Jai POV
Hindi ako makagalaw ng makita kong nakabulagta si Raine sa Sahig ng Cafeteria kasalanan niya kasi napakamaldita niya .
"Raine gising please!"Pilit ginigising ni Alex si Raine Nawalan kasi ng malay si raine ng sinuntok ko.
" Dalhin na natin siya sa Hospital !Alex tumawag ka ng Ambulance .Dali!"
Basang-basa parin ako habang kinikuha ang gamit ko sa sahig na nabasa na rin dahil sa mga yan!."Ikaw na panget ka !Kasalanan mo to!" Sumugod sakin si Ehaln ng Sabunot .
Arayyyyyyyy!!!.
"Pwede ba tumigil ka na kasi Patas na tayo !"Sigaw ko sa kanya habang inaalis ang kamay niyang nakasabunot sakin.Maaalis na ang pagkakabit ng hibla ng buhok ko sa Anit.
" Dahil sayo!Walang malay si Raine at talagang Lumalaban ka samin!Bwesit ka talaga!"Itinayo niya ako at sinampal ng malakas!Nag-echo ang sampal niya sa Cafeteria.
"Nakakainis ka Bwesit ka!Papatayin kita!"Sinakal niya ako . Nanlilisik ang mga mata ni Ehaln sa galit sakin dahil nakita nya ang walang malay na si Raine.
"Kayo ang n-nauna !.Pinigilan ko ang sarili na labanan kayo kaso sawang-sawa na ako sa pagiging maldita mo at ni Raine!" Nakabawi ako ng lakas at Tinulak ko siya sa para makaalis na rin.
Mabilis kung Kinuha ang mga gamit Ang salamin ko. Basag na!May tulong luha sa mata ko pero agad ko ring pinunasan .
"Hindi ka sakin makakatakas!.
Panget!"Sinipa ako at Pinahiga sa Sahig kung saan anduon ang mga gamit ko."Papatayin talaga kita bwesit ka!"Sinasalag ko ang bawat hampas niya sakin.Kahit alam kung may mga sugat ako dahil sa kalmot niya. Masakit din ang pisngi dahil sa Sampal niya.Medyo nahilo ako ng Kaunti.
Sinakal niya ako.."Nasasaktan na ako !" Awat ko Sa kanya.
"Sasaktan talaga kita!!"
Hinawakan ko ang mga Pulsuhan niya.Hindi na ako makahinga ng maayos."D-Di M-Mag-laban tayo kung yan ang gusto mo!"Sinakal ko siya ng makakuha ako ng tiempo.!
Nang-makabawi ako ng lakas tinulak ko siya pahiga rin at Ako ang pumaibabaw sa kanya." Lalabanan mo ako ngayon dahil nakasampal kita,Sige pakita mo ang tunay na ikaw!"Mas lalo ko siyang sinakal .
"Huwag mong ipakita sa kanila na malakas ka dahil kaya ka nilang pahinain haggang sa ikaw na mismo ang masaktan.Mabuti ng makita ka nilang mahina at hindi mo sila masaktan !".Bigla-biglang pumasok sakin ang mga salitang to .
Nadadala ako ng galit at pag-ganti sa kanila dahil sa ayaw kung matapakan ng ibang tao pero ang kinalabasan ako mismo sa sarili ko .Nasasaktan na ako.
" A-ano panget!?Siguradong K-kick-out ka na bukas !"Tumawa si Ehaln .Tumingin ako ng seryoso sa kanya.Unti-unting lumuwag ang pagkakasakal ko sa kanya.
Tumayo ako at pinulot ang mga gamit ko.Ako na mismo ang kusang aalis para hindi rin ako makonsensya pa!.Basag na ang salamin .pero kinuha parin at nilagay sa Bag ko.
"Sorry Papa kung hindi ko to iningatan!Sorry talaga!"Sinisisi ko ang sarili dahil nadala ako sa init ng ulo kaya nag-karoon pa ng ganto !.
"Aalis kana agad!?.Hindi pa tayo tapos!" Kinuha niya ang bote ng softdrinks .
Pinikit ko ang mga mata ko at hihintayin na lang na tumama sakin ang bote kung saan gusto ng Bote.Tatanggapin ko .Total ako naman ang sinisisi ni Ehaln kapag siguro nakaganti na siya titigilan niya na ako .
"JAIME!"
Hindi ko alam kung kaninong Boses yun pero isa ang sigurado ko .Hindi tumama sakin ang Bote na binato ni Ehaln.
BINABASA MO ANG
FROM SOUTH
Teen FictionJaime Austin one of the Boss. Credits to original Owner of the image. Thank you Gotcha.