Napamura ako sa isip ng hindi pa rin sumasagot si Ether sa'king tawag.
Apat na oras na siyang nawawala at kanina pa kami naghahanap dito sa mall ngunit napakalawak ng lugar para matagpuan namin siya. Echo has arrived too, worried. Naghiwalay na kaming tatlo nila Jethro at Echo upang mas mapabilis ang paghahanap subalit bigo pa rin kami.
Mabilis kong nilingon ang pumaradang sasakyan sa harapan ng mall kung saan napagkasunduan naming magkita.
"Hindi niyo pa rin nahahanap?", nag-aalalang bungad ni Atty. Magistrado.
"What took you so long?", gigil kong sambit.
"Hey, I'm sorry. I was sent out on an urget errand—"
"The hell I care! Just help us and do everything to find my friend," I spat at him.
I want to apologize for my attitude but I couldn't also calm myself. Dahil sa paglipas ng mga oras na hindi pa rin namin nakikita si Ether ay kung ano-anong bagay na ang naiisip kong nangyayari sa kaniya.
Inilingan ako ng abogado at mabilis na pumunta sa mga nakabantay na security guard at kalmadong kinausap ang mga ito tungkol sa aming problema. Muli naman akong nag-dial ng numero, umaasang sasagutin na ni Ether ang tawag ngunit nakagat ko lang ang sariling labi ng hindi iyon mangyari.
Nagsimula ulit akong magtanong sa mga dumadaang tao tungkol kay Ether, subalit panay iling ang sinasagot nila sa'kin.
"I'll go with the security team. We will check the cctv footages of this mall."
"I'll come with you, Attorney," presinta ni Echo.
Nagtanguan sila at mabilis ang lakad na pumasok sa establisyamento. Nilingon ako ng abogado at inangat nito ang kaniyang cellphone. "Let's update each other," pahabol nitong sigaw bago tuluyang nawala sa paningin ko.
Napahilamos ako sa mukha nang maiwan kaming dalawa dito ni Jethro.
"Ayokong mawalan ulit ng kaibigan!", napaupo ako sa isang gilid dahil sa panghihina.Dinaluhan ako ni Jethro at pilit akong pinakalma. "It won't happen again, Ven. Mahahanap natin siya," pangungumbinsi nito sa'kin.
"Apat na oras na siyang nawawala, Jethro! Maraming pwedeng mangyari sa apat na oras!"
Napabuntong hininga ito at muling tumayo upang magtanong ulit sa mga tao. Pilit ko namang pinakalma ang sarili ko upang makapag-isip ng tama. Madilim na ang paligid at konting oras na lang ay magsasara na ang mall na ito, maaari ring isa sa mga sandaling ito ay tatawagan na ako ng mga magulang ni Ether para tanungin kung magkasama ba kami kaya ganon na lang ang pag-aalala ko.
I stand up when I saw Yvonne approaching towards us, she's with Eurie—Ether's sister.
"Where is my sister?", Eurie shouted.
Tinawagan ko si Yvonne kanina upang magpatulong, luckily she's with Eurie. Pawang mga nakauniporme pa ang mga ito ng lumapit sa'min. Naipaliwanag na ni Yvonne kay Eurie ang sitwasyon at pinakiusapang pagtakpan muna kami sa mga magulang nila.
"She already told their mom that they are going to sleep in our house tonight, Ven," sabi ni Yvonne.
Nakahinga ako ng maluwag ngunit agad ding kinabahan sa masamang tingin na itinapon sa'kin ni Eurie. "We should find her tonight or else all—I swear..hindi ko alam ang gagawin ko sa inyo at sa pesteng nagpauso na isali kayo sa imbestigasyon na 'yan!", Eurie exclaimed.
"It's no one fault, Eurie. Gusto lang nilang tumulong sa imbestigasyon sa pagkamatay ni Isaiah," Yvonne explained but Eurie is still full of rage.
"I'm sorry...", kung naging maingat lang sana kami ay hindi ito mangyayari.
Nagsimulang pumatak ang mga luha ko kaya mabilis ko itong pinunasan.
And when we're all about to lose hope, dumating sila Atty. Magistrado at Echo kasama ang security team ng mall. Lahat kami ay napalingon sa kanila at sa babaeng inaalalayan nila palabas ng gusali.
"Ether!"
Soundtrack: Don't Wait by Neck Deep
BINABASA MO ANG
A Little Piece of Heaven
Non-FictionIn this tragic world and chaotic mind, we all wish for a little piece of heaven, right?