Chapter 72

1.1K 25 9
                                    

Dwie's Pov

I'm still crying cause of pain.  hindi ko aakalaing wala na ang taong mahal ko. Wala na ang taong nangungulit sa'kin. Gigising na ako ng maaga na hindi na masisilayan ang mga ngiti niya. Kung may nagawa man lang ako sana meron pa siya ngayon. sana buhay pa siya, sana nakakasama ko pa siya.

It's almost a month since the incidence happened.  We are at the cemetery to visit them both. Si Tita halos hindi na lumayo sa mismong kabaong ni Shaina ng araw na 'yon. Si Tito umiiyak din pero wala siyang magawa dahil hindi siya makabalik kaagad. Si Karl,  walang araw na hindi siya umiiyak. Lahat naman kami na hanggang ngayon ay nasasaltan parin at hindi matanggap ang nangyari.

'Sabi mo mananatili ka sa tabi ko hanggang pumuti mga buhok natin. Pero ikaw mismong nangako ang hindi tutupad. Paano na'ko, Shaina? You promised me na pagkatapos mong manalo sa sakit mo pakakasalan mo'ko.

"Babaita, binibisita na nanamin ulit kayong dalawa. Araw araw naman eh. " si Mandie saka lumuhod sa pinapagitnaan ng lapida ni Shaina at Dwie.

"Dielan, lumalaki na tiyan ng binokya mong gago ka! Pero hindi mo manlang masisilayan ang paglabas niya, hindi mo manlang maririnig ang unang pag-iyak niya. " malungkot na sabi ni Klint

"Siguro masaya kayong nakikita kaming malungkot. Sa may sayad kasi kayong dalawa eh. Labas kaya kayo diyan at magsuntukan nalang tayo. " usal naman ni Trevor

Nakikinig lang ako sa mga sinasabi nila. Umiiyak lamang sa tabi habang nakatitig sa lapida at may naka ukit na pangalang ng minamahal ko.

"Nagpaka superhero ka pa kasing babaita ka ayan tuloy. " si Mandie

"Malapit lapit na graduation natin, nangako na sabay-sabay tayong aakyat sa stage ara kunin ang mga awards natin. Pero ngayon… A-ang labo ng mangyari na isa ka sa mga taong hindi aapak sa entablado kasama namin. " mas lalong lumakas ang hikbi niya

Sandaling katahimikan ang nabuo, ang naririnig lamang ay ang mga huni ng ibon, ang paggalaw ng dahon at ang mga hikbi ng mga kaibigan ko. Kung andito ka man sa tabi ko payakap naman oh! Gusto ko lang ulit maramdaman na kahit nasa malayo ka binabantayan mo'ko.

"Magpapakabait na'ko, hindi na'ko aasa palagi sa libre. Bumangon lang kayong dalawa diyan. "

"Ang hirap tanggapin." sabi ni Karl habang nakatingin sa malayo "Muli nanamang nahiwalay sa'kin ang kapatid ko. Wala pa'kong naalala ni isang bawat detalye sa kaniya perp ngayon inilayo siya ulit sa'kin...  anong k-klaseng kapatid ako? Hindi ko manlang siya nagawang ipagtanggol.   hindi ko manlang siya nagawang iligtas. "

"S-sa totoo lang, ayaw tayong nakikitang gan'to ni Shaina. " si Mia

"Wala eh, kahit pilitin nating magpakatatag  at tanggapin hindi natin kaya. Dalawang tao ang nawala at nahiwalay sa'tin at walang kasiguraduhang babalik pa sila. " si Klint

Pagkatapos sabihin ni Klint 'yon ay ako ang lumapit at dahan dahang nilagay ang bulaklak na hawak hawak ko sa may gilid ng lapida ng taong mahal ko. Nakikita ko palang ay may matinding sakit parin ang nararamdaman ko. Hindi matigil at kusang pumapatak ang mga luha ko. Tinapik ni Karl ng bahagya ang balikat ko.

"Babe, imissyousomuch, gustong gusto na kitang mayakap. I want to feel your embraced,again. Hindi ako sanay eh, Because I trained you are always by my side. It's hard to forget that pain. It seems like we just got together. Parang kailan lang ng marinig ko ulit 'yong magandang boses mo. "  natawa ako ng bahagya kasabay ng pagtuloy na pagpatak ng luha ko. "Hanggang ngayon hindi ko parin matanggap, sariwang sariwa pa 'yong sakit kung bakit mo'ko iniwan, Shaina. Ayos lang sa'kin na kahit hiwalayan mo'ko kasi... K-kasi makikita pa kita, masisilayan pa kita pero 'yong gan'to. Alam mo bang ikaw lang 'yong babaeng nagparamdaman sa'kin ng gan'to. ikaw lang ang gumawa ng dahilan para masaktan ako ng gan'to pero kahit gano'n hindi ko kayang magalit sa'yo. It feels like i have you in a minute after that nawala kana kaagad na parang bula.

 My School Mate (Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon