"Pass your papers."
Wala sa sariling ipinasa ko ang panghuling test paper para sa midterm exam namin. Mabilis akong lumabas sa room, hindi kumportable sa mga tingin na natatanggap ko.
Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ang nangyari kay Isaiah, at sa tuwing napapadpad ang tingin nila sa'kin ay para bang ipinapaalala ko iyon lalo dahil kilala kami bilang magkaibigan. Nagsasawa na akong mabasa ang awa sa kanilang mga mata, pero wala akong magawa.
Napabuntong hininga ako.
"Kumusta exam?", bati ni Ether.
"Shoot lang," balewala kong sagot.
Natagpuan ko ang sariling nakaupo sa gilid ng kama ni Ether, nakataas ang isang paa at marahang ini-strum ang aking gitara para itugtog ang naisipang tono. Si Ether naman ay nasa kabilang gilid, nagpipinta.
It's Saturday, I am on my casual baggy jeans and a black halter neck top while I let my long and wavy hair fell loosely. Ether is cute on her short hair, oversized white band shirt, denim short and iconic socks.
Natigil ako sa pagkalabit ng gitara nang puniting muli ni Ether ang isang papel, nilukot iyon at itinapon sa sahig. Humiga siya sa kama, nasa paanan ko ang kaniyang ulo at malakas na bumuga ng hangin.
"Everything makes me feel so numb.." wika niya na nakatingala sa kisame.
"I want something painful," nilingon niya ako.
Ink by Vimana, basa ko sa nakasulat sa glass wall. Tattoo and piercing ang inooffer nila dito. Hindi ko alam na mayroon pala silang bagong branch dito sa Cavite, hinila ako papasok ni Ether at bumungad sa'min ang kantang Highway to Hell ng bandang AC/DC mula sa kanilang speaker.
Piercing ang sadya namin ni Ether. Tig-tatlo na ang butas ng magkabilang tenga ko sa earlobe paakyat sa upper lobe kung kaya't magpapadagdag na lang ako, ganon din si Ether. Tanging karayom ang ginamit nila para mabutasan ang aming mga tainga.
Industrial, tragus at daith piercing ang ipinagawa ni Ether sa tainga niya sa kanan.
Double helix, tragus, at rook piercing naman sa kaliwang tainga ang sa'kin.
"My soul loves it. I feel so hot and bitchy," ngisi ni Ether. Napailing ako sa pahayag niya.
Yeah, this is how we meditate.
Nakasukbit sa balikat ko ang gitara pauwi nang may namataan akong lalaki sa labas ng aming gate. Agad itong lumingon sa direksiyon ko nang matanaw na paparating ako.
Kumunot ang noo ko nang makita ang kabuuan niya. "Anong problema mo?", tanong ko pagkalapit.
Malamlam ang mga mata nito, bagsak ang mga balikat at mababakasan ng pagod sa sarili.
"Wala, pagod lang ako." He sighed.
"Ba't pumunta ka pa rito?", litong puna ko.
Hindi siya sumagot, bagkus ay hinila niya ako palapit sa kaniya at mabilis na niyakap. Ayoko sanang sirain ang sandali pero naitulak ko siya matapos niyang mabangga ang tainga ko.
"Masakit," daing ko.
Naguguluhan niya akong tinignan, muling lumapit at pagkatapos ay sinipat maiigi ang nabangga kong tainga.
"You look so cool," nangingiti niyang sabi at hinawakan na lang ako sa baywang.
Inirapan ko siya.
"Spill it out, Jethro," naiinip kong sabi.
"What?"
"Bakit ka nandito?", tanong ko ulit at tiningnan siya sa mga mata.
Natigilan siya. Gamit ang isang kamay at hinaplos niya ang mukha ko. Lumungkot ang malamig na niyang mga mata, 'di ko maiwasang kabahan.
"Samahan mo ako."
Soundtrack: Drive Safe by Rich Brian
BINABASA MO ANG
A Little Piece of Heaven
Non-FictionIn this tragic world and chaotic mind, we all wish for a little piece of heaven, right?