14

4 1 0
                                    

"Wala pa rin akong napapala sa ilang araw at gabi na pagsunod ko sa kanila."

"Wala ba kayong napapansin na kahina-hinala?", tanong ko.

"Meron. May isang lalaki silang madalas na pinupuntahan sa tuwing aalis sila sa police station, hindi ko nga lang alam kung konektado ang taong iyon sa kaso ni Mr. Montemayor.

"Do you need help, Attorney?"

Mabilis na umiling ang abogado. "No. I can manage."

Nabalot ng katahimikan ang lamesa.

Ilang sandali lang ay minasahe ng abogado ang kaniyang sentido at malungkot kaming tinapunan ng tingin. "Hindi ako titigil hanggat hindi natin nalalaman ang totoo."

"Thanks, Attorney." Ether replied with a cute smile.

"No problem. Isa lang ang gusto kong gawin niyo sa ngayon...", sumeryoso ito.

"..mag-iingat kayo."

Hindi ko maiwasang kabahan sa bilin sa'min ni Atty. Magistrado bago tuluyang umalis. Lie-low muna kami sa pag-iimbestiga dahil ang abogado na raw muna ang kikilos. He'll continue on secretly spying the police and tell us if he discover something suspicious again.

"He look extra hot when he's serious," Ether commented.

"Hilig mo sa mga abogado 'no?", asar ko sa kaniya.

"Excuse me, hindi pa ganap na abogado 'yong isa."

Nagkatinginan kami nito at parehas natawa sa huli.

"Sumbong kita, eh." Nginiwian niya ako.

Hindi ko namalayan ang mabilis na pagdaan ng mga araw, tatlong buwan na pala ang lumipas matapos ang pagkamatay ni Isaiah, ngayon ay malapit na ang finals namin para sa unang semester sa eskwelahan.

I was in the convenience store where Jethro works. Actually, dito ako palaging tumatambay pagkatapos ng klase para gumawa ng mga assignment o hindi kaya'y magreview para sa mga quiz at ngayon, sa exam. Madalas ko ring kasama si Ether kaso ay diresto mall siya ngayon, may kailangang bilhin.

"Here."

Inabutan ako ni Jethro ng snacks kung kaya't natigil ako sa pagbabasa. Nilingon ko ito at nginitian para magpasalamat. Bumalik din siya kaagad sa counter nang may pumasok na customer.

Kakagat na sana ako sa siopao na binigay ni Jethro nang dumapo ang tingin ko sa labas ng glass wall. May isang batang babae na nakatingin sa gawi ko—sa kakainin ko. Mariin itong nakatitig sa pagkain at lumulunok lunok pa. Natawa ako.

"Masarap ba?"

Nagthumbs up lang ang bata dahil puno ang kaniyang bibig ng pagkain. Sunod-sunod kasi ang pagsubo nito, nahihiya pa ito noong una kong lapitan ngunit gutom na yata talaga para tanggihan pa ang alok ko.

"Anong pangalan mo?", inayos ko ang buhok nitong magulo. Sa tingin ko ay nasa limang taong gulang pa lamang ito, nakapambahay na damit lang ang batang babae at may hawak na manika.

"Kara po," sagot nito.

"Nasa'n mga magulang mo?"

"Nasa bahay po." Nabulunan ito kung kaya't inabutan ko siya ng inumin.

"Bakit ka nandito?"

"Nag-aaway kasi Papa at babae niya, ako gutom na. Si kuya hindi pa bumabalik, walang pagkain po sa'min," inosente nitong paliwanag.

Natigilan ako. "Ate, libre mo rin ako ng ice cream ha?", bumungisngis ito.

Nginitian ko siya. "Sige ba, basta balik ka dito kapag nagugutom ka. Hanapin mo lang ako tapos ililibre kita ulit," nginitian ko siya.

"Talaga po? Grabe, maganda ka na tapos mabait ka pa, ate!"

"Ako lang 'to," natatawang sabi ko, lito naman siyang tumingin sa'kin.

Nakangiti akong bumalik sa loob pagkatapos kumain ni Kara, umuwi na rin kasi ito. Nilingon ako ni Jethro kaya nginitian ko rin siya.

Uupo na sana ako nang tumunog ang cellphone ko.

"Oh?"

"I think someone is stalking me," bakas ang takot sa boses ni Ether.

"Ano? Nasaan ka?", mabilis kong tugon ngunit biglang naputol ang linya.

Kinakabahan kong nilingon si Jethro at muling i-dinial ang numero ni Ether.

"Hello? Ether, nasaan ka?!", sigaw ko sa kaniya.

"V-ventinna, help—!"



Soundtrack: Gravity by Against The Current

A Little Piece of HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon