29

774 19 6
                                    


"Sa tingin mo, Sean? Sasaktan ba niya 'ko ulit? Bumalik siya dito para iwan ako ulit?"


Oh, he didn't stop talking. I want to touch his face and calm him down. Pero, hindi ko alam kung paano umastang hindi niya kaibigan o ano sa harapan niya mismo. Ang hirap. Nasanay ako na kapag nandiyan siya, kami e. Hindi kami 'yong ganito.


"Sean, sagutin mo 'ko." 


My eyes widened after I saw tears falling down from his eyes. Uminom siya kanina nang sobra, eh low alcohol tolerance nito. 


"Ang sakit e." His voice broke. "Tangina.... sobrang sakit."


"Shh.." I wiped his tears. Wala na 'kong pake kung magising siya at makita niya 'ko. I don't care if he hates me or what. Wala namang nagbago sa nararamdaman ko. 


"Am I bad?" He sobbed. He held my wrist, hindi ko tuloy naalis agad. "Akala ko kasi, siya na pre, e. Tangina, asang asa ko. Kasalanan ko rin naman kung bakit siya tumuloy sa Florida." He let go of my wrist at humiga nang maayos sa sofa.


So, all this time? Iniisip niya na siya 'yong rason nang pag-alis ko? Aj, no. Para sa pangarap ko 'yon. Sayo nga, onti onti mo nang naaabot. Tapos, pag ako, ayaw mo? That's selfish.


Nang makatulog siya nang mahimbing, tumayo na ulit ako. I got some towel and wet it para ipunas 'yon sa kaniya. Hindi ko na sinubukang palitan siya ng damit, baka magising e. Tumayo na ulit ako at bumalik sa kwarto ko. Natulog na 'ko. 


The next day, I woke up early dahil pupunta nga 'ko sa building nila Makie and Grey, for my job here in the Philippines. I stood up and went to the bathroom to take a bath. I also brushed my teeth. I was wearing a dark brown coat with a white spagetti-strap top underneath tucked-in a dark brown wide pants partnered with a white heels.


Kinuha ko agad ang phone ko nang marinig kong tumatawag na si Makie. 


[ Sky ] Babe, paalis na 'ko ng bahay.


Lumabas na rin ako ng kwarto agad. Nakita ko si Aj sa may kitchen pero hindi ko na lang pinansin. Hindi niya rin naman ako papansinin e. Lumabas na lang ako at dumeretso na ng parking.


[ Makie ] Early ha! Grey and I are having our breakfast here at Tim Horton's. Katabi lang ng building.


[ Sky ] Sure, sure! Hindi rin ako nakapagbreakfast. Male-late lang ako.


[ Makie ] Sige, sis! Ingat! I'll see you here!


[ Sky ] Yes, babe! See you!


I ended the call right after. I started the engine at agad din naman akong umalis. Pagkarating ko sa building nila Makie, nagpark muna ako atsaka ako pumunta ng Tim Horton's. Para hindi na hassle nang palipat-lipat ng kotse. 

Music of FameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon