Kinakabahang iginala ko ang paningin sa paligid, pakiramdam ko ay may mga matang nakamasid sa'kin.
Mainit ang sikat ng araw pauwi, hindi ko alam kung babagalan o bibilisan ko ba ang paglalakad upang malaman kung mayroon bang tao sa aking likuran, sa huli ay pinili kong umakto ng normal.
Nagsimula ang ganitong pakiramdam simula nang maghanap kami ng impormasiyon tungkol sa pagkamatay ni Isaiah, parati'y parang mayroong nakabantay sa kilos ko o baka naman naprapraning lang ako? Kailan ba dapat hindi magtiwala sa sarili mong kutob?
Mabilis akong lumingon sa likuran nang may narinig na kaluskos. Nangunot ang noo ko nang wala naman akong nakitang tao sa kalsada. Napaigtad ako at halos mapasigaw nang maramdaman kong may biglang humawak sa aking balikat, agad akong napaiwas. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang lalaki.
"Jethro!"
Kunot noo itong tumingin sa'kin.
"What's the problem?", tanong nito sa tabi ko.
Bumuntong hininga ako at nag-iwas ng tingin. Bumungad sa'kin ang makapigil-hiningang tanawin ng papalubog na araw at ng nagdidilim na bangin. Nagtataasan ang mga puno rito, matatalas ang naglalakihang bato, at sigurado akong malalim ang tubig sa ilalim. Kasalukuyan kaming nakatayo sa dulong bahagi ng isang lumang tulay dito sa highway. Katabi ko si Jethro, dala niya ang kaniyang pencil case at isang sketch pad, sinusubukan niyang iguhit ang nasabing tulay habang ako ay nagpapalipas lang ng oras.
Tinitigan ko siya ng maigi. "Hindi na ba talaga magagawan ng paraan 'yong tungkol sa pag-aaral mo?", pag-iiba ko sa usapan.
Natigilan siya ngunit muling itinuloy ang pagguhit. "My mom seems happy with it, maybe she really wanted this to happen."
"Pero paano 'yong gusto mo?"
Muli siyang natigilan at tuluyang nang inihinto ang pagguhit, bumaling siya sa'kin at ngumiti. "It's fine. I'll find work for the mean time and save some money...pagkatapos, babalik ulit ako sa pag-aaral," he shrugged.
"Sayang 'yong taon," malungkot kong pahayag.
Ginulo niya ang buhok ko at muling ngumiti sa'kin. "Dreams were sometimes delayed, but it will always be there, Ven."
Napaisip ako sa sinabi niya nang dumapo ang tingin ko sa kaniyang iginuguhit, napangiti ako.
"You're great," papuri ko.
Iniligpit niya ang mga gamit at muli akong tinitigan. "So you're not telling me what's bothering you?"
Napaamang ako. Sa totoo lang, hirap akong tanungin siya dahil ayokong maramdaman niya na pinaghihinalaan ko siya. Isa pa, sigurado akong wala siyang kinalaman doon-sigurado nga ba ako? Pero, wala naman akong matandaang alitan nila ni Isaiah para patayi-teka, hindi ganoong tao si Jethro. Umiling ako upang matigil ang pag-iisip.
Malakas akong bumuga ng hangin at nilingon siya. "We're investigating about Isaiah's death," panimula ko.
Naagaw ko ang atensiyon niya, tinitigan ko siya sa mga mata at sinasabi ng mga iyon na magpatuloy ako. "We found some footages that may lead us to the culprit..and uh, you know I'm not suspecting you or something—"
"But you found me on the streets the night before you found Isaiah's body , right?", pagtatapos niya sa sasabihin ko.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "H-how did you know?"
"Of course I knew that. Nasa iisang subdivision kami ni Isaiah and I am conscious about the time, the date and my activities. Sadly, I didn't knew that Isaiah would faced death that particular moment."
"Pero, ba't ka ba nasa labas noong oras na iyon?", litong tanong ko.
"I was looking for my mom," seryosong saad niya.
Soundtrack: Never Sure by Mayday Parade
BINABASA MO ANG
A Little Piece of Heaven
Non-FictionIn this tragic world and chaotic mind, we all wish for a little piece of heaven, right?