, madilim na ang langit.
Mula sa pagkakatanaw sa kawalan ay lumingon siya sa'kin, nakasalubong ko ang malungkot niyang mga mata. Pilit siyang ngumiti nang dahan-dahan akong lumapit.
"Sinabi na sa'kin ng mama mo."
Nangunot ang noo niya at nag-iwas ng tingin. "Please don't believe her."
"Pwede naman akong tumulong, para makapagpatuloy ka.." alok ko.
Umiling siya. "No, you don't get it. This is her plan."
"Huh?"
"Ginastos niya ang perang nakalaan para sa tuition ko. Ayaw niyang pag-aralin ako."
Naramdaman ko ang namumuong galit para sa nanay ni Jethro. "But you don't deserve that!", I hissed.
Ako ang nasasaktan para kay Jethro dahil sa mga kaganapan sa kaniyang buhay na hindi niya kontrolado. Sigurado akong hindi pa siya maayos sa nalaman niya sa tatay niya nung nakaraan dahil ilang araw niya iyong ininda sa akin. Pagkatapos ay heto siya ngayon, ipinagkakait sa kaniya ang kaniyang karapatan at pangarap.
Mapait siyang ngumiti. "I don't know what I deserve, anymore."
"Don't say that! You deserve all the good things in life, Jethro," paalala ko sa kaniya.
Lumapit ako at hinawakan ang mga kamay niya. "You're not giving up, right?"
Humarap siya sa'kin at matagal na tinitigan ang mukha ko. "Honestly? I want to.."
"No," I insisted.
"...but everytime you're holding my hand and telling me not to, I feel like I shouldn't."
Soundtrack: I'm With You by Avril Lavigne
BINABASA MO ANG
A Little Piece of Heaven
Non-FictionIn this tragic world and chaotic mind, we all wish for a little piece of heaven, right?