"Anong kaso nito?"
Nagbaba ako ng tingin. Inilahad ni Jethro ang kinain kong mga mamahaling tsokolate, ice cream, soda at ilang fresh food items sa harapan ng pulis dito sa information desk ng police station. Marahas din niyang kinapa ang mga bulsa ng pantalon ko at kinuha mula roon ang ilang packed cigarettes at snacks galing sa convenience store.
"Wala siyang binayaran sa mga kinuha at kinain niya, balak pa sana niyang tumakas nung mahuli siya," masama ang tingin na ipinukol sa'kin ng nakaunipormeng si Jethro.
"Alam mo bang batay sa Article 308 ng Revised Penal Code ay maituturing na theft ang ginawa mo, iha?", malakas na umiling ang matandang lalaking pulis.
"Ilang taon ka na ba?"
"17," pagsisinungaling ko.
"Naku, menor de edad pa pala ito, anong gusto mong gawin dito?", tanong ng pulis kay Jethro.
"Nandito ba sila PO1 Bautista at Police Inspector San Pedro? Sabi kasi ng manager namin ay sa kanila ako humingi ng tulong," sagot ni Jethro.
"Ganun ba? Teka, tatawagin ko," wika nito at umalis para kumatok sa isang pinto.
Sinundan ko ng tingin ang pinuntahan ng matandang pulis, ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang makitang lumabas ang panibagong dalawang pulis sa pintuan. Nahugot ko ang aking hininga nang lumapit ang ito sa amin.
"Anong nangyayari dito?", maangas na tanong ng matangkad na lalaking pulis.
Nanginig ang aking mga kamay kung kaya't kinailangan ko iyong itago sa aking likuran. Bumilis ang aking paghinga at tila bigla akong nabingi nang masilayan ang dalawang pulis, wala akong maintindihan sa kanilang mga sinasabi bagkus ang tanging alam ko ay nagsisimulang kumalat ang matinding galit sa'king kabuuan.
"Nasaan ba ang mga magulang mo, iha?", lumapit sa'kin ang isang nakaleather jacket na pulis, mas maliit ito kumpara sa una.
"P-patay na," tiim-bagang kong wika.
"Kawawa ka naman pala. Gusto mo sumama ka na lang sa'kin, sagot kita," bulong nito at hinawakan ako sa mukha. Binigyan ako nito ng nakakadiring tingin at nakakalokong ngiti.
"Wala naman palang magbabayad sa penalty nito, gusto mo iwan mo na lang dito at kami na ang bahala," tumawa ng malakas ang matangkad na pulis.
"Anong pasiya mo?", nakamot ng matandang pulis kanina ang kaniyang batok at binalingan si Jethro.
Nilingon ko si Jethro, mariin itong nakatingin sa'kin. "I'm sorry. Please, 'wag mo kong iwan dito," mangiyak ngiyak kong usal.
Muling tumawa ang dalawang pulis. "Aba't gagawa ka ng masama pagkatapos ayaw mong maparusahan, 'neng?"
Tinitigan ko si Jethro, ginantihan ako nito ng makahulugang tingin. "Pakiusap, 'di na ako uulit! Susubukan kong magbayad...basta ayokong makulong, ayoko dito!", nanginginig ang mga kamay na hinawakan ko sa balikat si Jethro pagkalapit ko sa kaniya.
Bumuntong hininga siya.
Mabilis ang lakad ko paalis sa lugar, hindi magawang ikalma ang sarili. Pagkaliko ko sa kalsada ay marahas kong inihagis kay Ether ang ipinagamit niyang wig at nerdy glasses sa'kin para sa disguise ko ngayong araw. Natatarantang sinalo niya ang mga iyon at binalingan ako.
"Confirmed," anunsyo ko.
Nanlaki ang mga mata nito at sinabayan ako sa paglalakad. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong gigil siyang nag-dial ng numero sa cellphone at kinausap ang abogado upang ihatid ang balitang ang dalawang pulis na nakasalamuha ko kanina at ang mga pulis sa cctv footages ay iisa.
"I fucking hate them!", sigaw ko at nasimulang tumulo ang aking mga luha.
I am so mad. I am shaking with extreme rage. Who wouldn't be? I just met the people who may be responsible for my friend's death.
Tinabihan ako ni Jethro at tinulungan akong punasan ang aking mga luha. "Some people are the real monsters, Ven.."
"..they can continue living after doing a horrible thing."
"Is it part of living? I can't even read guilt in their eyes," nanggagalaiti kong pahayag.
"Sadly, it is."
Soundtrack: Robbers by The 1975
BINABASA MO ANG
A Little Piece of Heaven
Non-FictionIn this tragic world and chaotic mind, we all wish for a little piece of heaven, right?