18

706 18 12
                                    


"Who's Nicole?"


I whispered myself before holding the doorknob of our condo unit. I was about to open the door, pero naunahan ako ni Aj. I slowly looked at him, pagtingin ko pa lang, nakaramdam na 'ko ng kirot sa puso ko. Alalang alala siyang tumingin sakin. Mas naunahan pa pala niya 'kong umuwi?


"Sky..." 


"Kanina ka pa?" Pumasok na 'ko agad at nilagpasan siya. Hindi ko na narinig ang sagot niya dahil dumeretso na 'ko sa kwarto. Nilapag ko ang bag ko sa may desk at umupo sa higaan.


"Bakit hindi mo sinabi saking nauna ka na pala?" He asked. I looked up to him at sinundan siya ng tingin.


"Bakit hindi mo sinabi sakin kung sino si Nicole?" I smiled a bit. He sat down beside me, but I stood up and walked to the sala, duon ako umupo. I heard his heavy sigh bago niya 'ko sundan.


"Sino nagsabi sayo?" He asked. 


"At wala ka pa talagang balak sabihin sakin. Hindi naman na importante 'yon." Sagot ko sa kaniya.


"Nicole and I are friends, babe. Magkapartner kami sa isang project." Kalmado niyang sabi.


"Sana sinabihan mo 'kong hindi mo pala 'ko susunduin! Naglakad pa 'ko papuntang building niyo tapos nagantay ako ruon!" Napagtaasan ko pa siya ng boses. "Okay, I'm sorry." I felt guilty about my voice tuloy.


"Nawala na lang din sa isip ko, naubusan battery phone ko." 


"So, nawawala na rin ako sa isip mo?" I sarcastically said while nodding.


"Hindi naman parati dapat kita isipin!" Sagot niya sakin. "Sky, hindi na tayo highschool na pwedeng petiks petiks lang!" Galit niyang sabi.


"I know! Pero sana naman pinapakilala mo sakin si Nicole?" I sarcastically laughed a bit. "Hindi ko alam kung... kung sino na nakakasalamuha mo dahil hindi na tayo parehas ng building! Magkaparehas lang tayo ng school pero magkaiba tayo ng department!" I held my head.


"I know.." Pilit niyang maging kalmado. "Pero, Sky... Nicole is just a friend of mine."


"Nainis lang ako dahil nag-antay ako! Tapos nalaman kong may kasama ka pa lang Nicole!" I almost rolled my eyes. "I'm just scared na.. baka ipagpalit mo 'ko o magsawa ka o ano." I sighed. 


"Sky, hindi ko ngang kayang ipagpalit ka," He looked away and moved his jaw. "Mas lalong hindi ko kayang iwan ka." He held my hand. "Ikaw ngayon, bukas, ikaw palagi." He looked at my eyes. "Sana intindihin mo 'yon." 


Parehas kaming napatingin sa pintuan nang marinig naming nagbukas 'yon. It was our parents. Bumitaw naman agad kaming dalawa sa kamay ng isa't isa. Too clingy for our parents. 


"Is everything alright?" Tita Amelia asked, Aj's mom.


Music of FameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon