Shaina's Pov
Monday morning,dating gawi . si Dwie parin ang kasabay ko pagpasok ang awkward lang dahil walang umiimik sa'ming dalawa. Nakatingin lang ako sa labas habang siya ay nagmamaneho.
Naikwento din kasi sa'kin ni Trisha kahapon ng umaga na si Dwie ang sumundo sa akin sa bar. Dagdag kahiya hiya nanaman 'yon. Tinanong ko sila kung may nasabi ba ako or what pero kumit balikat lang ito.
Napabalik ako sa wisyo ng tumikhim si Dwie, napalingon ako sa kaniya
"Nag agahan kanaba? " he asked pero nasa harap ang tingin
"Oo. " maikling sagot ko
"A-ako kasi hindi pa. " mahinang aniya
Nangunot naman ang noo ko at kinuha ang bag ko. binuksan ko ito tsaka nilabas ang naka Tupperware na prutas,tsaka Hotdog. Kay Thea sana ito eh pero mukhang may kakain.
"Itabi mo muna diyan." saad ko
"Bakit? " tanong niya sinulyapan niya'ko saglit
"Kumain ka muna, maaga pa naman. " sabi ko at nilagay ulit sa backseat ang bag ko
"Hindi na, ok pa naman ako. "
"Dali na, itigil mo muna itong sasakyan mo diyan sa tabi. Hindi pwedeng magpalipas ka ng gutom. may dala ako ditong pagkain para kay Thea sana ito pero hindi kapa kasi kumakain kaya kainin mo na." saad ko
Bumuntong hininga lang ito tsaka ngumiti kapagkuwan ay pinark niya ang sasakyan sa may gilid, buti nalang wala pang masyadong sasakyan
Inabot ko sa kaniya 'yong tupperware. nagdadalawang isip pa siya kung kukunin kaya ako na ang nagbukas, tagal e.
Sa tuwing isusubo niya 'yong hotdog ay nag iiwas siya ng tingin, natatawa na tuloy ako dahil bakas na nahihiya ito, ilang minuto pa ay natapos na din siya. Tinignan ko 'yong lalagyan pero wala ng laman. Gutom na gutom na talaga!
"Bakit kasi hindi ka nag agahan? " sabi ko
"Inagahan ko magising para maaga kitang mahintay. baka kasi hindi ka sasabay sa'kin e. " aniya tsaka uminom ng tubig
"Bakit mo naman nasabing hindi ako sasabay sa'yo? ediba, parte ng pagpapanggap natin 'yon. "
"A-akala ko kasi galit ka. " mahinang sambit nito
Nangunot ang noo ko "Eh? "
"Oo, dahil dun sa nangyari nung nakaraang araw. I'm guilty, magdamag akong hindi nakatulog sa kakaisip kung paano kita susuyuin. Nasabi kasi sa'kin ni Trisha na sa tuwing nagtatampo ka halos aabutin pa ng ilang araw bago mawala 'yong galit mo. And nagsimula na'kong magworry, kasi kahapon ni hindi mo manlang ako kinausap. I'm sorry." humihina ang boses nito
Napatitig lang ako sa kaniya at hindi makapaniwala sa mga sinasabi niya. Hotdog lang nakain nito pero nagkakaganyan na, sungalngalan ko kay ng daang daang hotdog ito,Haba ng speach ah.Pero shit! Umagang umaga pinapatibok nanaman ang puso ko, hindi ko malaman sa kung anong kadahilanan.
"Magsalita kanaman. " usal niya tsaka sinundot pa ang braso ko
Natatawa na ako sa itsura niya, malayong malayo sa Dwie na nakilala ko. Para siyang bata ngayon na kaharap ko, kaunti nalang ay iiyak na'to
"A-ano bang sasabihin ko? " pinilit kong sumeryoso kahit sa loob loob ko ay tawang tawa na ako
"Wala kamanlang bang sasabihin sa mga sinabi ko? " salubong ang kilay nito
BINABASA MO ANG
My School Mate (Editing)
Teen Fiction(COMPLETED) She's Rich, Beautifull inside and out, Smart ,Kind and most of all caring. Pero dahil sa hindi inaasahang magaganap ay mababago ang buhay niya at buhay ng mga minamahal niya dahil lang sa isang hindi inaasahang trahedya. What do you th...