paa, tuhod, balikat, ulo
paa, tuhod, balikat, ulo
paa, tuhod, balikat, ulo
saan ko ipuputok?takpan ang mata, tainga, bunganga
at huwag huminga"Ayos lang ako."
Inabutan ng tubig ni Manang Tess si Ether, naguguluhan itong tumingin sa'min ngunit pinili na lang manahimik kesa dumagdag sa tensiyon.
Pinapalibutan namin si Ether dito sa living room ng bahay, hindi maalis ang tingin ko sa kaniya. Kumpleto pa rin kami at hindi naaalis ang pag-aalala sa'ming mga mukha.
"We found her walking alone in the second floor, she exited from one of the staff room and about to enter the elevator but we called her name in the speaker. Mabilis kaming pumunta kasama ang mga security personnel sa location niya para sunduin siya," paliwanag ni Atty. Magistrado.
Kanina ay halos sugurin na ni Eurie ang abogado nang malaman na ito ang nagplano ng lahat para sa imbestigasyon at maaaring konektado ang pagkawala ni Ether dahil sa ginawa naming pakikialam ngunit pinigilan siya ni Ether at nag-aya nang umuwi.
"Anong nangyari?", mahinang tanong ko sa kaibigan.
"I felt that someone was following me while buying so I called you. And then, everything went fast.. someone grabbed me and put something that covered my mouth and nose and I passed out. Namalayan ko na lang na nasa isang silid ako..."
".. there's a guy with his hoodie, hindi siya nagpakilala, hindi ko siya namukhaan."
"I'll report that so the management would investigate," singit ng abogado.
"Wala siyang ginawang masama sa'kin, hinintay niya lang akong magkaroon ng malay pagkatapos ay may inabot siya sa'kin. Sinabihan niya akong lumabas roon matapos ang isang oras at tuluyan nang umalis."
"Anong inabot niya sa'yo?", tanong ni Echo.
May kinuha si Ether mula sa bulsa ng kaniyang palda at inilahad sa'min ang isang flashdrive.
Napasinghap ako nang dumura ng dugo si Isaiah matapos muling suntukin ni PO1 Bautista, isa iyon sa mga kuha ng cctv footages na laman ng flashdrive na ibinigay ng misteryosong lalaki kay Ether.
Ang sumunod na nangyari ay sinasabunutang ipinaharap ni Police Inspector San Pedro si Isaiah sa pader ng isang eskinita, 01:25 ng madaling araw. Tumatawa sa kabilang gilid si PO1 Bautista habang nakikitang nahihirapang tumayo ang binata. Nagulat ako ng may naglabas ng baril, ngunit hindi iyon pagmamay-ari ng naunang dalawang pulis.
"Oh my God! May isa pang pulis na kasangkot?", puna ni Yvonne.
Atty. Magistrado paused the video and said, "Hindi ito pulis," turo niya sa may hawak ng baril.
"How did you know?", Eurie uttered.
"Piston ang karaniwang baril ng mga pulis, but this one got a revolver..at mukhang hindi ito lisensyado," nagulat ako sa paliwanag ni Jethro.
Ipinagpatuloy ang video, tanging balikat at kamay lang ng may hawak ng baril ang hagip sa record, itinutok nito ang baril kay Isaiah.
Napatakip ako ng bibig ng unang asintahin nito ang paa ni Isaiah kung kaya't napaluhod ang aking kaibigan, sabay na humalakhak ang mga pulis habang nagmamakaawa si Isaiah. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng aking mga luha, maging sila Ether ay naging emosyonal ngunit lahat kami ay pinilit tapusin ang pinapanood.
Umabante ang taong may hawak ng baril, lumantad ang puti nitong sumbrero sa ulo na siyang dahilan kung bakit hindi namin ito nakilala. Itinutok niya ang baril sa balikat ni Isaiah, na pilit nagpupumiglas sa hawak ng pulis. Pagsapit ng 01:30 am, lahat kami ay napasigaw ng tuluyang ipinutok ng suspek ang baril sa ulo ni Isaiah at ilang sandali lang ay hindi na ito gumagalaw.
Muling tumawa ang mga pulis bago iniwang nakatiwangwang ang katawan ni Isaiah. Nawala bigla ang may hawak ng baril.
Nanginginig ang mga tuhod na napaupo si Ether sa sahig at nagsimulang umiyak ng walang boses, nanghihina siyang dinaluhan ni Echo. Yumakap sila Yvonne at Eurie kay Manang Tess at ang abogado ay napahilamos sa kaniyang mukha.
It only took five minutes and Isaiah couldn't open his eyes, forever.
Lumapit sa'kin si Jethro upang umalalay ngunit nanatili akong tulala at hindi malaman ang mararamdaman sa mga nasaksihan.
paa, tuhod, balikat, ulo
saan ko ipuputok?takpan ang mata, tainga, bunganga
at huwag humingaSoundtrack: Jumpsuit by Twenty One Pilots
BINABASA MO ANG
A Little Piece of Heaven
Non-FictionIn this tragic world and chaotic mind, we all wish for a little piece of heaven, right?