Chapter 62

636 24 1
                                    

Shaina's Pov

Nakasakay kami sa kaniya kaniya naming sasakyan papuntang St. Ana.  Pagkatapos ng bumisita kami kahapon ay napagpasyahan naming umuwe na para mapaghandaan ang ngayon.

Madaming nangyari kahapon sa hospital, sobrang saya ni Precious habang kalaro ang mga kaibigan ko. Kahit papaano ay nabawasan ang bigat na nararamdaman nito kung mayroon man.

Kasama ko ngayon Ang kambal at si Thea. Habang ang iba ay nasa ibang sasakyan. Para kaming nagkakarerahan dito dahil nakikipagunahan sila sa daan. si Kuya Liam at si Kuya Dielan lang ang naka Ducati habang kami ay naka kotse lang ng Lamborghini, ang naiiba lang ay ang sasakyan ni Tadashie dahil naka Ferrari ito. At the same time para kaming mga bigtime kung titignan pero ang totoo magbabakasyon lang.

At sa St.Ana pa

Hindi sumama si Shiffer. Nabanggit lang ang pangalan ni kuya Dielan ay nagbago ang isip nitong 'wag nang sumama. Ewan ko pero parang may napakalaking kasalanan nito kay Kuya Dielan dahil kaunti nalang kung titignan ay parang pinagtataguan niya na ito.

Masaya ako at the same time naiinis din. Paano ba naman, sumama nanaman ang mag-asawa. Sa tuwing aayain si Lincoln sinasama niya si Charise. Nakakabanas. hindi pa pwedeng maghiwalay na sila pang habang buhay.  Wala talagang titibag? pwe!

"Huyy! gago, Dahan dahan lang sa pagmamaneho, Shaina.  Kung gusto mo mamatay don kana sa beach. magpakalunod ka do'n." sigaw ni Mia na nasa backseat. tinignan ko sa rearmirror. Higpit nang hawak nito sa seatbelt

Hindi ko napansin, binibilisan ko na pala ang patakbo ng sasakyan ko. bwisit kasi kung ano ano iniisip ko.

"Ganiyan dapat. Jusko! aatakihin ako sa puso sa'yong babaita ka. " usal naman ni Mai ng binagalan ko ang takbo ng sasakyan ko

"Hindi kapa naman mamamatay kaagad." sabi ko

"Kahit na. Alam mong mag buntis tayong kasama dito. Bakit ba kasi parang ang lalim ng iniisip mo?" si Mai

"Malalim ba? W-wala lang 'yon. "sagot ko

"Wala lang?  pero nauutal ka. 'yong totoo ano ba talaga iniisip mo? "

"Wala nga, nagcoconcentrate lang ako sa pagmamaneho. " lie

"Sus, mga dahilan mo. " mataray na usal ni Mia

Hindi na lamang ako nakapagsalita pa. Ilang oras pa kaming nagbabyahe, kami nalang ata 'yong nasa hulihan dahil nauna na ang iba. As usual, dahil magagara ang sasakyan ng mga kumag ay nagkarerahan na sila.

Ipapanalangin ko nalang na sana maubusan sila ng gas.

"Itigil mo muna, Shaina. " biglang sabi ni Thea kaya napalingon ako sa kaniya saglit

"Ha? bakit? "

"N-nasusuka ako. " sabi nito saka tinatakpan ng isang kamay nito ang bunganga niya

Oh come on!  Wrong timing naman oh.

"H-huh!  Ok, teka. " mabilis kong itinigil sa gilid ang sasakyan ko. Lumabas si Thea at sumuka sa may gilid.

Sinamahan siya ni Mai. Nandito lang naman kami ni Mia sa loob. Tiningnan ko 'yong ibang mga kasamahan namin at talagang nauna na. Wala man lang nakapansin sa'min. tsk

Maya't maya'y nagtanong si Mia "Sa tingin mo anong oras tapos makakarating sa distinasyon na tatahakin natin. "

Tinignan ko 'yung oras sa relos ko, magtatanghali napala.

"I think,hapon na tayo makakarating don. " sagot ko

Tumango siya "I see." tumingin siya sa labas "Tangina, Hindi tayo hinintay. " biglang sabi niya bakas ang boses niya ang pagla dissapointed

 My School Mate (Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon