"PO1 Raymond Bautista at Police Inspector Arthur San Pedro."
"Iyan ang mga nakuha kong pangalan sa ibinigay mong apelyido noong nakaraan," paliwanag ni Atty. Magistrado.
"I can't believe it. I thought the old man was talking nonsense but those names were fucking real!", pahayag ni Ether.
"But we're not sure yet. Wala pa akong nakukuhang picture ng mga iyan kaya hindi tayo sigurado kung sila nga ang nasa cctv footage."
"I already asked Jethro, the guy who appeared in the last part of the video, hinahanap lang daw niya ang nanay niya nung mga oras na iyon."
Lumingon sa'kin si Atty. Magistrado ngunit wala namang itong sinabi, bagkus ay may isinulat lang siya sa kaniyang notebook.
"Mahirap ring kumuha ng footage sa subdivision, ilag sa'kin iyong mga dati naming kapitbahay kapag magtatanong ako kung gumagana ba iyong cctv camera nila sa mga oras na iyon, sira raw...takot sila, at ayaw nilang madamay—iyan ang mga isinagot nila sa'kin," bigong wika rin ni Echo.
"Pero hanggang kailan sila mananahimik? Kailan pa sila makikialam?", nagsisimula na akong mainis sa sitwasyon namin.
"Kapag apektado na sila," seryosong sagot ng abogado.
"Those cowards..full of hypocrisy, selfish dope," Ether murmured.
"Hindi ko pa rin maintindihan, bakit papatayin ng mga pulis si Isaiah?"
Tinignan ako ng abogado sa'king mga mata. "Because they're suspecting him as a drug abuser."
"What?!"
Naramdaman ko ang namumuong galit sa aking dibdib. Kinuyom ko ang aking mga kamao.
"But Isaiah don't do drugs! Stupid cops!", Ether exclaimed.
"That's injustice in our system," malungkot na ani ni Atty. Magistrado.
Walang nakapagsalita sa'min nila Echo, lahat kami ay pilit pinapakalma ang mga sarili.
"Don't worry folks, we'll win this case. I promise."
"We are willing to do everything, Attorney," Echo stated.
Ether and I agreed. The lawyer smirked.
"Well then, let's start planning again."
Sabado, pauwi na ako galing sa practice namin para sa isang performance ng mahinto ako sa isang convenience store malapit dito sa'min.
Hindi ko alam pero mainit ang ulo ko ngayon, nanlalagkit ako sa pawis, sobrang pagod din ako dahil maraming gawain sa paaralan, dagdag isipin pa 'yong mga napag-usapan namin tungkol kay Isaiah. I feel so exhausted.
Nangunot ang noo ko nang may nakitang pamilyar sa glasswall ng tindahan. It was Jethro, with his uniform on the counter and a lady customer. Fitted short dress ang suot ng babae kung kaya't kahit nakatalikod ay kitang kita ang hubog ng katawan niya, pati ang mahahaba niyang hita. Halos idikit ng babae ang sarili kay Jethro, hindi nga lang iyon mangyayari dahil may harang sa pagitan nila. Lalong nangunot ang noo ko ng makitang ngumiti ng nakakaloko si Jethro sa customer, halos gumulong naman sa tuwa ang babae.
Hindi ko namalayan ang pagpasok sa convenience store. Agad nila akong nilingon, umayos ng tayo ang babae ngunit lalo yatang lumaki ang ngisi sa mukha ni Jethro. Nagtaas ako ng kilay sa kanilang dalawa.
"See you around," maliit ang boses na paalam ng babae ang narinig ko habang kumukuha ng inumin sa fridge.
Padabog kong inilagay ang napiling inumin, snacks, sanitary pads, at ang bayad ko sa counter. Lalong sumama ang mukha ko ng mapansin na binabagalan ni Jethro ang pag-scan sa mga produkto.
Matiyaga akong naghintay doon kahit na halos mabutas ko na ang sahig sa kakatitig. Inabot sa'kin ni Jethro ang paperbag at sinenyasan akong maghintay para sa resibo. Binalingan ko siya at nakitang may isinusulat siya sa likod nito.
Gusto kong pagalitan ang sarili dahil nakuha ko pang hintayin iyon kahit 'di naman kailangan. Marahas kong kinuha ang resibo at humakbang paalis doon. Palihim kong binasa ang nakasulat sa resibo.
Hell, you know I'm already dead over you, right? I love you.
Mabilis kong nilingon si Jethro, tinaasan niya ako ng kilay. Ewan ko, naiinis ako sa pagmumukha niya.
I make a face and raise my middle finger at him.
I heard him laughed as I quickly leave the place, annoyed.
Soundtrack: Wonderwall by Oasis
BINABASA MO ANG
A Little Piece of Heaven
Non-FictionIn this tragic world and chaotic mind, we all wish for a little piece of heaven, right?