31

5 1 0
                                    


Jaime POV

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin "Bwesit ang sakit ng sampal niya" Dinampian ko ang Pisngi at napangiwi ako sa sakit .Naupo ako sa kama .

Kung makasampal naman ang babaeng yun kala mo pinapakain niya ako sa loob ng maraming taon.Bwesit mabuti na lang hindi ko siya pinatulan
Suspended ako ngayon kaya wala akong atendance wala rin akong magawa dito dahil nasa baba pa ang Nanay ko daw.

Alam ko na ang pupuntahan ko tsaka ayaw kung kasama ang babaeng yun dahil nakakainis siya.

Mabilis akong nag-bihis at Ini-lock ang kwarto ko Alam kung papasok siya dito at wala siyang balak na umalis.

"San ka pupunta?Wala ka bang pasok?"

Hindi ko na siya pinansin at hinayaan siyang nakatanga.Humanap ako ng Taxi.Sinabi ko naman kung  san ang lugar nagbigla pa siya ng sabihin ko yun.

Hindi ko na pinansin at Tumingin nalang sa labas ng Bintana.Ako na ata ang pinakamasamang anak hindi niya naman ako masisisi kung ganito ko siya tratuhin Hinding-hindi ko siya mapapatawad sa pang-iiwan niya samin .

Babalik pa siya kung kailan nakakahinga na kami ng naluwag ni papa na kami lang na mag-kasama okay na kami ng wala siya Ang tanga niya kung umaasa pa siyang mabubuo kami.Kinikilabutan ako sa mga plano ng babaeng yun tsaka ayaw ko ring mapasama sa plano niya.

"Dito na ho" Nag-bayad ako Tsaka bumaba . Kumatok muna ako bago ko makita si Sister "Magandang umaga jaime!" Ngumitin si Sister "Ako rin ho!"Tumango lang ako saka pumasok.

"Si bella po ba?Asan?" Sinabayan ko siya sa pag-lalakad."Mukhang hindi maganda ang sinasabi ng mga mata mo.Ang lungkot hija"Ngumiti lang ako.

"May mga pangyayari po talagang ayaw kung pag-usapan at Halungkatin pa!"

"Kung may mga bagay na ayaw mong ungkatin baka yung bagay na yun mismo ang lumabas para umungkat.Simple di ba?" Hindi ko alam.

Naupo ako sa Sofa.Alam niya kaagad na may dinadala akong problema pero kahit pa naungkat yun ayaw ko ng pansinin pa
Ayaw ko munang isipin yun sa ngayon dahil nakakarami ng uban.

Tumayo ako at Iginala ang paningin sa litrato na nakasabit sa dingding.Una kung nakita ang mga litrato ni Sister noong bata-bata pa siya "Eh,Nag-asawa nalang sana siya!" Ang ganda niya kaya tapos walang palahi ganun?.

"Yan nga din yun pangarap ko ang mag-karoon ng Masayang pamilya pero hindi natupad eh!"Nabigla naman ako ng dumating siya kinuha ko ang hawak niyang  Inumin ." Pababa na si Bella,Nakipaglaro siya kanina kaya nangamoy pawis siya!"itinuro pa niya ang secondfloor.

Itinuro ni Sister ang nasa itaas na litrato "Papa mo yan di ba?Magkasintahan kami niyan"Muntik ko pang maibuga sa kanya ang inumin na binigay niya"Ano ho?Ikaw naging girlfriend ni papa,Paano?"Kaya pala malapit sila sa isa't isa.

FROM SOUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon