Shaina's Pov
"Goodluck sa'tin mga gago." malakas na sabi ni Klint habang papalapit sa pwesto namin.
Ito na 'yong araw na pinakahihintay ng lahat. Ang sports fest. Ngayon na gaganapin dito, i want to play pero bawal sa'kin. Hindi maganda sa kalusugan ko ang magpagod.
"Anong oras first game natin? " si Donald
"Sabi ni Couch saktong 11 , Pero 9 pa naman so marami pa tayong time para magpractise... "
"At manampalataya. " singit ni Klint, natawa kami
Nakajersey lahat ng pula, siyempre gano'n din ako. Kahit hindi ako maglalaro hindi ako papahuli. Bilang kaibigan, dapat ichi-cheer ko sila lalo na si Dwie.
Nilingon ko siya ang gwapo niya ngayon sa suot niya jersey. Kahit naman hindi siya nakasuot ng jersey gwapo na talaga. Bakas ang pagkamakisig nito, medyo basa pa ang messy hair niya.
"I know i'm handsome, magtira ka naman para bukas para may matitigan ka. " pukaw nito kaya napakurap ako
Tumiklay ako saglit saka inayos ang buhok niyang magulo.
"Hindi naman nauubos kagwapuhan mo, kaya malaya akong titigan ka araw araw." malambing kong sabi
Nagulat naman ako ng hapitin niya'ko sa bewang saka mas lalong idikit sa kaniya. bumilis nanaman ang pintig ng puso ko sa ginawa niya. Rinig ko ang mga sunod-sunod na pagtikhim ng mga kasama namin kaya napahiwalay ako ng mabilis sa kaniya.
"Mamaya na ang landian niyong dalawa dahil hindi natin maipapanalo 'yan. " si Mandie
"This is what we called,inspiration." si Dwie
Inirapan niya lang ito. Lumapit si Trevor sa kaniya saka inakbayan
"Inspirasyon din kita,babe. Dalawa tayonv maglalaro kaya inspirasyon mo din dapat ako. "
"Pugok! magtigil ka kung ayaw mong ulo mo ang ishoot ko sa ring mamaya. "
Mahinang sinakal niya si Mandie gamit ang braso niyang naka akbay dito. Malakas siyang pinalo ni Mandie saka umubo ubo. Nagsitawanan lang kami
"Tadashie, pinapatawag na kayo ni coach. " sigaw ng isang kasamahan nilang maglalaro
Sabay sabay kaming pumunta sa gymn saka naghanap ng mauupuan. Medyo madami dami narin ang mga estudyanteng andito pero pasalamat kami dahil dito sa nakuha naming pwesto ay hindi malayo sa court kaya malinaw namin silang mapapanuod.
Ando'n na sila sa baba kasama ang coach nila at naghahanda na, 'yong iba nagpapractise parin tapos 'yong iba nagchichill lang. Wow ha!
Kung hindi ko pa nakukwento sa inyo, Mabilis makahanap ng kakampi sina Tadashie, siyempre meron si Trevor na mahilig magpaikot ng utak. bago ang araw na'to, do'n palang sila nakabuo ng grupo. Hindi pa sila nakakapagpractise. Atsaka, kahit may tiwala ako sa kanila na kaya nila. Magagaling din ang mga makakalaban nila. bali-balita na 'yong ibang kagrupo dati nina Dwie ay kalaban din nila ngayon. Pare-parehas pamandin na mvp pero ayos lang kaya naman siguro nila 'yan.
"Omg! Pwede bang babae ang maglalaro? "
" Diba dapat disqualified na ang grupo bila? "
"Ayssh, 'wag ka ngang ganiyan. Sina Dwie kaya 'yong maglalaro. Ang gagwapo nila. "
"Oo nga, lalo na si Karl ang cute niya talaga. "
"Sinabi mo pa. "
Rinig kong kwentuhan ng mga katabi naming kababaihan. Napabusangot naman ako, ok lang sa'kin na pinupuri si Kuya Liam lalo na si Dwie pero hindi ko gusto ang akto ng pagpupuri nila. Para bang gusto nila itong landiin.
BINABASA MO ANG
My School Mate (Editing)
Teen Fiction(COMPLETED) She's Rich, Beautifull inside and out, Smart ,Kind and most of all caring. Pero dahil sa hindi inaasahang magaganap ay mababago ang buhay niya at buhay ng mga minamahal niya dahil lang sa isang hindi inaasahang trahedya. What do you th...