Chapter 1: Occhiolism

1.8K 75 11
                                    

Banana

Strawberry

Grape

Mint

Chocolate

Pero bakit kaya walang yema flavored  condom o kaya'y durian flavored?

Bakit?

Yan ang kasalukuyang tanong sa isip ko habang nakatitig sa mga condoms na naka-display malapit sa counter na kinapupwestuhan ko. Kapag wala akong ginagawa sa weekend at kailangan ng pansamantalang totoka sa counter ng botika namin, ako ang pinapakiusapan.

Walang gaanong customer. Nakakaburyong kaya kung ano-ano na lang ang napagdidiskitihan ng utak ko. Itong kasama ko namang pharmacist, ang tahimik. Hindi yata magsasalita kung hindi mo kakausapin. O baka siguro naninibago lang.

Freshly graduate at kapapasa lang ni ate Pilar sa Pharmacist Lisensure Exam ngayong taon. Swerte namin at nakahanap agad kami ng kapalit no'ng dati naming pharmacist na mas piniling lumipat sa mas sikat na botika. Pero si ate Pilar naman ang malas dahil dito sa isang maliit na community drugstore namin ang unang experience niya sa trabaho. Bukod kasi sa walang commercial sa TV, hindi rin kami air-conditioned at maliit ang pasahod. Dibale, for experience lang naman niya siguro 'to. Di magtatagal, magre-resign din siya at lilipat sa drugstore na kung saan Gamot ay laging bago(ng punas.)

"Anong kukunin mo?"

Napalingon ako sa nagsalita. Himala! Kinakausap ako ng tuod naming pharmacist.

"Ha?" Absent-minded kong response. Medyo nanibago eh.

"Diba, magka-college ka na? Anong kukunin mo? May naisip ka na bang course?" Friendly niyang tanong.

Nagbubukas lang siguro siya ng mapag-uusapan kasi naaasiwa sa katahimikan. Walang gaanong customer at medyo tahimik ang highway dahil wala rin gaanong sasakyang dumadaan.

"Wala pa nga eh." Kibit balikat ko.

Babalik na sana ako sa pangdidiskita ng condom pero bigla akong napaisip kung paano nalaman ni ate Pilar na graduating na 'ko sa senior high school? Kauumpisa lang niya rito last week at ngayong araw lang din ako nag-extra rito kaya ngayon lang kami nagkasama. Hindi namin gaanong kilala ang isa't isa. Ang alam ko lang, siya ang bagong pharmacist dito at ang alam din lang siguro niya tungkol sa'kin ay pamangkin ako ng may-ari ng botika.

"Pa'no niyo alam?" Takang tanong ko. "Pa'no niyo nalamang magka-college na 'ko?"

"Diba dumaan ka rito last week para humingi ng alowance sa mama mo?" Paalala niya. Yun yung araw na nag-umpisa siya rito. "Naiwan mo yung I.D. mo no'n. Do'n ko nakita na senior high ka pala."

"Oh." Saad ko na lang habang absent-minded na nakatitig sa kanya.

Ngayon ko lang siya natitigan ng pangmatagalan. Malayong-malayo ang itsura niya sa pangalan niya. Makaluma at mabaho sa pandinig ko ang 'Pilar' pero hindi mukhang napaglipasan ang mukha ni ateng pharmacist. Maganda siya. Sakto lang ang height niya para sa babae, sakto lang din naman ang katawan pero ang balat kutis mayaman. Yung hindi puting babad sa gluta o kinolada sa papaya. Talagang mistisa at makinis kaya kung titingnan mo para siyang babaeng napakalinis. Simple lang naman siyang mag-ayos, walang kolorete sa mukha pero kapansin-pansin pa rin ang kagandahan. In fairness, ang ganda at ang bata ng bagong pharmacist namin, hindi kagaya no'ng dati na gurang na nga ang sungit-sungit pa. Saka hindi nakaka-intimidate si ate Pilar kasi hindi siya mukhang may profession na. Mukha pa rin siyang kolehiyala. Kaya naman inaate ko lang siya at hindi mina-Ma'am.

"Dapat pinag-iisipan mo na ngayon kung anong kukunin mo."

"Ha?" Muli akong nagising sa diwa nang magsalita siya.

BlaséTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon