Shaina's Pov
Isang araw na ang nakakalipas pagkatapos ng nangyari, akala ko 'yon na talaga ang pinakamasakit pero hindi pala, may mas masakit papala.
Andito ako sa kwarto ni Precious ngayon, nasa tabi niya'ko habang sa kabila ay katabi ang mama niya.
Ilang araw pa no'ng bago kami magkita ang lakas lakas pa niya pero ngayon para na siyang lantang gulay. Nangangangayayat, nanghihina, hindi narin namin nakikita ang ngiti niya. This is the last day.
Gumalaw ang isang daliri ni Precious ,hinihintay lang namin siyang magising ulit.
"Anak, M-may masakit ba sa'yo? " umiiyak na sabi ng ginang
"Mama i have a dream po. I saw ate Patricia, she's smiling,tapos sasama na daw po ako sa kaniya kasi namimiss niya na daw po a-ako. " mahina ang boses nito pero malinaw at rinig na rinig namin
Mas lalong humagulgul sa iyak ang ginang habang hinahalikan ang likod ng kamay ni Precious. please, cutie, be strong
"Mama, I'm sorry kung hindi konapo matutupad 'yong promise ko ." aniya
Maging akong ay napapaiyak narin.
"Cutie, iiwan mona ba ang Mama mo? Gusto mo ba siyang nalulungkot palagi. " sabi ko, umiling siya "Then keep fighting, pagkatapos nito magiging maayos na. hindi kana ulit dito matutulog, hindi na ulit iiyak ang Mama mo. " hinahaplos ko ang pisngi niya
Hindi ko siya kadugo, hindi ko siya kaano ano pero nasasaktan ako sa nakikita kong kalagayan niya ngayon.
"Anak, Kung gusto mo ulit makasama ang ate mo ayos lang sa'kin. Ayos nang ako 'yong masaktan 'wag lang 'yong ikaw dahil hindi ko na kakayanin na nakikita kitang nagdudusa. " umiiyak na saad ng ginang
Hinaplos ng bata ang pisngi ng Mama niya "Mama, alagaan mo po sarili mo ah. Kung gusto mo ng kalaro tawagin mo lang sina Kuya McDonald."
Tumingin ako sa taas habang kagat kagat ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang bugso ng luhang gusto nanamang kumawala sa mga mata ko.
Nilingon ko ang ginang tinanguan niya'ko sa ngumiti.
"Matagal pa ulit tayong magkikita at mabubuo ngunit maghihintay ako at hahanapin ko kayong dalawa ng Ate mo." aniya saka hinalikan sa noo ang bata
"Iloveyou, Mama... I-i loveyou ate Shaina... S-sayang po hindi ko p-po makikita sina Kuya Mcdonald. " puno ng dismaya sa boses niya
I'm sorry kung hindi ko sila naisama.
"Iloveyoutoo, anak. "
"Mahal na mahal din kita, cutie. "
"M-mama, inaantok po ako u-ulit. " humihina na ang boses nito
Huminga ng malalim ang ginang saka niyakap ang anak ng sobrang tagal
"M-magpahinga kana, Anak. Alam kong kailangan mo narin 'yon dahil sa ilang taong pagod na dinanas mo. " ani ng Ginang
"Magpapagaling po ako, Mama. "
Tumango ang ginang, kahit alam niyang hindi na gagaling pa si Precious. Para akong kinakapos sa hininga.
"Ate, alagaan mo si Mama ." ani sa'kin
"Oo naman, aalagaan ko siya, mamahalin ko kagaya ng pagmamahal mo sa kaniya. " sabi ko sa gitna ng pagiyak ko
"Pwede napo ba akong sumama kay Ate Patricia?"
Nilingon ko ang ginang, tumango ito saka nag-iwas ng tingin kaya ako ang sumagot sa kaniya.
BINABASA MO ANG
My School Mate (Editing)
Teen Fiction(COMPLETED) She's Rich, Beautifull inside and out, Smart ,Kind and most of all caring. Pero dahil sa hindi inaasahang magaganap ay mababago ang buhay niya at buhay ng mga minamahal niya dahil lang sa isang hindi inaasahang trahedya. What do you th...