7

7 1 0
                                    

may tatlong bibe akong nakita
mataba, mapayat ang mga bibe
ngunit ang may palpak
sa likod ay iisa,
sino nga ba ang may sala?

Sumunod kami sa abogado nang lumapit ito sa lamesa kung nasaan ang kaniyang laptop, may isinalpak siyang flashdrive doon at nagsimulang magkalikot.

"After days of investigating, I am able to found some evidence that may be helpful for the case," hinarap nito ang screen sa amin. Tutok kaming tumitig doon.

"These were some video clips recorded five days before you found Mr. Montemayor's dead body. Kulang pa rito ang mismong nangyari sa crime scene, wala pa akong nakakalap na ebidensiya para doon," sabi nito at sinimulang i-play ang unang video.

Hindi ko maiwasang kabahan, maging sila Echo at Ether ay nahugot din ang hininga ng muling makita si Isaiah sa video. Kuha iyon nang ilang gabi na pagdaan niya sa isang kalsada malapit sa school pauwi tuwing alas dose ng gabi. Bakas ang pagod sa mukha nito, lubog ang mga mata sa ilang araw na pagpupuyat.

"Iyan 'yong may ginagawa siyang presentation para sa isang major subject, 'diba?", biglang
saad ni Ether at lahat kami ay napatingin sa kaniya.

"Sa isang coffee shop siya gumagawa, katabi lang iyon ng university," dagdag ni Echo.

"That explains why he was going home late."

Inayos ng abogado ang kaniyang salamin sa mata at muling tumutok sa screen, panibagong video ang kaniyang hinain.

Kuha naman iyon sa isang kanto papasok sa barangay kung nasaan ang subdivision nila Isaiah. 12:30 ng madaling araw, wala ng tao ang nasa kalsada. Mayroong dalawang pulis ang nakatayo sa isang bukana ng eskinita, madadaanan iyon ni Isaiah.

"May pulis pala no'ng mga gabing iyon, bakit hindi nila napigilan ang mga pumatay kay Isaiah kung napakalapit nila sa crime scene? " wala sa sariling sambit ni Yvonne.

"Maaaring kasangkot sila," seryosong pahayag ng abogado na nagpagulo sa aming isipan.

Nung unang record ng pagdaan doon ni Isaiah ay agad siyang tinawag ng mga pulis at kinausap, nagngitian muna sila at ilang segundo lang ay hinayaan siya nitong maglakad ulit pauwi.

Sa pangalawang record, parehong oras at lugar, nandoon ang mga pulis na nakauniporme pa. Binati ng mga ito si Isaiah nang dumaan ulit ito sa kanilang harapan.

Sa pangatlo ay bakas ang pagod sa paraan ng paglalakad ni Isaiah, hihikab hikab itong bumati sa mga pulis; pagsapit ng ikaapat ay nakasibilyan na ang mga pulis.

Ngunit nangunot ang noo ko sa ikalimang record, 12:30 am, nandoon ang mga nakasibilyang pulis ngunit walang dumaang Isaiah.

"Nasaan si Isaiah?", hindi ko napigilang itanong.

Umalis sa bungad ng eskinita ang mga pulis, pumasok ang mga ito sa kalye ng subdivision. Matagal na walang tao sa kanto ngunit nang sumapit ang 01:15 am, dumaan si Isaiah pauwi.

1:30 am, bumalik ang mga nakasibilyang pulis, diretso ang lakad nila paalis sa kanto, tuluyang nilisan ang lugar.

Ilang sandali lang ay may sumunod sa mga ito na isang lalaki, palinga linga ito sa paligid na animo'y may hinahanap. Napasinghap ako ng makilala kung sino iyon.

"Si Jethro?", gulat na bulalas ni Ether at tumingin sa'kin.

"You know this guy?", baling sa'kin ng abogado.

"Y-yes," kinakabahan kong sagot.

"Alam mo ba kung bakit siya nandiyan sa mga oras na iyan?", tanong ni Echo.

Umiling ako. "Hindi iyon magagawa ni Jethro," paninigurado ko sa kung ano mang patutunguhan ng isip nila.

"Uh, hindi naman natin siya pag-iisipan ng masama diba?", si Yvonne.

Nangalumbaba si Atty. Magistrado, bumuntong hininga at pagkatapos ay tumingin sa'min ng seryoso.

"What are we going to do now?", Echo asked.

"We need to get the names of the police. Also, we need some informations about the guy," ani ng abogado.

"Pero wala siyang kinalaman dito!", reklamo ko.

"We're not sure yet." Naiinis akong nag-iwas ng tingin.

"We'll figure things out. I have a plan."

ngunit ang may palpak
sa likod ay iisa,
sino nga ba ang may sala?

Soundtrack: Lamanloob by Stick Figgas

A Little Piece of HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon